"Hey! Don't give me that look", sabi ni Trishia sa best friend niyang si Kaycee habang paupo siya sa bleacher na kinauupuan ng kaibigan sa CB Shed.
"Why not? I mean – sabay sa dismissal time , spending time together during breaks and now sabay kayo ni Daniel na pumasok?, Cannot I ask what's up with you two?", sagot ni Kaycee.
Well lahat ng sinabi ng kaibigan ay totoo. But there's more to it than meets the eye. Actually that morning maaga siya pumasok dahil Midterm nila sa kanilang first subject. She doesn't want to be late and cram. Believe it or not nagkataon lang na nakasabay nya sa jeep si Daniel ngayon.
"Well best, to tell you honestly – wala naman talaga nangyayari samin dalawa. It's not what you think. Yung kanina nagkasabay lang kami sa jeep. Yung pagsabay sabay namin ng uwian , it's because of the campaign strategy sa incoming SPG Election diba? Alam mo naman yun best", mahabang explanation niya.
"Ang akin lang naman walang masama kung maging kayo – I mean pareho kayo single , so no need to hide kung ano talaga namamagitan sainyo, lalo na sa akin", sagot ni Kaycee.
Finally seeing her best friend point. Ngumiti siya, she reached for her hands and say:
"Okay best, I get it – hindi ito katulad nung kay Jo na inilihim ko sayo. Kaibigan mo kami pareho ni Daniel, ako best friend mo pa, hindi ko gagawin na ilihim sayo kung sakaling merun talagang namamagitan samin. Pero best, wala talaga eh – hindi sa hindi ko siya type or what – it's safe to say that for now we are ONLY FRIENDS – no more – no less", mahaba niyang paliwanag.
Pinisil ni Kaycee ang kamay ng kaibigan. "Sorry ha best? Pakiramdam ko kasi ayaw nyo lang sabihin eh", teary – eyed pa.
Natawa siya. Minsan talaga may pagka-weirdu kaibigan niya.
"Kayanga ngayon don't entertain that thoughts okay? dahil wala talaga at kung mayroon man – IKAW una makakaalam", she said and winked.
By that – alam niya na okay na sila g best friend. Lumipas pa ang ilang minute ay nag – review na sila hanggang tumunog ang bell. Hudyat para sa pagsusulit nila sa kanilang unang subject.
Sa loob ng ilang lingo ay hindi mapaghiwalay ang mga miyembro ng bawat partido, unti – unti nakilala ni Daniel at Trishia ang isa't isa. They both learned na pareho silang panganay. Pareho din silang isa lang ang nakababata nilang kapatid (both guys as well). They are also interested with Hollywood movies, madalas pag break nila sa campaign they watch movies kasama iba pa officers then they'll talk about it. Pareho rin silang scholar at tinutulungan ang sarili para makapgtapos. They both learned that life is never easy for the both of them. But that's okay dahil hindi at wala sila balak sumuko. In some way hinangaan nila ang isa't isa.
Akala ng iba – their closeness will lead to something romantic – but all things come to an end – even how great it is. Mabilis na lumipas ang isang buong semester sa buhay ng mga mag – aaral. Natapos ng matiwasay ang campaign period ng AGAP party (iyon ang partidong nabuo nila Daniel kasama ang iba pang mag – aaral na kinabibilangan ni Trishia). At sa kabutihang palad natapos ito na sa kanila ang tagumpay. Masaya ang buong partido sapagkat nakamit nila ang landslide victory magmula sa President (si Daniel yon) hanggang sa Business Manager. Malaki ang pasasalamat nila sa mga mag- aaral na nagbigay suporta sa kanila at bilang mga pinuno hindi nila sasayangin ang oportunidad na katulad nito.
Naging sobrang bilis ng panahon sa kanila – 3rd year na si Trishia at 4th year naman si Daniel. After ng proclamation period ng nanalo ay wala na silang naging communication. Si Trishia ay tuluyan ng nakapag – focus sa pag –aaral sapagkat kailangan pa niyang lalong galingan sa pagkakaroon ng scholarship at naging student laborer siya sa loob ng President's Office, kaya every break time ay nagrereport siya doon para maging messenger or tag – timpla ng kape para kay Dr. Reyes (University President) o sa mga bisita niya sa loob. Minsan nagpupunas punas siya ng mga furniture or computer table or taga – walis sa loob ng office at sa hallway sa tapat ng office. Aminado si Trishia hindi naging madali ang buhay sa kanya bilang panganay ay malaki ang responsibilidad niya. Kaya naman gagawin niya ang lahat para makatapos ng pag – aaral. Iyon lang naman ang simpleng paraan niya sa tulong na ibinigay sa kanya ng kanyang guro sa Strategies in Teaching at History, si Prof. Francesca Carreon. Sa tulong niya, nakapasok siya sa President's office at binibigyan rin siya ng allowance every week bilang pamasahe niya. Siya rin ang naghanap ng scholarship para sa kanya. Dahil sa tungkuling ito sa buhay nila tuluyan nang nawaglit sa isipan niya kung ano ba talaga ang namagitan sa kanila ni Daniel. Actually hindi na siya interesado alamin pa – kahit pa ang buong BEED family niya ay kinukulit siya kung kumusta na sila. Wala siya masagot dahil WALA naman talaga. Pride na rin siguro pumipigil sa kanya na i-text si Daniel para kumustahin, she knows how busy he is then and even NOW being the President of the whole SPG kaya pinili niyang tumahimik at lumayo.
That's for the better. Alam niya some part of her got hurt dahil sa hindi pagpaparamdam ni Daniel sa kanya. But again she remained stiff and chose to do nothing.
"Hi!", bati ng lalaking napagbuksan ni Trishia sa pintuan ng President's Office.
Biglang lumakas ang tibok ng dibdib niya to realize that Daniel is infront of her.
"Oh Dan!", anang ngumiti nang makabawi sa pagkagulat.
"Trish! Sabi ko na makikita kita ditto eh, kumusta na?, I haven't seen you for awhile", nakangiti parin.
"Yeah – life so busy lately don't you think?", sabi nalang ni Trishia, she sounded sarcastic for herself.
"I think so,, (pause) Is Dr. Reyes around? May ipapapirma sana ako sa kanya eh", sabay pakita ng mga papel na hawak niya.
"Wala siya ngayon ditto, kalalabas lang niya – may meeting sila sa Guillermo Hall kasama yung mga Board of Directors. The meeting will be an hour sa narinig ko", casual na sabi niya. "If you want iwanan mo nalang ditto then balikan mo after class, ihahabilin ko nalang kay Kuya Dave (Janitor at Kanang Kamay ni Dr. Reyes) if ever wala pa si sir at tapos na duty ko ditto.", mahabang sabi niya.
"SIge – bukas pa lang naman kailangan yan eh,, anyway I know I can count you right?", sabi niya handing the papers kay Trish.
"Okay, balikan mo nalang mamaya", sabay kuha, pinilit niyang ngumiti. Actually hindi niya alam kung matutuwa siya o lalo lang siya naasar dahil he seems not to realize ang ginawa niyang hindi pagpaparamdam sa kanya right after the proclamation.
Parang nagka-amnesia. Ngayon as if wala lang sa kanya.
Eh ano naman sayo? Kayo ba? Hindi naman diba?
"thanks Trish –", rinig niyang sinabi.Tumango si Trishia, trying to smile—akmang isasara na ang pinto ng
"Hey Trish—
"Yes? Merun kappa ba ibang ipapasabi kay Sir?, tanong niya.
"Its nice seeing you again", I miss you
"Okay, you too", finally she closed the door.
Ayaw niyang maging bastos but she doesn't understand her feelings, kinakabahan na masaya but may tampo rin. Mixed emotions.
Pagkasara ng pinto. Daniel sighed – kahit kelan he couldn't have the courage to say what he really wants to say kay Trishia. Nais sana niya itong yayain na umuwi kasabay siya – gaya dati. Kaso nauunahan siya ng hiya at pinanghihinahaan siya ng loob.
Coward.
BINABASA MO ANG
Campus Love Story # 1: My Lost Valentine
RomanceIsang simpleng kuwentong kapupulutan ng aral. Isang kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang kuwentong masusubok ang katatagan at paninidigan sa ngalan ng pag - ibig. Si Trishia na isang babaeng paulit - ulit na nabigo at nasaktan dahil sa p...