Chapter Eight
"Naaalala ko ang mga gabi – nakahiga sa ilalim ng kalawakan", Naaalala ko ang mga gabi –magkatabi sa ulan", masigla nakipag-sing along ang mga mag-aaral habang nagpeperform ang paborito nilang banda -- ang Spongecola.
Isa na si Trish dun, walang pakialaam kung siksikan na sila sa lugar na malapit ang stage, masayang – masaya sila dahil napagbigyan ang university sa concert bilang celebration ng 65th Foundation Day. At kinaya ng unibersidad ang mataas na TF ng nasabing banda.
"Huling awit nap o namin ito", wika ni Yael Yuson ang bokalista ng banda, "at nais po naming itong gawing espesyal".
Lumakad si Yael sa stage at tumungo sa harapang bahagi, tila may hinahanap ---
"May isang romantikong taga – DHVTSU ang nag-request samin na pasayahin raw ang kaibigan niya – na super fan raw kami, this guy's really nice and I think he's secretly inlove to someone – anyway ayaw po niyang aminin yun sakin", ngumiti. Hiyawan ang mga audience – si Trish din ay sobrang kinikilig, napatingin pa nga siya sa buwan, may anino ito na spiral – weird but nice –
"Gusto nyo bang malaman kung sino siya"? tanong ulit ni Yael sa crowd. Isang malakas na OO ang sinagot ng lahat.
"Sino po ditto si Trish? Trishia Dayrit?, itinaas pa ang kamay upang hingin ang sagot sa audience ni Yael.
Napasigaw ang mga kaklase at pinsan ni Trish sa narinig! "My Gad ate!! ikaw!!" sabi ni Ana na halus nasa tabi lang ni Trish. Gulat na gulat si Trishia—lalo umingay! Hindi na nga niya alam kung ano ang sasabihin – ni hindi niya alam paano siya nadala sa gitna ng stage kasama si Yael – It's her dream!! super crush niya talaga ito --- at kahit ilang beses na niya itong o silang nakita sa mga album launch at mall shows nila – She can't get enough with them – Para siyang nananaginip! First time niyang mabigyan ng attention sa ganong klase crowd at event.
Nagsimulang kumanta si Yael nang makaating sila sa gitna ng stage "Ms. Trish – this is for you—I know this is your favorite song –
"Maybe I'm a little addicted – Maybe I just can't get out of it – Maybe it is just too soon to say ---"
Hiyawan na naman ang mga crowd! She knows this! Dragonfly isa rin sa sumikat na kanta ng banda, hinawakan pa siya ni Yael sa kamay! My God! She's nervous ang kinikilig and happy! Grabe --- nakita nya halus mahimatay sa kakasigaw mga kaklase at pinsan nya!
"Free your mind – don't let me down – we'll find a way to make it go away"
Sinabayan na ng audience ang crowd! Kahit si Trish hindi na niya napigilan – natangay na siya ng magandang boses ni Yael at ng ganda ng view – everything's perfect – lahat masaya! lahat may kanya – kanyang hugot sa kanta.
"Why can't you see me like I see you? Do you feel me like I feel you? Can't you be with me tonight?
Sinabayan pa lalo ni Trish ang linyang iyon – he's dedicating that to someone—Bigla niya naalala – hinanap niya – wala sa crowd – sa side tumingin siya wala yung someone na yon..
"I'll make it go away (Dragonfly) -- "I'll make it go away (Dragonfly) –
"Nag – enjoy ba kayo?", sigaw ni Yael sa crowd ng matapos ang kanta. Isang malakas na OO ang sigaw ng audience
"Ms. Trish nagustuhan mo ba?, tanong ni Yael sakanya. Tumango lang si Trishia – still in the state of shock – "But wait there's more!" dagdag ng bokalista sabay pito --- lahat ay napatingin sa dakong left back stage. Lumabas sa stage ang isang lalaking di naman kilala ni Trish – may dalang bouquet of flower, iniabot ito sakanya. Halus mabingi sila sa lakas ng hiyawan sa eksenang iyon.
BINABASA MO ANG
Campus Love Story # 1: My Lost Valentine
RomanceIsang simpleng kuwentong kapupulutan ng aral. Isang kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang kuwentong masusubok ang katatagan at paninidigan sa ngalan ng pag - ibig. Si Trishia na isang babaeng paulit - ulit na nabigo at nasaktan dahil sa p...