Chapter Nine

36 2 0
                                    



Halos kaaalis lang ng mga miyembro ng Sponge Cola, sumakay sila sa kanilang servive van. Pasado alas dos na iyon ng medaling araw. Halos yakapin ni Daniel si Yael at ang kanilang road manager na si Raymond Fabul (a.ka. ang kanyang accomplice sa kaninang Mr A. scene sa stage).

Oo! siya nga si Mr A, nakiusap siya sa dalawa na bigyan ng special attention ang kanyang "secret crush". At dahil ayaw niyang bigyan ng kahit na anong ideya ang mga taong nakapaligid sa kanila-lalong lalo na si Trish - tiniis niyang magtago kanina sa head quarter ng Guillermo Hall. Nagkasya na lamang siya na panoorin ang buong performance ng Spongecola sa camera nan aka-attach dun sa CCTV sa quadrangle stage.

Pinigil niya ang sarili na pumunta sa stage o kahit sa back stage dahil baka hindi na niya mapigil ang sarili na umakyat at ireveal ang tunay na identity at ang nararamdaman. Napangiti siya - tanaw parin niya ang van palabas ng gate na sinundan ng mga sundalo - Mahigpit ang security sa loob at sa labas ng university. Isa iyon sa sinigradu nila matutupad bilang mga organizer ng event na ito.

Tinignan niya ang cellphone, may mangilan ngilang texts. 2:30 a.m. Narinig niyang nagsimula nang magperform and banda ng kanilang university-ang DHVTSU peeps.. Naisip niya si Trsih. "Nasan na kaya siya?",

"Daniel!!-nanjan ka pala", wika ni Danica, mula iyon sa likuran niya.

"Hinatid ko lang mga Sponge Cola sa sasakyan nila", sagit ni Daniel. Ang totoo gusto na niyang itext si Trishia para Makita siya.

Nakita niya kasi kanina na hiyang hiya ito sa malaking eksenang ginawa ng banda at ng kanyang accomplice na Mr. A. Mas nakita pa niyang kinilig ang mga kaklase, pinsan at mga audience kesa kay Trish. Gusto niyang tanungin kung okay lang ito - kumustahin. Matagal - tagal na naman siyang hindi nagparamdam kay Trishia. Something tells him na may hindi tama doon, after Jo's incident alam niya naparamdam niya sa dalaga na handa niyang ipagtanggol ito kahit kanino. Okay na sana - kayalang napansin niya na lalong nahuhulog ang loob niya kay Trish. Bagay na HINDI PA maaring mangyari NGAYON - kaya he chose to keep distance ONCE AGAIN. "Hindi pa ito ang tamang panahon", lagging sinasabi ni Daniel sa sarili.

"Ui Daniel!! Gutom ka na nga!", si Danica iyon - sabay tapik pa sa balikat ng binate.

"huh?', si Daniel - nagulat

"Sabi ko, canteen muna tayo - may pinabibili si Mam Lopez sa atin - samahan mo muna ako" - ang lalim ng iniisip mo", wika pa ni Daniel.

"Ha? hindi naman - sige samahan na kita", sagot niya.

"You mean kaibigan niyo rin si Daniel?", tanong ni Vincent sa kanila.

Tumango lang si Trishia - gaya ng sabi niya sa sarili She is not mush of a talker right now. Nabanggit kasi ni Kaycee na nakasama nilang officer si Daniel sa SPG, yun nga lang napilitan silang mag - resign dahil sa conflict of schedule.

"Sabagay - knowing Daniel -mabait naman talaga siya diba?", si Vincent ulit iyon.

"OO naman - lalo na kapaga tulog", biro ni Trishia. Natawa sila - pinipilit niyang libangin ang sarili.

"Oh - speaking of the angel", si Tey iyon - sabay turo sa entrance ng canteen sa pamamagitan ng nguso nito.

Trishia saw Daniel - wearing his SPG uniform, papasok sila sa canteen kasama si Danica-yung emcee kanina. Masayang nagkukuwentuhan.

She felt hurt and betrayed - parang may kumurot sa puso niya. Siya miserable - hirap mag-enjoy sa gabing dapat sana ay napakasaya -samantalang ang laman ng isip niya ; heto masayang nagkukuwentuhan kasama ang SPG officer - she really felt betrayed.

"Ui Dan!", over heeereee", si Tey yun sabay kaway pa ng kamay.

Nakita niyang nagulat si Daniel - "Ui! k - kayo pala , kanina pa kayo?

"Oo pinapalagpas lang naming ang 5th Harmony bago kami bumalik sa quadrangle", sagot ni Tey

"Silent Sanctuary na ang susunod na act diba kuya?", si Anggie yon.

"oo sila na - ahmm Trish -n - nag enjoy k aba kanina? Ang galling nila Yael diba? pilit tumingin sa mata ng kinausap.

"Ofcourse! Ang saya nga eh grabe-(she sounds sarcastic) Alam talaga nilang MAGPASAYA ng tao", dagdag pa ni Trishia.

"Ah may bibilhin ata kayo", singit ni Kaycee na ramdam na ramdam ang ngitngit ng best friend niya.

"Oo nagkulangan ng mga 3 in 1 coffee para sa mga tanod at sundalo - nagpasama lang ako kay Daniel - kanina pa kasi siya nagmumukmok sa loob ng control room naming", ani Danica.

"O bakit naman dun? eh ang ganda ng gabi - diba Vince? tukso ni Tey.

"Oo naman - ang ganda -" , sabay tingin kay Trish na nakatingin sa kape na hindi naman niya ginalaw.

"Tara guys - we better go; baka makuha ang puwesto natin", si Trish iyon; sabay tayo - ayaw niya at hindi niya kayang makipagplastikan - NO ! NOT THIS TIME, pakiramdam niya maiiyak siya.

Tumayo na rin mga kasama niya - hindi nya tinignan si Daniel, narinig niyang nagpaalaman ang mga ito sa 2 pero siya ay nanatiling deretso ang tingin. Sumama na rin lumabas sa kanilang apat sina Tey at Vince.

"Okay ka lang", Si Vince iyon, magkatapat na pala sila habang naglalakad.

"huh? oo-antok lang siguro ako", sabay pinilit ngumiti sa kausap.

"Dibale - last act na ang Silent diba",

"Oo ata", tipid na sagot niya.

Silence - sa totoo lang sobrang bigat ng pakiramdam niya - gusto niyang tanungin si Daniel bakit bigla na lang siyang hindi nagparamdam katulad ng dati and worst bakit ganito ang pakiramdam niya.

Nakarating na sila sa quadrangle - pumuwesto nalang sila sa LTD building ( tapat mismo ng Quadrangle iyon) mas maluwang dun - hindi na nila kailangan makipagsiksikan tulad kanina.

"Ano ba Trish! Huwag mo ngang sayangin yung binayaran mong ticket! Try to enjoy - the company of others",

"Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso - Sa tuwing magkahawak an gating kamay;

Pinapanalangin na lagi tayong magkasama - Hinihiling bawat oras kapiling ka"

"Ang ganda ng lyrics no?, si Vince ulit iyon -

"Oo corny nga lang", sagot niya.

"Corny - hopeless romantic maybe", Vince ulit.

"Yeah - hopeless romantic", ngumiti siya

Dream on Trish ... let go... enjoy...

Campus Love Story # 1: My Lost ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon