Nasa Department store sina Kaycee and Trishia at abalang namimili ng damit na ipangreregalo sa kani kanilang nobyo sa darating na pasko. It is first week of December and they could feel the 'holiday rush'. Actually nakapili na si Kaycee para sa nobyo niyang si Dave. Si Vince nalang ang pinagpipili nila. Halus 30 minutes na sila nag - iikot pero wala pa rin siyang mapili. Kung ano ano na nga rin ang sinuggest ng kaibigan pero she never seems to agree.
"Ikaw ba may balak kang regaluhan siya?", pikang tanong ni Kaycee sa kanya. Tumabi muna sila sa Children's toy section dahil dun lang walang gaanong tao.
"Oo naman no?, hirap lang talaga ako pumili - alam mo naman ilang buwan pa lang naman kami. Hindi naman kami katulad ninyo ni Dave na nasa long time stage na no?", depensa naman niya.
"You know what? we better eat muna-nagutom na ako sa kakahanap ng surprise Christmas / farewell gift mo kay Vince", suggest niya at naglakad na siya papuntang exit ng mall.
Natatawang sinundan naman ito ni Trishia, alam niya gutom na lang talaga ang kaibigan at nagdadahilan lang ito sa sinabi niya sa kanya. Aalis na kasi si Vince next week papuntang Manila para dun mag spend ng Pasko sa mga kamag - anak niya sa mother side na matagal na nilang hindi nakakasama. Kaya naman naisip niyang i-surprise ang kaniyang nobyo at ibigay ang regalo niya a day before siya umalis ditto sa Pampanga. Mag - iistay sila dun ng 3 weeks kasama ang kanyang nanay at mga kapatid. Naisip nga ni Trish na it would be the first time sana na may kasama na siyang magpapasko at magsisimbang gabi this year, actually ayaw naman sumama ni Vince napipilitan lang itong pagbigyan ang nanay kayalang pinilit niya itong 'kumbinsihin' dahil ayaw niya ma-disappoint ang nanay niya, baka isipin pa nito 'bad influence' siya. Sinabi na lang niya na may next year pa naman Pasko at New Year na pagsasamahan nila at hindi lang itong taon na ito. Alam niyang 'iyon' ang pinaka epektibong salita na sinabi niya upag mapapayag ang nobyo.
" So,kelan ang alis ni Vince?", tanong ni Kaycee, naka order na ito at may hawak na waiting number. Pinatong niya ito sa mesa umupo sa tapat ni Trish.
"Ah, nextweek", sagot naman niya ng makabawi sa pag - iisip.
"Buti pumayag ka na umalis siya - parang LDR na rin kayo sa loob ng 3 linggo", intrigang sabi ni Kaycee.
Nag kibit - balikat na lang si Trish, hindi naman niya alam kasi kung saan patungo ang tanong ng matalik na kaibigan.
"I hope - it's not because of someone who promised to comeback this month", pagka klaro ni Kaycee sa kausap.
Bigla niya naalala si Daniel --- sabi niya after 4 months, it would be December if ever , yun pala nasa isip ng kaibigan kaya niya pinilit si Vince na umalis. Pero sa tagal nilang magkaibigan ni Kaycee, hindi niya makuhang ma-offend sa kanya, maybe dahil alam at kilala na nila isa't isa.
"H - hindi naman, I mean - how could you possibly think of that?", tanong ni Trish sa kaibigan.
"I don't now, just a thought maybe -", sabay kibitz balikat pa ni Kaycee sa kanya. " 3 weeks is too long to spend alone , holiday yon , you can spend time together for a starting couple like you not unless you're waiting for Daniel", deretsahang sagot ni Kaycee sa kanya.
Napalunok si Trish, minsan talaga hindi mawala sa kaibigan ang pagka straight forward nito sa mag ideas or opinions niya. Now, she regrets that she told her about her encounter with Daniel and his hanging promise to her.
"I told you, I really don't expect that will happen. I mean - knowing Daniel, hindi naman sa nawalan ako ng tiwala-I just know now how I should guard myself to him from being hurt", trying to convince Kaycee, alam niya mapapasabak siya sa sandamakmak na explanations sa kanya.
"But if ever that will happen you're going to meet him aren't you?", pagcoconfirm ni Kaycee.
"I honestly don't know", sincere na sagot niya.
"If I were you, I won't meet him - if you're done with him and you have enough closure let it be-hayaan mo siyang magkaroon ng 'unfinished business', he's the one asks for it anyway", suggest na naman ng kaibigan.
Minsan naisip niya, Kaycee has a cold heart - to think, close friend niya 'noon' si Daniel but now hindi niya alam saan o na kanino na ang loyalty nito kung sa binata o kay Vince na hindi naman talaga niya kakilala. Pero alam niya kung saan nanggagaling ang matalik niyang kaibigan - it's Kaycee's love for her as a best friend.
"I'll just cross the bridge when I get there', sabi nalang ni Trish, hoping the subject will be dropped. "I don't want to dwell on something that it's not sure to happen", dagdag pa niya, sa totoo lang yun rin sinasabi niya sa sarili kapag nahuhulog siya sa pag iisip kung pupunta ba siya o hindi kung sakali.
"Okay - I just hoped you have a better decision by that time, remember the person who was with you from the start even if your too much hurt because of Daniel", sagot ng kaibigan.
Trish knows she is talking about Vince, hindi naman niya nakakalimutan iyon, how could she?
Saktong dumating na ang order nila, Kaycee became busy entertaining the waiter and she guess the subject has finally dropped, but Trish's thoughts remained if that moment happen, is she prepared and has she decided already?
Have I?
__________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Campus Love Story # 1: My Lost Valentine
RomanceIsang simpleng kuwentong kapupulutan ng aral. Isang kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang kuwentong masusubok ang katatagan at paninidigan sa ngalan ng pag - ibig. Si Trishia na isang babaeng paulit - ulit na nabigo at nasaktan dahil sa p...