August 25, 2010
Kakapasok lang ni Trishia sa entrance ng mall malapit sa school nila. It was 3:30p.m. Maaga pa para sa Novena Mass. Nag early dismissal sila kasi may event sa school nila. Nagkaroon sila ng School Intrams in preparation for the District Athletic Meet nila. Every Wednesday ay nagkikita sila ni Vincent para sabay sila magattend ng novena mass sa San Fernando. Call time nila ay 4:30 dito sa mall, since maaga naman siya nakauwi she decided to have "me time" muna habang hinhintay ang nobyo. Matapos ang ilang buwan ding pagtitiyaga ni Vince ay napasagot na niya si Trishia. In the most traditional manner (gaya ng request ng mga magulang ni Trish) pumapasyal ang binata every Sunday or pag may okasyon. Humihingi permiso pg lumalabas. Things na napaka old style but means alot for them and especially for Trish. Nakita naman ng dalaga ang effort at support ng nobyo sa kanya. Lalo n nung ngresign siya from private school at nag-apply siya to public elementary school. Andun si Vince every step of the way. Buti na lang at agad siyang napermanent that June of 2009. Then, nito lng August 2010, naaproved request to transfer niya sa barrio school kung saan siya talaga malapit. Vince, on the other hand, works at San Miguel Corporation since they graduated. Everything seems to be going well. Habang naglalakad siya ay naalala niyang naubos na yung ink ng printer niya sa bahay at need niya magprint ng hand outs para sa Saturday class niya. Papunta na sana siya sa Silicon Valley para makabili ng ink, nang makaramdam siya ng "call of nature". Kaya kumaliwa siya para pumunta sa restroom ng mall na nasa tabi ng Ace Hardware. Agad naman siyang nakagamit ng cubicle dahil wala masyado tao. Nakalabas na siya at naglalakad na papunta sa main ng mall nang may nasalubong siyang pamilyar na mukha. Pakiramdam niya ay bumagal ang galaw ng lahat ng nasa mall. Nagkatinginan sila ng kasalubong at napahinto ito.
"Trish?! Is that you?!", asked Daniel in a state of shock.
Tuluyan na silang huminto. Nasa tapat sila ng isang stall.
"D - Daniel?", anang di makapaniwala.
It has been a year and 9 months since they lose contact to each other. After ng motorcade amd Vince proposal to court her, she decided not to communicate with Daniel. She decided to have a new life without him. She spent sleepless night thinking, crying, hurting but still Daniel was still missing. The pain made her stronger and finally moved on (as far as she is concerned) and honestly, may mga times na sumasagi parin sa isip niya Ang binata --- pero agad niya itong winawaksi sa isip niya. She controlled her emotions, focusing with the goodness and loyalty Vince is offering her. Kaya as of the moment she couldn't believe that they will be meeting at this point in time. Tagal na niyang hindi naisip itong pagkakataon na ito.
"How arE you? --- it's been while Trish.. ", anang Daniel at di matago ang excitement sa mukha.
Ang tagal pinagdasal ni Daniel na dumating ang araw na ito -- ang makita niya sI Trishia. He knew he was stupid to do such things, he was more stupid to let her go. Kahit hindi niya alam kung paano siya makakabawi, pagkakataon na niyang masabi gusto niyang sabihin sa dalaga.
"I've been trying to reach you Trish, Nagpalit ka ba ng number?", he asked casually.
"Yeah -- nasira kasi fone ko, since then nagpalit na rin ako ng number", sagot ni Trish nang di tumitingin sa kausap.
As advised by Kaycee yon siyempre--- kahit magkahiwalay na sila ng schools ngayon(pareho na sila nasa public) they remained bff's, constant communication nila. Lalo na sa lovelife nila ni Vince. Kaya nga tinanggap rin niya nag advised ni Kaycee na magpalit na ng number dahil alam niya sa sarili na lihim parin niyang dinadalangin 'noon' n isang araw magtext, tumawag o magparamdam man lang si Daniel after the motorcade. Dumating na rin siya sa puntong napagod na siya sa kakaisip sa kung ano at paano na nga ba sila. Aaminin niya mas naging madali ang pagsisimula dahil kay Vincent at sa pagtanggap na may mga bagay na hindi talaga para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Campus Love Story # 1: My Lost Valentine
RomanceIsang simpleng kuwentong kapupulutan ng aral. Isang kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang kuwentong masusubok ang katatagan at paninidigan sa ngalan ng pag - ibig. Si Trishia na isang babaeng paulit - ulit na nabigo at nasaktan dahil sa p...