"San ka galing?", bat ang tagal mo Brods?", si Dexter iyon. Galing si Daniel sa University Canteen para bumili ng mineral water nilang magbabarkada. Patapos na sila ng ensayo nila para sa nalalapit na Intrams.
"Sa canteen", sagot ni Daniel sabay abot ng bote ng mineral kay Dexter. Siya na rin ang nagbigay sa mga kasama niya. Umupo na kasi si Dan sa bleacher, seryoso.
"Ok ka lang ba?", tanong ni Dexter. Tumango si Daniel. Hindi niya magawang magsalita. Actually ayaw niya magsalita dahil kahit siya hindi niya maintindihan nararamdaman niya nung oras na iyon.
He saw Trishia sa canteen – with other guy. Tagal niyang nakapila sa water stand ni hindi siya napansin nito. They looked so serious talking with each other. Parang boyfriend niya dahil nakita niya na hinawakan ng guy ang kamay ni Trishia.
Akala ko pa naman single siya.
Ano ka ba? Eh ano ngayon kung single o taken siya? You don't have the guts to court her!
Aaminin niya part of him got hurt. Eventually nakita niya si Trishia na lumabas sa canteen – he thought he saw tears falling in her cheeks. Lalapitan sana niya pero alam niya its out of his way. Tinignan niya yung guy na napaupo. Nag – iisip. Whatever it is na nangyari sa usapan. Isa lang sigurado niya – Trishia is hurt.
"Brodz, sure ok ka lang?", tanong ulit ni Dexter.
"Oo brodz, pagod lang siguro sa practice", alibi niya.
Sometimes, kahit gaano ka – mahal ng isang tao ang pamilya niya ay hindi maiiwasan na naiisip niya na SANA nagkaroon siya ng ibang buhay. That's exactly how Daniel feels sometimes – behind his smiles and energetic mood sa university nagtatago ang mga problemang minsan iniisip niyang takasan.
"Mano po 'nay", sabay halik sa kamay ng nanay niya na kasalukuyang nananahi sa sala ng bahay nila.
"'La mano po", sabay halik din sa kamay ng lola niya nan aka – upo sa rocking chair.
Hindi umimik ang dalawang babaeng buong buhay niya ay kasama niya sa bahay. It is only four of them right from the start. Siya, nanay niya, Lola niya (nanay ng nanay niya) at ang kapatid niya si Angelo. Actually they have unconventional family – never he had seen his father. Angelo is his step – brother. Hindi man normal ang pamilya nila – pareho lang din na nakakaranas ng problema kagaya ng normal na pamilyang buo at kumpleto.
"Dumating ang notice letter ng bangko Dan", mahinang sabi ng Lola Maring niya. Iniabot nito ang sobre sa apo.
Lumapit si Daniel sa lola para kunin ang sulat. Binuklat at binasa. Malinaw na isinasaad na binibigyan sila ng 4 na taon para bayaran lahat ng interes sa nasabing bangko sa pagkakasangla ng bahay na tinitirhan nila. Special case ang sa kanila sapagkat ito ay ancestral house gaya nagkaroon sila ng pribelehiyong katulad nito.
"Anong sabi?", tanong naman ni Aling Martina sa anak. Hininto niya ang pagtulak sa telang tinatahi niya.
" Binibigyan tayo ng 4 na taon na palugit sa pagkakasangla ng bahay 'nay", sagot niya sa tanong ng nanay.
"Sapat na panahon na ba iyon para makapaghanap ka ng maayos na trabaho anak?", tanong pa rin ni Aling Martina – may pag – aalala sa boses niya.
Nag – isip siya. Binilang ang taon. 2005,2006,2007,2008 --- 4 na taon na kailangan hilain at walang pagkakataong magkamali – bumagsak—Sa taong 2008 gagarduate siya, papasa ng board exam at magkakaroon ng maayos na trabaho. Yun ang plano yun ang dapat gawin --- the house is at risk.
"Opo 'nay sapat na po, wag po kayo mag – aalala Lola, Nay – matutubos po natin tong bahay". Sagot ni Daniel.
"Kumain ka na ba apo?", sabay tayo ni Lola Maring sa rocking chair. "Tara na't kumain ka na sa kusina nakahapag na don ang hapunan mo".
Tumango si Daniel – parang lalo siyang napagod. Naisip niya ang interes na babayaran niya kung sakali. Alam niyang mahirap pero alam niya wala ito sa hirap na isinakripisyo ng lola at nanay niya sa pagpapaaral sa kanila. Habang kumakain naisip niya – what if I am not me? Mas masaya kaya ang buhay?
Only God knows the answer.
BINABASA MO ANG
Campus Love Story # 1: My Lost Valentine
RomanceIsang simpleng kuwentong kapupulutan ng aral. Isang kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang kuwentong masusubok ang katatagan at paninidigan sa ngalan ng pag - ibig. Si Trishia na isang babaeng paulit - ulit na nabigo at nasaktan dahil sa p...