December 10, 2009
Napabuntung hininga si Trishia habang tinignan ang screen ng cellphone niya. Naka 30 texts na siya kay Daniel at ilang beses na rin niyang sinubukang tawagan ito pero bigo pa rin siyang makontak ang binata.
Nag-leave of absence sila nagyon ng best friend niyang si Kaycee ( na ngayon ay co – teacher na niya sa Revelations Learning Center, isang maliit na private school sa siyudad nila) upang makadalo sa motorcade at thanks giving program na inihanda ng DHVTSU ( dating DHVCAT) para sa buong batch ng 2008 na pumasa sa iba't ibnag examinations. Espesyal ito ngayong taon dahil ayon sa Admin Department ay ang batch 2008 passers ang best among the rest dahil first time na magkaroon ng 100% passing rate sa lahat ng BEED at BSED courses at sa Science and Technology Department naman ay marami rami rin ang pumasa. Sa Civil Engineering ay may naitalang Top Notcher ( top 3 sa buong Pilipinas) kaya lahat sila ay naka ambag ng pride sa kanilang Alma Mater. Kaya naman pinaglaanan ng panahon at budget ng kanilang University ang nasabing activities.
Last week lang nila nalaman dahil tumawag ang Dean nila sa Education Department kay Trish para i-confirm ang kanilang pagdalo kaya agd silang nag file ng leave ng kaibigan. Hindi nila mapapalagpas ang ganitong pagkakataon. At first umoo pa sina Daniel, being the outgoing SPG President ininform niya halos lahat ng batch mate na may concern sa nasabing program. Kaya alam ni Trish na talagang pupunta ang binata. Not until last week dahil bigla na lang hindi na nagparamdam si Daniel. Ang sagot nitong "I"ll try" ang hanggang ngayon ay pinanghahawakan niya.
"Wala pa ba text bhez?", tanong ni Kaycee sa kanya.
Umiling lang si Trish, wala siyang lakas sumagot. Nasa may Central Terminal sila – nakapark ang mga sasakyang punong puno ng lobo. Nakasakay sila sa pick up truck na pag – aari ng university. Kasama nila ang iba pang passers sa batch at sa college building nila. Nag stop over muna sila – actually galling na sila mula sa DHVTSU papunta SM at pabalik na sila sa Bacolor. Tapos ay dederetsu pa sila sa Guagua, Sta. Rita, Sasmuan at Lubao. Kaya malayo layo pang lakbayan ang aabangan nila.
Naisipan niyang itext at tumawag ng isa pang beses ang number ni Daniel. Mas nangibabaw ang pag – alala niya sa binate. Alam niyang may "mali" sa di pagrereply nito sa kanya.
"Text mo siya ulit bhez, sabihin mo habol siya",kumbinsi pa ni Kaycee sa kanya.
"Tinatawagan ko na nga bhez, di pa rin niya inaangat",sagot niya.
Silence. Linapitan ni Kaycee si Trishia.
"Bhez, I know it's hard... pero just TRY to enjoy – atleast for today. I mean moment natin to ( she paused) Look at them (sabay turo pa sa ibang passers sa ibang truck) They are seizing the moment.
"I'm scared—Nandon na ko sa puntong kumapit na ko sa closeness namin. I don't care if our relationship has label. I felt it bhez, those moments that make me feel really special.. pero bakit ngayon? Bigla na naman siya mawawala--- Hindi ko alam kung magagalit ako o mag-aalala", aniya habang pinipigil ang luha na nais na pumatak.
Hinawakan ni Kaycee kamay ni Trishia, bagya niya itong pinisil.
"We will deal on that tomorrow okay"?,anang ngumiti pa. But for now Let's enjoy our moment – pinaghirapan din naman natin to diba?
Pinilit niyang ngumiti. Kaycee has a point. They should enjoy that opportunity. After all ang dami rin naman nilang ginawang sacrifices para marating kung saan sila ngayon. Nakita niyang nagpi picture taking na ang iba nilang ka-batch kaya nakilapit na siya to join them. Tamang tama ang bagong biling digital camera ni Kaycee. She smile to get some good shoots. Seize the moment.
BINABASA MO ANG
Campus Love Story # 1: My Lost Valentine
RomanceIsang simpleng kuwentong kapupulutan ng aral. Isang kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang kuwentong masusubok ang katatagan at paninidigan sa ngalan ng pag - ibig. Si Trishia na isang babaeng paulit - ulit na nabigo at nasaktan dahil sa p...