September 11, 2005
Lakad - takbo ang ginagawa ni Trishia habang may bitbit na plastic. Sa loob iyon ay ilang piraso ng saging, Skyflakes at dalawang bote ng mineral water. Natitiyak niya hindi iyon 'gaanong' magugustuhan ng taong pagdadalhan nya.
Galing siya ng CB Building, particular sa Faculty Room ng kanilang department. Siya bilang 2nd year Education Student ay masasabing aktibo sa mga organisasyon sa institusyong pinag - aaralan. Gaya ng plano niyang maranasan ang mga bagay na dapat (para sa kanya) ay noon pa niya sinubukang maranasan.
"Trish, san ka pupunta?", si Jayson iyon, kaklase niya. Isang "Eba" sa likod ng maskuladong katawan. "Ah, dadalhan ko ng miryenda si Kaycee, gusto mo sumama?"
Break nila iyon. 2:00 ng hapon , kaya lahat ng break ng oras na iyon ay nasa shed o di kaya sa corridor sa tabi ng C.R, gaya ng kinaroroonan nila ni Jayson at ng iba pa niya kaklase.
"Hindi na!, mainit eh,, baka masira Vicky Belong kutis ko", sabay kindat ni Jayson.
" Ah oh sige,, una na ko ha? Baka abutan ako ng bell", sagot niya.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng kausap dahil talagang nagmamadali siya. Ang usapan kasi nila ni Kaycee (kaklase at best friend niya)ay dadalhan niya ito ng miryenda ng 1:45 pero dahil nga sa katambak ang reporting at quizzes ng klase nila ay hindi siya pinagbigyan na lumabas, ngayon ay merun na lang siyang 10 minuto para puntahan si Kaycee. Alam niyang kailangan ng kaibigan niya ang kakarampot na miryenda dahil una: napakainit ng panahon at pangalawa nais niyang maramdaman ni Kaycee na ang department nila ay sumusuporta sa kanya sa darating na Intrams. Si Kaycee kasi ang representative ng kanilang department sa athletics. Aminado naman sila na walang gaanong interesado sa Intrams, kahit siguro si Kaycee ay hindi na magiging interesado dahil napaka - hirap pagsabayin ang pag - aaral at pag - eensayo. Ngunit dahil siya ay "Scholar" isa sa mga requirements ay ang taunang paglahok ng mga events katulad ng Intrams.
Sa wakas nakarating na siya sa "Improvised Training Camp", improvised dahil ang training place nila ay sa harapan ng Drafting Building at ang oval na pagtatakbuhan (sa ensayo man o s Intrams) ay ang pa -ikot na daang espalto mula sa harapan ng Drafting Building patungong Shop Building hanggang harapan ng Engineering Building pabalik sa Drafting building. Ilang ulit tatakbuhin yon ng mga athletes para mabuo ang 100 - 800 meter na kailangan sa mga dashes.
"Hi!", bati ng isang lalaking chinito na may kulot ang buhok. Naka - T shirt na white na pinarisan ng jersey shorts at naka - rubber shoes. Napansin ni Trishia na may dimples ito.
"Helloooo", bati din niya kahit hindi niya sigurado kung sino ang bumati sa kanya, "Nakita mo ba si Kaycee? Tanong niya sabay linga sa paligid, wala kasi siya makitang Kaycee sa dinatnan niya.
"Ah kaklase mo siya?, umikot lang sila sa oval,pabalik na siguro siya. Kasama niya si Dexter, yung kaklase ko",
Tumango siya, aktong magsasalita na sana si Trishia para itanong kung sino siya nang...
Trish!",tawag mula sa likuran nila. Si Kaycee yon kahit nakatalikod alam niyang siya yon. Bumaling siya "Oh! Nagpunta lang ako dito para ibigay to"' abot niya sa plastic sa kaibigan.
"Ay Salamat naman!"'sagot ni Kaycee, sabay kuha sa plastic, binukasan ang mineral water bottle at agad na uminom.
"Ngapala, mga kaibigan ko Trish, sina Daniel at Dexter, Daniel, Dex si Trishia best friend ko".
"Hi ulit!", nakangiting sabi ni Daniel at iniabot ang right hand niya. "Hello ulit!" sagot ni Trishia at iniabot din niya ang kamay niya para makipag - shake - hands. For the first time na - conscious si Trishia sa itsura niya. Ngayon lang kasi siya ulit nakipagkilala sa isang guy. Dahil for the past one and half year ay puro 'EBA" ang nakakasalamuha niya magmula sa professors at kaklase at kasalubong sa building nila.
Hindi niya alam gano sila katagal nagtitigan, basta ang alam niya ay ...
"Ehem!, ako naman si Dexter,, "tey" for short, iniabot din ni Dexter ang kamay. Gaya ni Daniel ay may dimples din ito, mas matangkad ng 3 o 4 na pulgada siguro kay Daniel at mas malaki katawan. Namamasa sa pawis ang suot na T- shirt gaya ni Kaycee. "Hi, Trishia,, Trish for short", sabay abot ng kamay niya kay Dexter.
"kahit kelan talaga Trish ang kuripot ng department natin no! Saging at skyflakes?!", reklamo ni Kaycee. "para naman akong nag- LLBM nyan eh"'simangot pa niya.
Natawa si Trishia "Pasalamat ka pa nga at merun kapa eh,, eh diba last year wala?", sabi niya sa kaibigan pero sa totoo lang di niya masisi kaibigan niya. Considering yung effort at sacrifices nila para sa Intrams. "Tapos niyan pag natalo kami, magtataka sila, eh panu di naman namin ramdam ang suporta"' hinaing pa ni Kaycee.
"Oh yaan muna, diba para sa scholarship mo yan ? so dapat yun nalang isipin mo,, isa pa paborito mo naman ang saging db?"'sabay kindat. Napangiti na si Kaycee.
"Tama ka", thanks andito ka best".
Ngumiti lang si Trishia at tinapik ang balikat ng kaibigan. Napansin niyang nakatingin si Daniel sa kanila, nakangiti. Muli, Nakita niya ang dimples nito sa kanang pisngi. Napansin niya palangiti siya.
"Dan, siya yung kinukuwento ko sayo na best friend ko, yan ah finally nakita at naipakilala na kita sa kanya", sabi ni Kaycee.
"oo nga, siya yung taga - Mexico diba?"sagot ni Daniel. Ngumiti si Trishia pero sa isip niya "Binebenta ba ako ng kaibigan ko?
Hindi na niya nakuhang nagsalita nang mag - ring na nag bell, hudyat para pumasok sa next subject nila ang Psychology 223, isa un sa pinakamahirap at pinaka major nila. "Best, cge ha? Una na ko?", paalam ni Trishia. "Sige, pakisabi kay Miss Rina nasa training pa ko until next week"' sagot ni Kaycee sabay beso sa best friend. "Sige", sagot niya, this time tumingin siya sa kakikilala lang niyang kaibigan ng kaibigan niya "hey, Dan and Tey,,una na ko ha", paalam niya. Nakangiting tumango ang dalawa sabay sabi "ingats"
Hindi na niya tinignan si Daniel, hindi niya alam pero sobrang naconscious siya sa presensiya nito.
Dali - daling naglakad si Trishia patungo sa CB Building. Mainit kailangan pa niya bilisan para hindi siya masunog sa araw at mahuli sa isa sa mga paborito niyang subject at teacher.
"Ui! Malulusaw!", sabay siko ni Dexter sa katabing si Daniel na hanggang sa oras na iyon ay nakatingin sa palayong si Trishia. "huh?", anong malulusaw?, tanong ni Daniel. "Si Trish! Sino pa?!", sagot ni Kaycee na ngayon ay energized na naman dahil naubos na ang Skyflakes at Saging na kanina lang ay inirereklamo niya.
"Kayo talaga, mga malisyosa at malisyoso,sabi niya na nakangiti. Tinitignan ko ung finish line ng 100 m dash.", sagot niya.
"Naku, bahala ka Dan, pag handa ka na umamin na type mo best friend ko sabihin mo lang sakin", sabi ni Kaycee. Besides, wala naman masama if type mo talaga siya. Pareho kayo SINGLE.
"Correct!", sabad naman ni Dexter. "Mas masama yung nagsisinungaling.
"Wala naman ako sinabi eh"; dahilan niya.
"Exaclty, wala ka sinasabi, meaning nagdedeny ka", pilit ni Dexter.
"Naku Tey!", nasabi nalang niya sabay jog papunta sa starting line. Siya representative ng Mechanical Engineering Department para sa 100 m. dash sa Intrams. Gaya ni Kaycee siya rin ay isang Scholar at requirements din niya ito. Tatlong taon na niya ginagawa iyon.
Habang nag - aayos ng posisiyon naisip niya sinabi ni Dexter "Nag - dedeny ka!
Am i?
BINABASA MO ANG
Campus Love Story # 1: My Lost Valentine
RomansaIsang simpleng kuwentong kapupulutan ng aral. Isang kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan. Isang kuwentong masusubok ang katatagan at paninidigan sa ngalan ng pag - ibig. Si Trishia na isang babaeng paulit - ulit na nabigo at nasaktan dahil sa p...