11

117 8 11
                                    

Saph's POV

Kelan pa naging expert si Matt sa mga advice? Nakakatuwa lang isipin kasi minsan lang yan mag aadvice minsan kasi pag nag advice sya napaka nonsense o kaya wala sa topic yung iiadvice
Mabalik tayo sa realidad hanggang ngayon di pa rin kami ok nila Seulli kamusta na kaya yung babaeng yon? Mukang ok naman sya nakakamiss tuloy sya hay sana maging maayos na ang lahat

Naramdaman kong may yumakap sakin di ko sya hinarap ano na naman ba kelangan nito?

"Alam mo Kuya kung iniisip mo yung kung pano ka makikipagbati kay Khate aba! mag sorry ka! Tutal di ka naman nag paalam sa kanya bago ka umalis tsaka alam mo kuya bulok na yung style mong yan alam kong may kelangan ka sakin about ba to sa pakikipagbati mo kay Khate? well sinasabi ko na sayo di kita tutulungan kasalanan mo na yun di na k---"

"Sorry Wen" napahinto ako dahil sa boses na yon kilalang kilala ko kung kaynino yun di ako nagkakamali kay Chord iyon

Humarap ako sa kanya tama nga ako si Chord yung yumakap sakin bakit ganon may parang saya namuo sa katawan ko?

Tinanggal nya ang pagkakayakap sakin at umupo sa tabi ko

Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko

"Sorry Wen, ang tanga ko kasi ngayon ko lang narealize na tama yung sinabi mo na kung may galit ako sa Mom mo wag ko kayong idamay ni Viex.. sorry kasi ngayon ko lang narealize ang lahat... alam mo ba naisip ko bakit ko ba sinisisi yung taong wala naman ginagawa? Bakit ko ba sinisisi yung taong wala na? Siguro nga talagang nakatadhana na di kami magkaroon ng happy family...and thanks to Matt kung di nya sinabi yung mga yon di ko mare-realize na mali pala ko"

"Ok lang yon noh! Di ba nga sabi ko sayo naiintindihan ko kasi kung ako rin naman yung nasa sitwasyon mo ganon din naman ang magagawa ko... parehas lang naman natin hiniling na magkaroon ng masayang pamilya at di naman natin kasalanan kung di tayo binayayaan ng ganon.. and thanks din dahil di kayo nag away ni Kuya" natawa naman kami parehas

Sana ganito na lang kami lagi... sana nga

Seulli's POV

Nandito ako ngayon sa garden nilalanghap ko yung fresh air naiinis ako dahil hanggang ngayon di pa rin kami ok na lima namimiss ko na sila lahat ng kulitan namin sayang kung dahil dun mawawala ang lahat ng pinagsamahan namin

"Kelan ka makikipagbati sa kanila? Kung kelan watak watak na kayo?"

"Balak ko sana ngayon eh kaso nahihiya ako"

"Sus nahiya ka pa"

"Sa tingin mo Hope magkakabati pa kami pagkatapos kong gawin lahat ng yon?"

"Sa tingin ko Oo kasi nabigla lang siguro sila nung nalaman yon pero basta makipagbati ka na habang maaga pa sayang yung friendship na binuo nyo" may point naman sya siguro nga ito na yung tamang oras para makipag bati ako sa kanila kaya mo to Seulli aja!payting!

***
Nandito pa rin ako sa garden, ano ginagawa ko dito? Nag hihintay ng himala

"Uhmm sabi ni Hope gusto mo daw kaming kausapin" nanginig bigla ang mga kamay ko nung marinig ang boses ni Xiandra wag kang kabahan Seulli kaya mo to

"Uhmm.. Oo.. upo kayo para maging maayos yung pag uusap natin" umupo naman sila

"Kung wala ka namang importanteng sasabihin aalis na kami sinasayang mo oras na--"

"Sorry" napahinto si Xiandra sa pag tayo nya ng marinig yung 'sorry' ko

"Sorry sa mga nagawa ko.. masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Hope nung time na yon kaya nagawa ko yung bagay na yon.. lahat ng yon pinagsisihan ko.. alam kong mali pero ginawa ko.. masyado pa kong bata para sabihing inlove na ko pero ganon talaga siguro... sorry sa lahat lahat sana bigyan nyo ko ulit ng chance.. sana mapatawad nyo ko.. kahit gaano pa katagal maghihintay ako... sorry" sabi ko at tumayo na alam ko namang di nila ko papatawarin kahit sabihin ko pa yung dahilan ko masyado ko silang nasaktan nag sinungaling ako kasalanan ko naman

Hahakbang na sana ko ng may bumato ng libro sa ulo ko

Sino bang matinong tao ang mambabato ng libro? Nakitang nag eemote yung tao tas mambabato sa ulo tinde!

Napaharap naman ako dun sa nambato nanlaki mata ko ng makita kong si Xiandra yung nambato sakin

"Di mo talaga kami hinintay mag paliwanag ah? Sorry rin sa mga nasabi ko sayong masasakit.. sorry sa lahat Seulli.. matagal na kitang napatawad.. hinihintay ko lang naman ang mag sorry ka at pag sisihan mo ang mga ginawa mo at sana wag mo ng uulitin" sabi nya habang papalapit sakin

"Gaya ni Xiandra gusto ko lang naman na marinig mismo sayo yung 'sorry' na hinihintay ko at ngayon narinig ko na alam mo bang gusto kitang asarin sa tuwing magkatabi kayo ni Hope pero maalala ko na di pa pala tayo bati at alam mo nakakamiss yung kulitan natin" Khate

"Naalala mo ba nung sinabi ko sayong ako yung no. 1 shipper nyo ni Hope! SeulHope FTW!! Nakakainis ka Seulli, actually di naman ako galit sayo naiinis lang alam mo yun? Wag mo na sanang ulitin yon" Mhae

"Bruha! Nakakamiss ka, ang tagal kong hinintay na mag sorry ka samin.. nakakamiss lahat ng kulitan,asaran pati yung boses mo nakakamiss, nakakamiss din yung kwento mo about kay crush na mahal mo pala... ingatan mo yung puso mo ah? Pag sinaktan ka ni Hope reresbakan namin para sayo" natawa naman ako sa sinabi ni Saph pero naiyak ako sa mga sinabi nila akala ko di nila ko mapapatawad akala ko masasayang lahat ng pinagsamahan namin

"GROUP HUG!!!"sigaw ni Mhae kahit kelan talaga tong babaeng to after naming mag group hug umupo kami sa damuhan

"Kamusta?" Tanong ko

"Ok lang, bati na kami ni Chord" sabi ni Saph buti naman

"Kami rin!" Sabay na sigaw ng tatlo

"By the way Seulli, ano na status nyo ni Hope?" Tanong ni Xiandra
Ano nga ba? Di ko alam basta ang alam ko sya lang ang sandalan ko nung nag away kaming lima

"Friends" maikli kong sagot

"What?!" Napatakip ako ng tenga apat ba naman ang humiyaw sa tenga mo!

"Bat ganyan reaksyon nyo?"

"Friends lang talaga? As in?" Tumango naman ako bilang sagot

"Eh akala ko naman kayo na" sabi ni Khate

"May feelings ka pa rin?" Biglang tanong ni Xiandra meron pa nga ba? Basta ang alam ko pag kasama ko sya masaya ako

"Oo" bigla naman silang tumili mga bipolar

"Seulli andito lang kami pag may problema ka" Mhae

"Basta pag sinaktan ka ni Hope malilintikan sya sakin" Khate

"Kami ang magiging balikat mo pag pinaiyak ka nya" Saph

"Ingatan mo yang nararamdaman mo pati yang puso mo kahit ayokong masaktan ka, masasaktan at masasaktan ka kasi ganon naman talaga pag nag mahal ka"
Xiandra

Napangiti na lang ako buti na lang at nadito sila sa tabi ko sila ang magiging sandalan ko pag may problema ko

"Thank you guys! I'm so lucky na binayayaan ako ng mga kaibigan na tulad nyo" at pagkatapos non nag group hug kami

Wala na kong masasabi sa mga kaibigan ko basta ang alam kong thankful ako dahil dumating sila sa buhay ko

~End of Flashback~

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon