7

150 7 4
                                    

Xiandra's POV

Ang masasabi ko lang sa dumating na araw ay lalong lumala di pa rin kami ok ni Seulli tas dumagdag pa sina Viex at Khate mukang may problema sa pagitan nila tss ayaw kasing pag usapan

"Lalim ng iniisip, kasing lalim ng dagat----mali pala kasing lalim ng karagatan" may lahi ba tong kabute bigla bigla na lang susulpot

"May lahi ka bang kabute Sage? Bigla bigla ka na lang kasing nag papakita" sabi ko tumawa naman sya

"Kung may lahi akong kabute edi may lahi ka ring kabute baka nakakalimutan mong kambal tayo Ate" napa 'tss' na lang ako tama yung nabasa nyo kambal kami ni Sage

"Sige ipamuka pang ako mas matanda, oo na ako na mas matanda sayo bunso" nag chuckle lang sya

"Tampo ka na nyan?" Di ako sumagot yaan mo sya dyan

"Tss ang sunget ng kambal ko"sabi nya

Nag tataka ba kayo kung bakit mag kaiba kami ng surname kung kambal naman kami kasi nga ang gamit kong surname is yung kay Mama samantalang si Sage ay yung kay Papa at lumaki kami sa broken family kaya ayun mag kahiwalay kaming kambal, ako nakatira kay Mama tas sya kay Papa

"Kambal kayo?!"

"Ay chismosang palaka!!" Nakakagulat naman yon sino ba yon?

"Ang ganda ko namang palaka" sabi ni Mhae

"Oo na lang Mhae" biglang singit ni Sage sa tabi ko

"Dream on" sabi ko

"Nakita nyo ba si Jace?" Napalitan ng nakakalokong ngiti ang aking labi

"Ikaw ha di mo naman sinabi saking may namamagitan na sa inyo ni Jace grabe Congrats Mhae dalaga ka na" Masiglang sabi ko at niyakap sya

"Ano bang pinag sasabi mo Xiandra? May pinapabigay si Ma'am kay Jace kaya hinahanap ko wag mo kasing gawan ng malisya"sabi nya at tuluyang nag lakad walk out lang ang peg nya?

"Ghe una na me ibibigay ko pa to kay Jace" pahabol ni Mhae

Naramdaman ko namang nag vibrate yung phone ko 1:00 na pala

From: Pierre

Xiandra ikaw na gumawa nung sa cartolina ako na gagawa dun sa naka envelope isend mo na lang kay Ma'am Lopez yung file pag na tapos mo na ngayon na deadline non :) :)

Nag reply naman ako

To: Pierre

Ok

Hit send

****

Natapos ang maghapon namin grabe nakakapagod di pa rin ok yung dalawa

Napahiga ako sa kama iidlip muna ko maaga pa naman pag nagising ako tsaka na lang ako gagawa nung nasa cartolina

ZZZZzzzzz...

*kinabukasan*

Hay! Goodmorning! Ang ganda ng umaga ko naglakad ako papuntang room naabutan ko sina Viex,Khate,Hope,Matt,Seulli,
Saph,Jace at Mhae wala pa si Pierre?

Lumapit ako sa kanila

"Asan si Pierre?" Tanong ko

"Kinausap ni Ma'am Lopez" sagot ni Mhae

"Bakit daw?"tanong ko

"Ewan namin--- oh ayan na pala si Pierre... Pierre!!" Tawag ni Mhae humarap naman ito at nung napatingin sakin iniwas nya nilagpasan nya ko at umupo na sya sa upuan nya

"Problema non?"nag kibit balikat lang si Mhae

Kasunod ni Pierre si Sage at Chord na pumasok papalapit si Sage habang umiiling

Nag start na yung klase at di pa rin ako pinapansin ni Pierre tss ano na naman ba nagawa ko dito?

Lunch na pero di pa rin nya ko pinapansin ngating ngati na kong tanungin kung ano ba problema sinabayan ko sya sa pag lakad

"Pierre" di sya lumingon sakin

"Uy Pierre kausapin mo naman ako" sabi ko wapakels pa rin talaga

"Pierre ano ba kausapin mo naman ako!! Galit ka ba sakin?!!" Sumigaw na ko at finally humarap na sya

"Oo galit ako sayo!!" Sigaw nya pabalik

"Bakit ka galit sakin? Ano bang nagawa ko?" Sabi ko pero di nya ko pinansin

"Pierre ano ba sumagot ka naman! Ano bang nagawa ko?!" Sumigaw ulit ako nakakainis na sya

"NAGAGALIT AKO SAYO DAHIL HINDI MO PINASS KAY MA'AM LOPEZ YUNG FILE!!" sigaw nya so yun lang yung ikinagagalit nya?

"Yun lang naman pala eh bat ka nagagalit?"sabi ko

"Eh kasi nga Xiandra kagabi pa yung deadline non! Di ba tinext kita na gawin mo! Tas sabi mo Ok kaya akala ko ginawa mo! Di lang naman kasi grades mo maapektuhan grades ko rin!!" sabi nya

"So ako yung sinisi mo! Sorry ha kasi naman nakatulog ako dahil sa pagod kaya di ko nagawa ang babaw mo!" Sabi ko naman

"At ako pa mababaw ngayon pasalamat ka at nag kagrades ka pa" Pierre

"Edi thank you! Ayan nag pasalamat na ko!" Sigaw ko sa kanya at dahil sa inis ko iniwan ko sya at pumunta kila Mhae

Umupo ako sa tabi ni Mhae

"Xiandra mag sorry ka kay Pierre" sabi ni Sage napa irap naman ako

"At bakit?" Nakakainis lang kasi kasalanan ko ba eh assignment lang naman yun

"Basta mag sorry ka, ang tamad mo kasi"sabi ulit nya

"Bat naman ako mag sosorry tss.. mag tiis sya" sabi ko

"Taas talaga ng pride mo Xiandra" sabat ni Chord sinamaan naman sya ng tingin ni Saph

"Di mo kasi alam nangyari kaya ganon ang galit ni Pierre" dagdag ng magaling kong kakambal

"Can you please straight to the point?! Nakakainis na" sabi ko

"Kinausap kanina ni Ma'am Lopez si Pierre dahil di mo nga naipass yung file na sinabi ni Pierre sayo kaya ayun minus 10 sa grades nya at ikaw na tamad na wala namang ginawa ikaw pa yung walang minus kesa kay Pierre kasi sinabi nyang nakalimutan nyang gawin yung file at nakalimutan din nyang sabihin sayo pero ang totoo sinabi nya sayo di ba? Pasalamat ka nga at walang minus yang grades mo at mag pasalamat ka kay Pierre at kundi 0 ka sa subject nya" mahabang paliwanag ni Sage

"Utang na loob ko na ba yon sa kanya?" Tanong ko sa kanila

"Tss.... wag mo namang pairalin yang pride mo Xiandra walang papatunguhan yan" sabi ni Saph

"Alam mo Xiandra tama si Saph wag ka ng makipag pataasan ng pride" sang ayon ni Mhae

"Dyan na nga kayo ako yung pinag tutulungan nyo sa halip na si Pierre tss" sabi ko at umalis na don nakakainis Arggggghhhh!!!!

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon