25

70 2 0
                                    

Alira's POV

Nag istart na yung klase pero wala pa rin si Sage bat mo ba kasi hinahanap yon eh wala naman syang pake sayo?

Kahit anong pilit kong makinig teacher di ko pa rin magawa masyadong lutang yung utak ko

Naramdaman ko namang may kumalabit sakin humarap naman ako at nakita ko si Khate

"Sayo yata tong ballpen" sabi nya sabay abot ng ballpen sakin kinuha ko naman iyon

"Thanks" sabi ko at ngumiti

"Welcome, by the way ok ka lang?" Nag aalala nyang tanong sakin ano ba isasagot ko oo o hindi?

"Ano ka ba, ok lang ako" ngumiti ako pilit sa totoo lang hindi ako ok

"Sure ka? Muka kasing hindi" sabi nya gusto kong sabihin na oo hindi ako ok masyadong mabigat yung nararamdaman ko
"Hala! Bat ka umiiyak?" Napahawak naman ako sa pisngi ko agad kong pinunasan yung luha ko umiiyak na pala ako di ko napansin

"Di ah di ako umiiyak"

"Anong hindi, eh may luha dyan sa mata mo" sabi nya ngumiti na lang ako at tumingin sa harap

Sa pagharap ko tumulo na naman yung luha ko kaya sa halip na makinig ay dumukdok ako

Sabi nya mahal nya ako kaya nga liligawan nya ako pero ano tong nakita at narinig ko na mahal nya pa rin yung ex nya

****

lunch na at eto ako ngayon walang ganang kumain yung mga kasama ko naman ay nag iingay

"Tahimik mo yata Lira ngayon?" Naagaw ng atensyon ko nung mag salita si Matt pati yata sila napansin yon

"Tsaka ang tamlay mo pa"

"Wala kasi si Sage kaya ganyan yan" sa halip na mag salita ngumiti lang ako at pinilit kumain kahit ayoko sayang yung pag kain eh

"Nga pala sino si Sharmaine?" Tanong ni Saph nag bago naman yung expression ni Xiandra na kanina ay nakangiti ngayon naman ay parang galit na naiinis basta parang ganon

"Sino sya? Sya lang naman yung dahilan kung bakit nasira yung pamilya namin,sya yung dahilan kung bakit nag hiwalay yung parents namin at sya rin yung dahilan kung bakit muntik ng magpakamatay si Sage" walang gana nyang sabi

Pansin ko ang tahimik ni Mhae oo nga pala pinsan nya si Sharmaine

"Alam na namin yon, pano sya yung naging dahilan?" Tanong ni Chord wala man akong gana makipag daldalan pero makikinig ako sa kwentuhan nila

"Ayaw ng parents namin kay Sharmaine, pero pilit ipinaglalaban ni Sage si Sha hanggang sa pinapili ng parents namin si Sage kung sino ang pipiliin nya kung kami o si Sha pero dahil nga baliw na baliw si Sage kay Sha noon kaya si Sha ang pinili nya kesa samin at dahil don nag simulang mag away ang parents namin hanggang nalaman ko na lang na hiwalay na sila at kasabay ng paghihiwalay ng parents namin ang pag iwan sa kanya ni Sha lagi syang umiiyak di sya kumakain kung hindi ko pa pilitin hindi sya kakain at dumating sa punto na muntik ng magpakamatay si Sage dahil nalaman nya rin na naghiwalay na yung parents namin at simula noong iniwan ni Sha si Sage naging miserable ang buhay namin" mahabang kwento ni Xiandra ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit sya kay Sharmaine

"Eh ikaw Alira bakit kilala mo yung Sharmaine?" Tanong ni Jace

"Mag kaklase kami nung elem" napa 'ahh' naman sila

"Alira" I frozed nung narinig ko ang boses na yon

Humarap ako sa kanya then inabot nya sakin yung bulaklak na hawak nya

Sa halip na tanggapin ko yung bulaklak ay nilagpasan ko lamang sya pakshet bat ganon ang sakit?

Narinig ko namang tinawag nya ko pero di ko nilingon dahil mas lalo lang akong masasaktan pag nilingon ko sya

"Alira wait!" Tumakbo ako ng tumakbo pero sa huli naabutan nya pa rin ako

"Alira ano bang problema?" Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad

"Uy Alira sumagot ka naman" hindi ko pa rin sya pinapansin hanggang sa

*slap*

"Anong problema ko? Ikaw Sage, ikaw problema ko ano masaya ka na sinagot ko na yang tanong mo" sabi ko at nilagpasan sya

Ganon na lang ba kadali yon?

Maglalakad na sana ulit ako ng biglang may humitak sa wrist ko at bigla akong niyakap

"Bitawan mo ko Sage" ilang beses ako kumakalag sa pag yakap nya sakin pero dahil sa malakas sya di ako nakalis sa yakap nya

"Ano bang problema Alira? Sabihin mo naman please" di ko na napigilan at umiyak na ako ng umiyak

"Ganon na lang kadali yon Sage ha? Ganon na lang ba kadaling sabihing mahal mo ako tas malalaman kong mahal mo pa ex mo?" Ang sakit grabe di ko na kaya gusto ko ng sumabog

"Ano bang sinasabi mo Alira?"

"Wag ka ng mag maangmaangan Sage nakita at narinig kita sinabi mo sa harap ni Sharmaine na mahal mo pa rin sya"

"Mali di ko na sya mahal ikaw ang mahal ko Alira"

"Sinungaling!" Anytime pwede na kong sumabog sa sobrang sakit

"Ang sakit Sage! Ang sakit sakit!" Umiyak na ako ng umiyak kelangan ko ng ilabas lahat

"I'm sorry" di ako sumagot

"Maniwala ka Alira ikaw ang mahal ko"

"Pero ano yung narinig ko?"

"A--"

"Totoo yung sinabi ni Sage ikaw talaga yung mahal nya at di ako, yung nakita at narinig mo ay para sa project ko lang" singit naman ni Sharmaine kaya napabitaw si Sage sa yakap nya sakin

"Eh bat sya pa ang kelangan?"

"Actually di naman talaga sya dapat ang hihingan ko ng favor about dun sa project pero nagkataon na umalis kayong lahat ng pumunta ako at sya na lang ang natira so dahil medyo close naman kami kaya sya na lang ang kinuha ko, don't worry wala akong balak sirain yung relasyon nyong dalawa,actually may boyfriend na ako at alam mo bang lagi kang kinukwento nitong si Sage sakin, ingatan nyo ang isa't isa, I'm happy for the two of you" ngumiti naman sya sakin at ngumiti na rin ako pabalik

"Sige mauna na ko hinahanap na rin ako ng boyfriend ko" sabi nya at niyakap kaming dalawa

Pagkaalis ni Sharmaine nahihiya naman akong humarap kay Sage

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon