30

106 2 8
                                    

*Flashback*

Alira's POV

"Ano Alira nakahanap ka na ng information?" Tanong sakin ni Tita Carmina nanay ni Breanna

"Di pa po eh pero naghahanap pa rin po ako" sabi ko kay Tita

"This is all my fault kung di ako umalis edi sana di mangyayari yan kay Breanna" ilang beses kong sinisisi yung sarili ko sa nangyari

"Don't blame yourself, Alira walang may kasalanan sa nangyari" pinakalma naman ako ni Tita, I'm thankful dahil kahit gaano kalaki yung kasalanan ko kay Breanna di pa rin sakin nagalit si Tita Carmina ay sa halip ay tinulungan nya pa ako

Search ako ng search nakalimutan ko na kasi yung mga pangalan ng mga yon

Napansin ko yung isang school na hindi ko naman alam na may ganon palang school dito ang

Haeldon Highcademy

May ganon palang school?

Binuksan ko yung link at bumungad sakin yung mga pangalan ng estudyante

Iniscroll down ko sadyang 12 students lang talaga yung nakalagay?

Pinagmasdan kong mabuti yung pictures and sobrang familiar ng mga mukha nila kaya naman tinawag ko si Tita Carmina

"Tita look, sobrang familiar ng mga mukha nila mukang nakita na namin sila ni Breanna somewhere right?" Bigla namang ngumiti si Tita

"Gosh Lira sila yan" agad nanlaki yung mata ko

"Seryoso ba Tita?" Di mapakaniwalang tanong ko I just want to make sure kung sila nga yan

"Yes" sa sobrang tuwa niyakap ko si Tita at niyakap nya ako pabalik

"Makakaalala na si Charm" tuwang tuwa sambit ni Tita

"Pero Tita pano kung di na nila kami naaalala?" Tanong ko

"Edi ipaalala nyo sa kanila kung sino kayo" ngumiti lang si Tita sakin kaya nginitian ko na lang sya

***

Pagkadating namin sa Haeldon kinakabahan akong pumasok sa room andito sila kaklase namin sila

"Good morning! I'm Alira Allainn Garcia,16 years old.. I hope maging friends tayong lahat" ngumiti ako pagkatapos kong magpakilala

"Good morning~ I'm Breanna Charm Yap, 16 years old" ngumiti naman sya

"Take your seat"sabi ni Ma'am

Grabe san ba kami uupo?

"Uhmm... Ma'am san po kami uupo ni Breanna?" Tanong ni Alira

"Oh... Alira sit beside Sage and you,Breanna, sit beside Matt"
Oo nga pala bakante yung upuan na katabi nung dalawa

Dahil nga transferees kami nagpakilala sila

Nagdiscuss naman si Ma'am Guevarra buti na lang ay di nakakabagot ang first day namin bilang grade 10

**
Nakapila kami ngayon ni Breanna sa canteen para bumili ng recess namin

"Grade 10 na pala tayo, ibig sabihin gagraduate na tayo...mamimiss ko kayo lahat ng memories natin di ko makakalimutan! Thankful ako dahil nakilala ko kayo basta promise nyo sakin wag nyo kong kakalimutan kahit anong mangyayari basta---ARAY NAMAN! BAT KA BA NAMBABATOK?!" rinig kong sabi ni Khate?

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon