15

92 7 11
                                    

~1 month later~

Third Person's POV

"Ang tanga mo Hope!!!" Sabay sabay nilang sigaw kay Hope pagkatapos nitong ikwento ang nangyari

"Ako pa tong tanga? Ako na nga yung nagparaya para sumaya sya" sabi ni Hope

"Malay mo ikaw pala yung happiness nya! Tsaka ikaw lang naman nag papasaya dun eh" sabi ni Khate

"Hayaan nyo na kasi si Hope malaki na yan, basta bilang kaibigan susuportahan na lang namin kayo sa mga desisyon nyo" sabi ni Matt

"Salamat" sabi ni Hope at ngumiti

"Nga pala di pa ba kayo nagugutom kasi bibili na ko ng pagkain" sabi ni Mhae

"Tss.. patay gutom talaga" sabi ni Jace na kadadating lang

"Che!" Sigaw ni Mhae sa kanya kaya nag tawanan sila

"Makabili na nga rin" sabi ni Saph at tumayo

"Pabili Saph,namamanhid yung paa ko--1 burger at 1 juice" napailing na lang si Saph habang inaabot yung pera na hawak ni Chord

Habang kumakain sila dumating naman si Seulli at may kasamang lalaki napatigil naman sila sa pagkain at tumingin kay Seulli na nagtataka

"Uhmm... Seulli sino sya?" Nag aalinlangang tanong ni Alira dahil nga katabi nya lang si Hope

"Jake mga bestfriends ko and guys si Jake ang boyfriend ko" pagkasabi ni Seulli, nasamid naman ang mga babae

Nabulunan si Viex sa sobrang gulat

Nalaglag naman ni Chord yung kutsara

Napatingin naman ang iba sakanya

Nahihibang na ang pinsan ko sabi ni Jace sa isip nya

"Seriously guys? Bat ganyan ang mga reaksyon nyo?" Sabi ni Seulli sa kanila

"Ah ano... nagulat lang kami parang ang bilis naman?" Sabi ni Saph

"Ganon talaga Mahal namin ang isa't isa" sabi niya

"Liar" bulong ni Breanna

"Pwede bang makishare kami ng table puno na kasi yung iba?" Tanong ni Jake

"Di ka ba nag-iisip nakitang 13 na kami dito sa table tapos makikisiksik ka pa" bulong ni Mhae at mukang narinig ni Jace na katabi nya lang kaya siniko niya si Mhae

"Aray! Bat ka ba naniniko?" Bulong nito

"Wag ka kasing maingay marinig ka" suway ni Jace sa kanya

"Dapat lang na marinig nya noh ayokong makipag plastikan" bulong ulit nito

"Uhmm guys pwede ba kaming makishare?" Tanong naman ni Seulli

"Sure, upo na kayo-- dun ka Seulli umupo sa tabi ni Hope yun na lang ang bakante eh" nakangising sabi ni Xiandra

Nako kung di ko lang bestfriend si Seulli di ako papayag makasama yang Jake na yan parang may masamang balak kay Seulli sabi ni Breanna sa isip nya

***

"Hahaha grabe nakakatawa ka talaga Viex!" Tawa ng tawa si Khate dahil nag joke si Viex kahit corny naman ang joke plano nilang inisin yung Jake para umalis ito sa table nila

"By the way Seulli pano kayo nag kakilala ni Jacob?" Tanong ni Alira

"It's Jake not Jacob" ani ni Jake
Umirap naman si Alira

"So pano nga Seulli?" Tanong ulit nito

"Nag kabanggan kami tas nalove at first sight ako sa kanya kaya niligawan ko sya hanggang sinagot na nya ko simple as that" sagot ni Jake

"Nalove at first sight mo muka mo" bulong ni Saph

"Tss...ikaw si Seulli? Wag ka ngang sumabat ikaw ba kinakausap ko? Hindi naman di ba? Di porket boyfriend ka ng bestfriend namin belong ka na sa barkada---"

"STOP!"

"Ano? Ipag tatanggol mo yang lalaking yan?---"

"I said stop! Wag nyong ginaganyan si Jake,di nyo sya kilala---"

"Oo di namin sya kilala! Pero dapat marunong naman syang lumugar.. dapat alam nya kung saan sya lulugar di yung makikisik pa sya kahit alam naman nyang hindi pwede ano ba mahirap intindihin don?" Ani ni Alira

"At sya pa ang dapat lumugar? Di ba dapat kayo ang lumugar ni Breanna? Di naman namin kayo kilala tas ano? Makikisiksik kayo sa barkada namin ha?" Nanggigilid na ang luha ni Alira dahil sa sinabi ni Seulli nasasaktan sya sa mga sinabi nito tumayo na rin si Breanna

"Ngayon? Wala kayong masabi di ba? Kasi totoo---"

"TAMA NA SEULLI!" sigaw ni Saph

"Ano? Ako naman ngayon ang aawayin nyo ganon kakampihan nyo yung babaeng yan---"

"SINABING TAMA NA!" sigaw ni Hope dahilan para matigilan si Seulli malakas pa rin ang epekto ni Hope sa kanya

"Umalis muna kayo please? Mag usap muna kami" sabi pa nito

At dahil don umalis si Seulli at si Jake

"Sorry Alira & Breanna, pasensya na sa inasal ni Seulli at mga sinabi nila sa inyo" Sabi ni Xiandra

"Tama si Seulli kami dapat yung lumugar,kami dapat yung umalis kasi nga kami yung nakikisiksik kami yung---"

"Shh tama na Lira, di kayo aalis sa barkada at walang aalis kahit anong mangyari" Xiandra

"Thanks Xiandra" Alira

"Ok lang ba kayo?" Tanong ni Jace tumango naman yung dalawa

"Nahihibang na talaga sya" sabi pa ni Matt

"Pag pasensyahan nyo na kasi nasasaktan yung tao pero mali sya maling mali yun mga ginagawa nya" paumanhin ni Jace

"I understand naman" sabi ni Saph

"Di naman sa sinisi kita Hope ah pero mukang nasaktan masyado si Seulli sa mga ginawa mo ang tanga naman kasi ng pinsan ko umasa pa kasi ayan tuloy nasasaktan" Jace

"PINSAN MO SI SEULLI?!"

"Aray naman! Masakit sa tenga" sabi ni Jace pano ba naman kasi sinigawan sya sa tenga

"Pero pre totoo ngang pinsan mo?" Tanong ni Sage na kanina pa tahimik

"Oo" maikling sagot nito

"Sa tingin ko kelangan nyo ng kausapin si Seulli" komento ni Pierre

"Kahit mahirap pilitin nyong kausapin para maayos na" sabi ni Chord

"Bakit kami? Di ba dapat si Hope? Sya yung nanakit di naman kami" sambit ni Mhae

"Di lang naman si Hope ang nanakit lahat tayo" tumango naman sila sa sinabi ni Matt

"So ano plano nyo?" Tanong ni Breanna

"Kausapin natin bukas lahat tayong girls" sabi ni Khate

"Bakit bukas? Pwede naman ngayon" Viex

"Mahirap kausapin ang taong mainit ang ulo at sa tingin nyo ba kakausapin nya tayo? Hindi hayaan nyo munang lumamamig yung ulo" Khate

"Basta bukas kausapin natin" sabi ni Saph

-----

Jinhwan as Jake (extra lang po sya)

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon