10

121 7 7
                                    

Khate's POV

Dapat ko ba talagang pakinggan ang side ni Viex? Kung di ko pakikinggan di ko malalaman ang dahilan kung bakit nya ko iniwan bahala na nga

"Khate" boses pa lang alam ko na

"Hmm?" Khate wag kang kabahan kaya mo to

"Pwede ba tayong mag usap?" Tumango naman ako di ko kasi alam kung ano ang isasagot ko

"About dun sa--"

"Alam ko na yan sabihin mo na lang yung dahilan mo kung bakit ka umalis ng walang paalam"

"Kaya di ako nag paalam sayo kasi pag nagpaalam ako sayo baka di ko magawang umalis.. mahal ko yung Dad ko at mahal rin kita kasi nga di ba bestfriend kita non? Mas pinili kong sumama kay Dad kasi nawala na si Mom ayoko namang mawala pa si Dad sakin kahit alam kong masakit para sakin na iwan ka ginawa ko pa rin..at kaya ako umalis dahil ipina alagaan namin si Saph kila Tita Sofia kasi busy si Dad sa work nya di na nya maalagaan si Saph at masyado pa kong bata non para alagaan sya...at bago ako umalis nagbigay ako sayo ng letter pero mukang di mo nabasa.. simula nung umalis kami pinangako ko na babalikan kita agad pero natagalan ang pagbalik namin at ng makabalik kami nalaman kong umalis na kayo ng pamilya mo..sobrang masakit nung una nagalit ako sayo pero narealize ko na kasalanan ko rin naman di ako nag paalam sayo siguro tama lang na di ko malaman na umalis ka naghintay ako ng ilang taon para makita kita at tingnan mo ngayon nagkita na tayo hahaha"

Di ko na napigilang umiyak sa mga narinig ko

"Alam mo ba nung time na umalis ka dun ko dapat sasabihin sayo na aalis kami kasi gusto kong sulitin yung araw na yon para kahit bago man ako umalis masaya ako masakit man pero wala akong magagawa dahil yon ang gusto ng parents ko, pumunta ko sa bahay nyo doorbell ako ng doorbell hanggang maulanan na ko sa labas ng bahay nyo nag babakasakali akong dumating ka kasi baka kako may pinuntahan lang kayo at alam ko na dadating ka ng may babaeng huminto sa harap ko tinatanong kung bakit daw ba ako nag papaulan at nakatambay sa harap ng bahay nyo sinabi ko naman hinihintay kita tas sinabi nyang umalis na daw yung nakatira don sa bahay kaninang umaga pa daw nung una di ako naniwala ng may iabot sya saking sulat pinapabigay daw sakin kinuha ko naman at binasa dun ko lang napatunayan na umalis ka nga alam mo bang naiinis ako sayo dahil di ka manlang nag paalam sakin ok lang naman sakin na umalis ka basta nagpaalam ka sakin...ngayon alam ko na yung dahilan kung bakit ka umalis at dahil yon kay Saph.. sorry dahil nagalit ako sayo Viex ni hindi ko manlang pinakinggan yung dahilan mo inuna kong magalit kesa makinig.. ang swerte ni Saph dahil ikaw yung kapatid nya... sorry talaga Viex sa mga nasabi kong di magaganda"

"Sorry rin Khate sa mga nagawa kong kasalanan sayo sana mapatawad mo ko sa lahat ng yon"

"Noh ka ba! Apology accepted na nga di ba?" Natawa na lang ako bigla sa mga inasal namin

"Tsaka kalimutan na natin yon tagal na non past is past na nga daw sabi ni Matt" ang saya pala pag nagkaayos kayo ng childhood bestfriend mo

"Halika na nga punta tayong canteen" sabi nya saka umakbay sakin

"Libre mo ah?"

"Oo na hanggang ngayon kuripot ka pa rin"

"Wow ah nagpalibre lang kuripot na? minsan lang kaya ako mag palibre sayo"

"Oo na ililibre na kita" habang nakaakbay sya parang may weird na feeling akong nararamdaman baka wala lang to pero ang weird talaga

Pabayaan mo na lang kasi

Pesteng konsensya oo na! Di ko na papansin waaahh!! Ang saya ko bati na kami ni Viex tas ililibre nya pa ko!!

Mhae's POV

Sino unang makikipagbati samin? Ako o sya? Eh parehas naman kaming may kasalanan napabuntong hininga na lang ako, ok fine ako na lang ayoko ng makipag pataasan ng pride ayoko ko rin naman kasing ganon kami tsaka gusto ko ring maayos yung away namin

Lumapit ako sa kanya di manlang humarap sakin nakayuko kasi sya kaya mo to Mhae keri mo yan nakayanan mo nga lahat ng pagsubok na dumating sayo eh etong pag aaway pa kaya

Kung sana kanina ka pa nag sorry edi sana bati na kayo di yung salita ka pa ng salita

Panira si konsensya nakitang nag iisip yung tao eh ok Mhae inhale exhale kaya mo to Aja! Fighting!

"Sorry/Sorry" sabay naming sabi medyo nakakagulat akala ko di nya ko napansin akala ko lang pala

"Sorry sa mga nasabi ko/Sorry sa mga nasabi ko" sabay ulit naming sabi

"Ano kasi/Ano kasi" peste nakakarindi na

"Mauna ka na/Mauna ka na" nanggagaya ba to?

"Ikaw na muna Jace" inunahan ko na baka mag sabay na naman di pa kami matapos

"Ahh ano kasi... Sorry sa mga nasabi kong di magaganda yung alam mo na masyado lang akong nadala ng sakit na nararamdaman ko nung araw na yon... pinagsisihan ko naman yung ginawa ko, actually dapat matagal na akong nagsorry sayo kaya lang nahihiya ako.. siguro tama ka na walang tao na ginustong mamatay si... ano nga ulit pangalan non? Jander? Jans? Jaz? Jazer? Ayun Jazer yung pangalan... sorry talaga Mhae kating kati na kong makipag usap sayo nung mga nakakaraang araw kaya lang maalala ko di nga pala tayo bati non hahaha sorry ha? Bati na tayo please" at nagpuppy eyes pa sya ang cute waaahhh

*dug* *dug* *dug*

Ano yun?

*dug* *dug* *dug*

Ano yung tumununog na yon? Tss mamaya na yan panira ng moment eh

"Sus ok lang yon pero sa totoo lang aaminin ko medyo nasaktan ako sa mga sinabi mo nun... nag eemote ako tas ganon yung sasabihin mo lakas makainis ang sakit na nga ng nararamdaman ko tas dadagdagan mo pa... sorry rin sa mga nagawa kong di maganda non sayo.. at oo bati na tayo" nabigla naman ako nung niyakap nya ko

*dug* *dug* *dug*

Ayan na naman yan ano ba kasi yan? Ang weird lang sa pakiramdam

Napailing na lang ako at yumakap pabalik kay Jace thankful ako at nagkabati na kami


Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon