28

58 2 2
                                    

Khate's POV

Gusto kong maiyak dahil sa tuwa dahil nakikita ko ngayon na masaya na sila grabe apat na lang pala kaming walang lovelife

*krrrrrriiiiiiiiiiiinggggggg*

Bell na kaya nag sipasukan na lahat ng kaklase ko

"Malapit ng mag end ang school year na ito kaya this is your chance para mag confess ng inyong feelings or kung ano pa man sabihin na nating mag oopen forum tayo ngayon para atleast kung meron mang may magkaaway sa inyo ay mag kabati na so let's start with Viex" sabi ni Ma'am Guevarra tumayo naman si Viex papunta sa harap

Ano naman kaya sasabihin nito? Eh wala namang kaaway yan or baka mag coconfess? Kaynino naman?

"Gusto ko lang sabihin na sorry sa mga nagawa kong kasalanan sa inyo pasensya na ah? And thank you sa memories grabe sobrang saya na nakasama ko kayo this school year and happy rin ako dahil sa halip na mabawasan tayo eh nadagdagan pa thank you Lira and Breanna sa pagiging parte ng buhay ko ang saya ko grabe sa 4 years na nandito ako sa wakas nakita at nakasama ko ulit yung kapatid kong si Saph salamat sa mga kabarkada ko dyan kila Mhae,Khate,Xiandra and Seulli pati rin sa ugok Hope,Matt,Chord,Pierre,Jace hahaha nandito lang ako lagi tandaan nyo yan and syempre di ko na sasayangin yung chance na umamin sa taong mahal ko"

pagkasabi nya non bigla syang humarap sakin or napatingin lang sya sakin?

"Alam kong napakabata pa natin para pumasok sa isang relasyon at mainlove pero ano bang magagawa ko? Di ko alam kung parehas tayo ng nararamdaman pero kahit ganon aamin pa rin ako sayo nung una naduwag akong aminin sayo yung totoo kasi baka ipagtulakan mo ako palayo kaya sinabi ko sa sarili ko na hahayaan ko muna mag hihintay ako ng tamang panahon para sabihin sayo yung totoo nung una kitang nakita akala ko namamalikta lang ako dahil baka magkamuka lang kayo o ano? Pero habang nakakasama kita nalaman kong ikaw talaga yun nung nalaman kong ikaw talaga yon natakot ako na baka di mo na ko pansinin pero naisip ko na tama naman di ba? Tama naman na yon yung gawin mo dahil ang laki ng kasalanan ko sayo so dumating na yung araw na inamin ko na sayo kung sino ako as expected nagalit ka sakin kinalimutan mo na ako ano bang magagawa ko? Nung una medyo nagalit ako sa sarili ko and thanks to Matt kung di pa nya tayo kinausap di mo ako pakikinggan at dahil don nag kaayos tayo ngayong grade 10 na tayo ayoko nang magpakatorpe pa, mahal kita Khate matagal na grade 8 pa lang tayo naramdaman ko na to sabihin na nating sobrang torpe ko dahil ilang years kong tinago tong nararamdaman ko pero ngayon freeng free akong sabihin sayo basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita Khate at hinding hindi magbabago yon"

Pagkasabi nya non bigla na lang syang dumukdok sa desk abat di man lang papakinggan yung sasabihin ko

Tatayo na sana si Mhae kasi sya yung katabi ni Viex ng bigla akong tumayo inunahan ko na sya sayang chance ko na rin to para umamin

"Nakakatuwang isipin na nung una tayong nagkita hindi kita pinansin at hindi ko pinahalatang kilala kita kasi sa tuwing titingin ako sayo naalala ko kung pano mo ako iniwan noon sa totoo lang hinintay kong sabihin mo sakin na ikaw yon na ikaw yung childhood bestfriend ko akala ko umaasa lang ako na ikaw yon pero hindi pala ikaw pala talaga yun gusto kong matuwa non pero mas nangibabaw yung galit ko sayo galit at tampo na bakit hindi ka man lang nag paalam sakin na bakit iniwan mo na lang ako basta alam mo bang nakakainis ka kasi umamin ka na ikaw yun kasi sa dinami dami ng pwedeng maging childhood bestfriend ko yung taong mahal ko pa? Tama
yung narinig mo oo mahal din kita Viex simula nung bata pa tayo nararamdaman ko na to kaya nga sobrang tuwa ko nung makita ulit kita"

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya habang niyakap naman nya ako pabalik

"So tayo na?" Painosente nyang tanong

"Ligaw muna" sabi ko

"Dun din naman bagsak natin eh" umakto akong nag iisip tas bigla ko syang hinampas mahina lang

"Sige na nga tayo na" sabi ko kaya hinigpitan nya yung yakap sakin

"Ehem" narinig kong sabi ni Saph

"Baka gusto nyong maghiwalay ng yakap hane? Masyado kayong PDA nasa classroom ho tayo wala sa motel"

"Inggit ka lang" sa halip na sumagot si Saph ay dinilaan nya lang yung kuya nya

Natatawa na lang tuloy ako sa inakto ng dalawang mag kapatid

Sana ganito na lang hanggang huli



---------

2 chapters to go....

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon