3

200 10 3
                                    

Sapphire's POV

"Serthen Cemetery"

Nasa sementeryo kami ano naman gagawin namin dito

"Halika" sabi nya sabay hitak sakin hanggang sa nakarating kami sa isang puntod umupo sya at umupo na rin ako

"Chord ano ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya nag chuckle naman sya

"Dinadalaw ang Mommy ko" sabi nya halata sa mukha nya ang lungkot

"Birthday na birthday mo tas ang lungkot mo" sabi ko sa kanya ngumiti sya sakin ng tipid

"Pano ako magiging masaya kung ang araw na rin na to ang araw na namatay sya?" Napatiklop ang dila ko ron di ko alam ang sasabihin ko

"Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo para mabawasan yung sakit mahirap kimkimin yan kasi kung lagi mo na lang itatago mas lalong sasakit atleast kung masabi mo man gumaan yung pakiramdam mo don't worry handa ako makinig" sabi ko tumingin naman sya sakin at sinumulan na mag kwento

"Laging umiiyak si Mom dahil kay Dad kasi di nya magawang mahalin si Mom at ako siguro dahil di pa rin makamove on si Dad sa first love nya hanggang isang araw nag pakamatay ni Mom dahil di na nya kaya yung sakit at alam mo kung ano yung mas masakit? birthday ko nung nangyari yon na dapat masayang araw para sakin pero nung araw na yon parang ayoko ng mabuhay sinisisi ko ang sarili ko non dahil di ko man lang napigilan si Mom pero wala na nangyari na"

Halata sa tono ng pag sasalita nya ang lungkot siguro kung ako rin yon pipiliin kong wag ng mabuhay

"Eh asan na yun Dad mo?"

"Nakatira kasama ko simula nung mamatay si Mom nag focus sya sa work nya wala na rin syang ganong oras sa bahay"

"Parehas pala tayo pero ang pagkakaiba namatay yung Mom ko dahil sa cancer tas yung Dad ko naman ewan ko kung nasaan iniwan na nya ko"

"Bakit ka naman nya iniwan?" Tanong nya sakin maski ako di ko alam kung ano dahilan nya

"Di ko alam, di nya pala ko iniwanan ipinamigay nya ko I mean pinaampon nya ko nung 3 years old ako, so ang nag palaki sakin yung nag ampon sakin swerte pa rin ako at may kumupkop sakin at alam mo swerte ka pa rin dahil andyan yung Dad mo atleast di ka nya iniwan nanatili pa rin sya sa tabi mo kahit wala na syang time para sayo" sabi ko sa kanya pinunasan naman nya yung luha nya sa mata nya tumayo naman kami

"Grabe ang drama ng buhay natin" sabi ko ulit kaya natawa sya

"Nga pala kung di ka mahal ng Dad mo edi sana di mo sya kasama ngayon at iniwan ka nya simula pa lang nung ipinag bubuntis ka pa ng Mom mo" pahabol ko

"Change na topic na tayo baka mas lalo pang drumama" natawa naman ako sa sinabi nya

"Thank you dahil gumaan yung pakiramdam ko tagal ko din tong kinikimkim"

"Sabi sayo eh bakit di mo ba sinasabi kila Viex yang problema mo?" Sabi nya kasi tagal na nyang kinikimkim yung problema

"May mga problema din kasi yong mga yon ayoko ng dumagdag" sabi nya

"Ay ang sweet naman" asar ko sa kanya aalis na sana kami ng biglang may dumating na babae

"Naethan"

Chord's POV

Sh*t ano ginagawa nya dito? Pagkatapos nya kaming iwan tas mag papakita sya?

"Ano ginagawa mo dito?" Cold kong sabi sa kanya

"Ganyan mo na ba iwelcome ang Ate mo?" Tanong nya tss

"Sorry"sabi nya halatang umiiyak sya

"Sorry?! Naisip mo ba kung gano kasakit sakin at kay Dad yung ginawa mong pag iwan samin?! Ang pinaka naapektuhan sa pag alis mo ay si Dad nawala na nga si Mom tas ikaw umalis ka pa! At dahil don halos magpakamatay na sya sa sobrang sakit ng nararamdaman nya!" Di ko maiwasang mag taas ng boses sa kanya sobrang galit ako dahil iniwan nya kami di man lang nya inisip yung nararamdaman ni Dad

"Sapphire?" Napatingin naman ako kay Sapphire na halatang gulat wait kilala niya si Sapphire? Pano?

Sapphire's POV

Nagulat ako nung tawagin ako nung Ate ni Chord pano nya ko nakilala?

"gosh Sapphire! Ikaw nga grabe ang laki mo na!" Ano ba pinagsasabi ng Ate ni Chord

"Hehehe sorry po pero di ko po kayo kilala" sabi ko totoo naman edi sana kanina ko pa sya bianti kung kilala ko yan ehh hinde

"Nakalimutan mo na ba ko? Ako to si Ate Nikha, by the way kamusta na yung kapatid mo? tagal ko ng di nakikita yon" kapatid? Ay oo may kapatid nga pala ko pero di ko kilala siguro kasama ni Dad(yung totoo kong tatay) di ko talaga sya matandaan wala naman akong amnesia

"Sorry po talaga di ko kayo kilala" pag kasabi ko nun bigla na kong hinila ni Chord kung saan man

"So Ate mo pala yon"sabi ko kala ko kasi ex nya

"Dati pero ngayon hindi na ayoko na syang ituring na ate pagkatapos ng lahat" grabe

"Grabe ka naman pero pano ko nakilala ng Ate mo? eh ngayon ko pa nga lang nakita yon" nag kibit balikat naman sya ang nice kausap bigla naman syang tumawa anong nakakatawa?

"Bakit ganon? Ang drama ng buhay natin hahaha nakakatuwa lang isipin" sabi nya kaya natawa rin ako

"Ewan ko rin sa halip na mabuhay ng normal eh nagiging madrama pa, kainis noh? Gusto ko lang naman ng happy family nararanasan ko naman yon kay Mama at Papa pero mas maganda kung mararanasan ko yun sa tunay kong pamilya ano ba yan! Ang drama na naman"sabi ko at pinunasan yung luha ko

"Bestfriend?"sabi nya tsaka nilahad ang kamay inabot ko naman yon

"Bestfriend"

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon