14

103 7 26
                                    

Hope's POV

Naglalakad ako ngayon dito sa school namin tutal vacant naman namin liliko na sana ko ng matanaw ko ang isang maganda babae sino pa ba? Edi si Seulli

Napag desisyonan kong umupo sa tabi nya

"Kamusta?" Nakangiti kong sabi

"Ok lang, ikaw?" Ang ganda talaga nya

"Ok lang din" ngumiti ulit sya
Kahit gulo gulo ang buhok nya kita mo pa rin yung ganda nya

Pagkatapos non nabalot kami ng katahimikan wala ni isa samin ang gustong mag salita

"Uhmm... Hope" napatingin naman ako sa kanya nung tinawag nya ko

"Bakit?" Ang lakas talaga ng epekto nya sakin

"Uhmm.... ano kasi..tinatanong nila kasi ako kung may chance ba tayong you know mag kabalikan?" Nagulat ako ng tinanong nya yun pero pinilit kong tumawa

"bakit mo naman iniisip yan?" Tanong ko

"Parang napepressure kasi ako dahil nga mag ex tayo syempre iniisip nila na may chance na mag kabalikan tayo.. iniisip nila na pwede pa di ba?" Sabi nya

"Bat ka naman mapepressure? Di ba sinabi ko sayong tama na.. sinabi ko sayong itigil mo na.. sinabi ko sayong lubayan mo na kasi nga mapapagod ka lang" kahit masakit para saking sabihin iyon ginawa ko pa rin

"Seulli ginagawa ko lang to para di ka masaktan--"

"Di ako masaktan Hope?! Kasi ngayon nasasaktan na ko alam mo kung bakit kasi mahal pa rin kita... mahal na mahal... napepressure ako kasi gusto kong malaman kung meron pa.. kung meron pang pag mamahal na nararamdaman mo para sakin...kahit konti lang... kasi umaasa ako.. umaasa akong meron pang chance.. ang tanga ko kasi pinaasa ko yung sarili ko sa mga bagay na hindi pala pwede.. sa mga bagay na alam kong masasaktan ako.. gusto kong malaman kung meron pa talaga.. kung hindi naman gagawin ko yung sinasabi mo na itigil ko na..kasi nga sobra na lulubayan ko na.. ngayon Hope mahal mo pa ba ko?"

Dahil don napatigil ako

"Mahal mo pa ba ko?"
Oo! Seulli mahal na mahal kita kaya lang natatakot ako, natatakot akong masaktan ulit kita

"Last na tanong ko na to mahal mo pa ba ako?" Nanggigilid na luha nya gusto ko iyong punasan at sabihing tumahaan ka na,wag kang umiyak andito lang ako pero di ko magawa

Ilang minuto ang nakalipas di pa rin ako sumasagot sa tanong nya sa halip ay umiwas ako ng tingin

Di ko alam ang isasagot ko..gagawin ko to para di na kita masaktan Seulli ok lang sakin na isakripisyo ko ang feelings ko para sayo basta wag ka lang masaktan.. alam kong masasaktan ka sakin, mahal na mahal kita at alam kong hindi ako ang tamang lalaki para sayo sana maging masaya ka sa piling ng iba masakit man sakin hahayaan na kita

"I guess it's a no.. Nakuha ko na yung sagot sa tanong ko..congrats, sana maging masaya ka..wag kang mag alala kakalimutan ko tong pesteng nararamdaman ko para sayo.. para di na ko masaktan at para di ka na mag alala kung masasaktan ba ako o hinde"

Ng makaalis na sya dun tumulo ang mga luha ko,ang sakit makita na yung mahal nasasaktan ng dahil sayo nakakabakla man tingnan wala akong pakialam basta ako handa akong mag sakrpisyo para lang sa taong mahal ko kung saan ka masaya Seulli masaya na rin ako kahit masakit dito

Seulli's POV

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapagod

Ang sakit malaman na di na nya ko mahal ang tanga ko lang dahil umasa pa ko

Umasa akong mahal nya pa ko gaya ng pag mamahal ko

Umupo ako sa damuhan at don umiyak hindi ko na kaya ang sakit na

Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko kaya pinunasan ko yung luha ko baka sabihin pang ang emo ko

"Ok ka lang?" Tanong ni Jace sakin

"Oo" pero dahil nga taksil ang mga luha ko, tumulo ito ng tumulo

"Shh, andito lang ako" sabi nya at niyakap ako yumakap din ako pabalik

"Ang sakit Jace, ang sakit palang marinig mismo sa kanya.. ang sakit palang malamang di na nya ko mahal...ang sakit palang umasa... ang sakit kasi umasa ako...ang sakit kasi mahal ko pa rin.." sabi ko habang yakap ko pa rin sya

"Sinabi ko na kasi sayo na wag mong paasahin yung sarili mo,eh mapilit ka ayan tuloy nasasaktan ka" sabi nya habang nakatingin sakin ng seryoso

"Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Sana pala naging manhid na lang pala ako para di ko maramdaman yung sakit..sana hindi na lang ako nabuhay dito sa mundo, sana--"

"Wag mong sabihin yan Seulli, alam ko masakit sa parte mo na malaman na hindi ka nya mahal pero ganon naman talaga di ba? Pag nagmahal ka, masasaktan ka, aasa ka, iiyak, sasaya ka, halo-halo ang mararamdaman mo"

"Di na ba nya ko mahal? Ganon lang ba talaga yon? Siguro naka move on na sya,siguro--"

"Wag kang magconclude sa mga bagay na nakikita mo lang, pakiramdaman mo, minsan masasabi nating umaasa tayo sa mga bagay na pinakikita nila...sa mga kinikilos nila, umiiyak ka dahil sabi mo di ka nya mahal, ang tanong sinabi ba nya na di ka nya mahal? O iniisip mo lang?" Pag kasabi nya non

Tinamaan ako, tinamaan ako sa mga sinabi nya

"Hinde---"

"Hinde naman pala, malay mo mahal ka pa di naman nya sinabi di ba? Nanggaling ba sa kanya yung di na kita mahal Seulli hindi di ba?"

"Pero sinabi nyang itigil ko na.. sobra na, lubayan ko na kasi nga masasaktan daw ako pero sa pinakikita nya nasasaktan ako minsan akala ko may pag-asa pa, may pag-asa pang mahalin nya ko pabalik"

"Seulli, mahal ka nya---"

"Mahal? Mahal nya ko? Eh bakit nya ko pinag tutulakan palayo? Mahal ba ang tawag don Jace?---"

"Sa nakikita ko mahal ka nya!"

"Sa nakikita mo lang pero di mo naramramdaman"

"Seulli--"

"Tama na Jace, wag mo na kong papaasahin na mahal nya pa ko..sobra na Jace... sobra na kong nasaktan...siguro ito na yung right time para mag move on ako.. masyado akong nagpapalamon sa pag mamahal ko sa kanya... siguro ito na yung tamang oras para sumaya naman ako" ngumiti sya sakin

"Kung yan ang gusto mo, susuportahan kita Seulli" nginitian ko sya

"Salamat Jace dahil andyan ka simula pa lang, salamat...dahil di ko alam ang gagawin ko kung di kita naging pinsan"

"Walang anuman, tayo lang naman ang mag tutulungan eh-- halika ka nga, wag ka ng umiyak andami namin ditong nag mamahal sayo basta wag mong ikulong ang sarili mo sa isang pagmamahal na alam mong masasaktan ka lang at alam mong ikaw lang ang lumalaban"

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon