21

92 4 0
                                    

Alira on the multimedia👆👆
--------

Alira's POV

"Tss..ang aga aga nag aaway na naman sila" bulong ko

Napapairap na lang ako tuwing nakikita kong nag aaway yung parents ko

"Ano pa ba kasi hahanapin mo Allainn eh mula pagkabata natin lagi na silang nag aaway" sabi ni Ate Loryn

"Bat di na lang kasi sila mag hiwalay?" Irita kong tanong

Sumeryoso naman yung mukha ni Ate nung sinabi ko yun

"Yun ba talaga gusto mo? Yung maging broken family tayo?"

"Di naman sa ganon Ate, pero kasi ang sakit makita na lagi silang nag aaway di ba nila naiisip na may anak sila"

"Shh..Magiging ok din ang lahat Allainn" inakap ako ni Ate at yinakap ko din sya pabalik

"ANO? MAY BABAE KA NAMAN HA? KAYA BA DI KA UMUUWI NG DALAWANG ARAW AT KASAMA MO YUNG BABAE MO?!!" sigaw ni Mama

"ANO BANG PINAGSASABI MO? WALA AKONG BABAE AT YUNG PINAGTATRABAHUHAN KO MASYADONG MALAYO DITO SA BAHAY KAYA NAKITULOG MUNA KO NG DALAWANG ARAW SA KUMPARE KO!" sigaw pabalik ni Papa

"SINUNGALING! NAKITA KONG MAY KASAMA KANG BABAE NUNG ISANG ARAW! NAKITA KA PA NG KAPITBAHAY NA UMUUWI KA PA SA BAHAY NG BABAE MO!" sigaw ulit ni Mama

"PANO KUNG MAY BABAE NGA AKO?! MAY MAGAGAWA KA PA BA?" papa

"MAAWA KA NAMAN SA MGA ANAK MO!" Mama

Di ko na narinig ang away nila dahil tumakbo na ko palabas ng bahay

Pumunta kaya ako kila Breanna? Kaso ayoko ng mang istorbo lalo na kelangang gumaling ni Breanna

F*ck san ako pupunta ngayon?

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mapadpad ako sa isang park

Umupo ako sa isang bench at dun na nagsi tulo yung mga luha ko

Pinanood ko naman yung mga tao sa park ang sasaya nila lalo na yung mga pamilya na nag pipicnic

Nakakainggit...sobra..

"Argghhhh!!!" Napatingin naman ako sa sumigaw

"Sage?"

Sage's POV

Xiandy calling....

Kinuha ko naman an phone ko at sinagot ang tawag

"Bakit?"

(Wow ang nice naman ng pagbati mo wala man lang 'hello' or hi)

"Wala akong panahong makipagtalo sayo Xiandy, bakit ka tumawag?"

(Ano kasi Sage..ahh..pano ko ba sasabihin?)

"Xiandy"

(Eh kasi kinukuha ka ni Mom kay Dad, dun ka na daw tumira sa kanya kasama nung bagong asawa ni Mom)

"F*ck, no way hinding hindi ako titira kasama ng bago nyang asawa"

(Same..ayoko rin tumira kasama nung bago nyang asawa..kaya Sage kausapin mo si Dad na kunin ako kay Mom please Sage nag mamakaawa ako)

"Sige sasabihin ko kay Dad na kunin ka kay Mom"

(Thanks Sage..sige bye kambal)

"Bye"

Makaalis na nga lang sa bahay nakakabadtrip

***

Di ko alam kung bakit ako dinala ng paa ko dito

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon