19

101 4 6
                                    

Breanna on the multimedia 👆👆
----------

Breanna's POV

"Aray naman mag-ingat ka naman kasi" sabi ng isang babae

"Sorry" paumanhin naman ng isa pang babae

"Ano ba naman kayo kaaga aga ang haharot!" Bulyaw ng isa pa

"Bunganga mo itikom mo ang ingay!" Sigaw ng isang lalaki

"Aba't---"

"Wag nga kayong mag away" suyaw ng isa pang lalaki

"Di ka mabiro" sabi pa nito at nag pacute

"Water oh"

"Thanks"

"Ako nga pala si Breanna"

"Nice too meet you Breanna, I'm--"

*kriiiiiiiiiiiiiiiiinggggggg*

Nagising naman ako sa ingay ng alarm clock ko whew panaginip lang pala pero bakit naman blur yung mga mukha nila di ko tuloy nakita itsura

"Breaaaaaannnaaaa!!! Bumaba ka na dyan at tanghali na malelate ka na sa school!!" Sigaw ng Mama ko

"Opo Mama! Pababa na po!"

Pagkababa ko naabutan kong kumakain si Lira ng almusal

"Aga mo namang nangangapitbahay at nakikikain ka pa" sabi ko kaya tumawa sya

"Fyi, dala ko tong pagkain na to pati plato, kutsara't tinidor nung pumunta ako dito"

"Talagang dumayo ka lang dito para makikain?"

"Yep! Tsaka ayoko sa bahay...alam mo naman dun kaya dito na lang ako kumain para naman ganahan ako" sabi nya at ngumiti ng pilit

"Maliligo lang ako" at dumiretso na sa banyo

After ng 10987654321 years joke lang... natapos narin akong maligo at nagbihis na ko ng uniform

"Buti naman natapos ka na....kanina pa ko naghihintay dito"

"Nakakahiya naman kasi ako pa tong hinintay mo" sarkastikong sabi ko tumawa lang ang bruha

****

Habang nag didiscuss si Sir di ko maiwasang lumingon lingon sa loob ng classroom namin

Ng mapatingin ako sa gawi ni Matt nag tama yung mata namin tas para bang kami lang yung tao
*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

May kabayo ba sa puso ko ang bilis ng tibok eh di ko namalayan na ilang oras na rin pala kaming nagtitigan kaya umiwas na ko ng tingin nakakahiya!

Ang tagal namang matapos ng discussion ni Sir nakakabagot! Yun lang ang masasabi ko! Nakakabagot yung subject nya! Boring na nga yung subject boring pa yung teacher -____-

Napapatingin ako sa relo bat ba ang bagal ng oras? Ganon ba talaga pag may hinihintay ka bumabagal? Tss

Dahil sa inip nag lettering na lang ako sa likod ng notebook ko tas kung ano ano na lang yung sinusulat ko

Hanggang sa matapos yung time ni Sir at finally uwian na

"Heart beats fast~" kanta ko

"Ganda pala ng boses mo" nagulat naman ako sa nag salita si Matt lang pala wait si MATT?! O_____O nakakahiya naman ang pangit pangit ng boses ko tas maririnig pa ni Crush.. oo! Aaminin ko crush ko na si Matt! Nagsimula yun nung nag start kaming magreview

Past Or Present? (bts ¤ rv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon