[18] Rule Breaker

1.8K 40 2
                                    

--

Genieva Elaine Pascual

--

Catherine's POV.


"Okay ka lang? Alam mo Kyle, kaya kong mabuhay na wala ang mga kayamanan na 'yan sanay na ako." nakasimangot kong turan sa kanya.


Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Sobrang tahimik na sa mansion malamang nakauwi na ang mga kaibigan namin ni Kyle.


Di pa rin mag-sink in sa akin ang lahat ng mga gusto ni Lolo, my gosh bata pa kami tapos nagr-request na ng apo sa tuhod.


"Ako, hindi! Pero okay lang sakin na hindi makuha ang mana ko basta ikaw ang nasa tabi ko."


Napaiwas ako ng tingin, ano ba naman 'tong halimaw na 'to? Kung anu-ano lumalabas sa bibig, daming alam.


"May sakit ka ba? Bakit ganyan ka kung magsalita? Gusto mo dalhin na kita sa ospital baka may sakit ka sa pag-iisip..." sabi ko sa kanya habang sinusuri kung maayos ba siya para kasing ang weird niya.


"Ako ba ginagago mo ba ako Catherine Psyra!?"


"Uh, hindi..." sabi ko at iiling-iling.


Ayan kasi eh! Nagb-bersek na naman siya, huhu mag-h-halimaw mode 'yan kasi naman eh!


"Tss, we need to work this out, Catherine... I told you na ayokong maging mahirap."


"I told you rin Kyle na kaya kong mabuhay na walang yaman. Dapat siguro alam mo 'yon, haler."


"Then, ano 'yon pinapasahod ko sayo? Di ba yaman 'yon?"


Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.


"Excuse me? Mukha bang ako ang nakikinabang sa kayamanan mo eh kita mong nandito ako sa poder mo." inis kong sabi.


"Really? Di nga ba talaga?" Nakataas ang kilay niya at bakas ang ngisi sa labi ng halimaw.


"Di nga talaga. Like hello, si Tita Aisell ang may hawak ng atm card ko. Atsaka nakalimutan mong magbigay ngayon, pinapaalala ko lang." sabi ko at inismiran siya.


"Kakabigay ko lang kay Tita Aisell, di ako nakakalimot... pinapaalala ko lang din." nakasimangot na sabi niya.


Awkward. Dead air. Nakakabingi ang katahimikan, pagkatapos ng conversation ay wala na tapos na.


"Matutulog na ako." sabi ko at inayos ko ang higaan ko.


"Seryoso ako sa sinabi ko, Cath. Di ko kayang mabuhay na walang kayamanan but kakayanin ko basta nasa tabi kita. Okay lang sakin na hindi ko makuha ang lahat ng properties na nasa America as long as you staying by my side. Bahala na sila kung di natin pagbibigyan ang gusto ni Lolo."

The Pretended Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon