Epilogue

3.5K 60 6
                                    

Catherine's POV.

"Cath, ang tagal mo naman! Dalian mo naman dyan girl." dinig kong sigaw ni Genieva.

"Saglit lang, kita mong kararating ko lang eh. Magpapalit lang ako ng damit, can't you just wait for me, aish!" inis kong sigaw at nagmadali magpalit ng dress, nag-ayos na rin ako ng sarili ko dahil nakakahiya naman kung aattend akong ganito ka dugyat baka kutyain pa nila ako.

Paglabas ko sa walk-in closet ko, nakita kong inip na inip na sila Genieva at Cecy.

"Ang shogal shogal mo naman girly! Kailangan ba talagang magpaganda huh?"

"Of course, kailangan natin kabugin ang kagandahan ni Lea mamaya." sabi ko at nginitian ko sila ng matamis.

"Girl, magagalit si Lea sa atin. Remember nung kinabog ko siya one time nung engagement party niya, aba't sinabunutan ako ng babaeng iyon kesyo parang ako na daw yung future wife ni Harvey, loka-loka talaga." natatawang sabi ni Genieva at umiling-iling.

Sumakay na kami sa kotse ni Cecy, siya na ang nagmaneho kasi daw nakakahiya naman daw sa'min baka daw masira pa namin iyong sasakyan na regalo sa kanya ng jowabells niya.

"Cath, kailan mo ba balak mag-stay dito? Its been 2 years at ngayon ka pa lang tumuntong ng Pilipinas like omg pumunta ka nga sa kasal ni Lea pero umalis ka rin agad. Halos di ka na nga namin nakasama sa mga outing namin."

"Alam mo Eva, wala na akong balak mag-stay dito. Okay na ako sa Korea at hindi ko na rin nais bumalik pa dito." sabi ko at nginitian na lang siya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-like ng mga post ng mga friends ko sa sns accounts ko.

"Siya pa rin ba ang dahilan?" Natigilan ako sa ginagawa ko at nilingon ko si Genieva.

"Bakit siya naman ang magiging dahilan? Matagal na kaming tapos and its been 2 years." I smiled at her at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

"Alam mo girly, alam mo wag na lang babanggitin si fafa kay Catherine baka makalbo tayo ng wala sa oras. Haler, ilan taon kong pinahaba ang hairlalu ko no tapos dahil diyan kay fafa eh mawawala ito sa isang iglap, gahd baka ako magkalbo sa inyo dyan err." sabi ni Cecy at nag-flip hair sa harapan namin ni Genieva.

"Omg, nandito na tayo. Finally, makikita ko na rin si Lea at makakapaghiganti na ako sa ginawa niya." nakangising sabi ni Genieva at tinanggal ang kanyang seatbelt.

Tinanggal ko rin ang sa akin at inayos ko ang buhok ko. Kinuha ko ang clutch bag ko at tiningnan ko ang dalawa.

"Gaga, baka unahan ka pa nun alam mo naman kung gaano ka-kawawa si Lea sa'yo girly." natatawang sabi ni Cecy.

"Tara na," aya ko sa kanila at sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan.

"Hindi niyo naman sinabi sa akin na dito pala ang ganap sa mansion ni Harvey..." sabi ko.

"Girly, mukha ka bang nagtatanong like duh. Hindi rin papayag si Lea na i-celebrate nila ang kanilang first anniversary sa pipitsugin nilang bahay." nakangusong sabi ni Cecy.

Natawa ako sa sinabi ni Cecy, pinalo naman siya ni Genieva sa balikat.

"Gaga ka, ang judgemental mong bakla ka."

"Excuse me? Sabi kong wag mo kong tatawaging bakla eh! Babae ako bes, babae!"

Umiling na lang ako nauna na akong pumunta sa garden kung saan i-c-celebrate nila Lea at Harvey ang kanilang first anniversary.

Natanaw ko si Lea na busy sa pagkain ng cupcakes habang si Harvey ay sinasaway naman siya.

"Happy first anniversary sa inyo love birds." sabi ko at bumeso kay Lea.

The Pretended Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon