Catherine's POV.
Pagkatapos ng mga binitawang salita ni Ciara, nagpunta na lang ako sa kwarto at nagkulong.
Ni-lock ko iyon at tahimik na umupo sa gilid ng kama. Nagbabadyang pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Parang piniga ng sobra ang puso ko dahil sa sinabi ni Ciara ko. Bakit niya pa hiniwalayan si Kyle kung babalikan niya rin?
Narinig ko ang sunud-sunod na katok sa pinto.
"Wifey, ihahatid ko muna si Ciara." sabi ni Kyle, hindi ako kumibo. Ano pang silbi kung kokontra ako di ba?
"Are you okay?"
Hindi pa rin ako sumagot bahala siya. Galit pa rin ako sa kanya, imbis na huhupa 'yung galit ko sa kanya lalo niya pang dinagdagan.
Narinig ko ang mga yabag papalayo sa pinto, ibig sabihin umalis siya. Mas pinili niya pa si Ciara kaysa sa akin. Kyle, ako ang asawa mo bakit ka ba sumasama sa kanya? What the hell is wrong with you?
Bigla na lang tumulo ang luha ng hindi inaasahan. Huminga ako ng malalim, di ko alam bakit ako nagkakaganito epekto lang siguro ng sinabi ni Ciara. Napaparanoid lang siguro sa mga sinabi ni Ciara, alam ko namang hindi gagawin ni Kyle 'yon eh mahal niya ako at mahal ko rin siya. Di porket naging parte lang si Ciara ng nakaraan ni Kyle, nakipaghiwalay na siya kay Kyle tapos ngayon babalik-balik siya.
Tinawagan ko si Alex, gusto kong makumpirma kung totoo ba ang sinabi ni Ciara dahil kung hindi, susunugin ko siya pati ang kaluluwa niya.
"Hello Cath, napatawag ka?"
"Nasaan ka?" tanong ko.
"Nasa park ako kasama sila Luke, Kian at Harvey. May problema ba?"
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"Yes, I'm fine. Pupuntahan ko kayo diyan, okay lang ba sa inyo?" pilit kong pinasigla ang boses ko para hindi nila mahalata na hindi ako okay.
Kahit ano namang gawin ko, hindi ko magawang maging okay kasi nasaktan ako eh.
"Sure... ingat sa pagpunta. Nandito lang kami sa bench malapit sa mga swing."
I ended the call. Inayos ko ang sarili ko at dumiretso ako papunta sa park. Natanaw ko si Kian-boy nasa swing na may hawak-hawak na ice cream. Si Luke at Harvey nasa see--saw tapos si Alex nakaupo sa bench at busy sa hawak nitong cellphone.
"Ang daya mo Luke!" inis na sigaw ni Harvey.
"Anong madaya doon? Porket di ka lang makababa diyan palibhasa kasi stick kang hayop ka eh." natatawang asar ni Luke.
"Kung stick ako, ano ka pa ba? Tingting, isang hipan lang tatangayin ka na." nakangising pambawi ni Harvey.
"Tss, ang ingay niyo! Parehas lang naman kayong payatot diyan baka nga isang sigaw ni Kyle taob kayo eh." nakasimangot na sabi ni Kian-boy.
Lumapit ako sa pwesto nila at nakita ako ni Alex.
"Cath!" sigaw niya sa pangalan ko at kumaway.
Ngumiti ako at kumaway pabalik. Napatingin sa gawi ko sila Harvey, Luk at Kian-boy. Agad na tumayo si Luke at kumaway sa akin. Biglang bumagsak si Harvey sa lupa at napahawak sa balakang niya.
"Pakyu ka Luke! Tingnan mo 'yung ginawa mo sa akin, nilaglag mo ko hayop ka!" singhal ni Harvey.
Tinulungan siyang tumayo ni Alex at saka inakbayan.
"Masyado kasing atat 'tong Luke Tan na makita si Cath." natatawang sabi ni Alex.
"Hindi naman..." natatawang sabi ni Luke.
BINABASA MO ANG
The Pretended Bride (Completed)
HumorLove Story of Kyle Adamson and Catherine Hyo. Catherine accept being pretended wife and bride of the famous cold-hearted monster Kyle Adamson. Once they got married, she will lived on the mansion of the Adamsons with Kyle Adamson and act like a tru...