[23] Rivalry

1.6K 43 0
                                    

Catherine's POV.

Di ko alam kung paano ako nakatulog sa sobrang dami ng naiyak ko at sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam bakit nilihim ni Kyle ang tungkol sa kanila ng ate ko. Tatanggapin ko naman iyon eh pero ano ba talaga ako kay Kyle?

Pagpunta ko sa sala ay naabutan kong natutulog ng mahimbing si Kyle sa sofa. Napangiti ako dahil sinunod niya ang gusto ko pero napawi rin dahil bigla akong nakaramdam ng sakit nang maalala ko ang ngiti niya kasama ng ate ko.

Dumiretso ako sa dining area para kumain, naabutan kong kumakain sila Kuya Kent at Ate Katrina.

"Good morning Cath." bati ni Ate Katrina.

"Good morning din." bati ko kay Ate Katrina.

"Bakit nandyan natulog sa sala 'yan?" tanong ni Kuya Kent, tinutukoy niya si Kyle.

"Nag-away po kasi kami kagabi. Sabi ko kasi sa kanya na sala siya matutulog kapag hindi siya natulog sa sala hindi ko siya papansinin." nakangiwing sabi ko.

"Kaya pala kaninang madaling araw eh ayaw niyang makitulog sa kwarto ko kasi baka di mo na daw siya pansinin." natatawang sabi ni Kuya Kent.

"Enjoy eating po di ba may pasok pa kayo?"

"Ako lang naman ang may trabaho dito atsaka si Kyle. Ewan ko ba kay Katrina kung ano pinagkakaabalahan nito araw-araw." kibit-balikat na sabi ni Kuya Kent at patuloy sa pagkain ng nakahain na pagkain sa mesa.

"Naghahanap kasi ako ng mapapangasawa ko Kuya, remember ayokong maghirap at ayokong mawalan ng mamanahin ang magiging anak ko."

"Makakapag-intay 'yan Katrina, tingnan mo nga si Cath at si Kyle di naman nagmamadali sa pagbuo ng pamilya. You know, kung bubuo ka ng pamilya may kasamang pagmamahal hindi 'yung kailangan mo dahil ayaw mong maghirap." explain ni Kuya Kent sabay higop sa tasa na may lamang kape.

"Ikaw ba? Wala ka bang balak, look mukha ka kasing kampante eh." nakangusong sabi ni Ate Katrina habang pinaglalaruan ang pagkain niya sa pinggan.

"I'm dating someone if that answers to your question. Di ko minamadali ang lahat, getting to know each other muna. Bakit kasi di mo na lang pakasalan si Vince tutal pinangakuan ka ng ka-"

Hindi na naituloy ni Kuya Kent ang sasabihin niya nang bigla na lang nagwalk-out si Ate Katrina.

"She's still affected." natatawang sabi ni Kuya Kent at nagpatuloy sa pagkain.

Sinabayan ko na lang kumain si Kuya Kent ng breakfast. Malamang tulog pa rin si Kyle baka hindi na kumain ng almusal 'yon. Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam ako kay Kuya Kent na magpapahangin lang muna ako sa labas.

Pumunta ako sa garden ni Mom at diniligan ko ang paborito niyang orchids. Naalala ko kung gaano kagusto ni Eomma ang mga bulaklak, mayroon kaming sariling garden noon. Ako, si Ate at Kuya ang nag-aalaga ng garden ni Eomma kapag wala siya sa bahay. I miss Eomma so much gustuhin ko man pumunta sa bahay namin ay ayaw ko dahil di pa rin ako naniniwala sa sinasabi ng dalawang baliw na iyon na sila ang mga kapatid ko.

Pumunta ako sa likod-bahay para magbabad ng paa sa pool. Malapit naman sa garden ang pool kaya hindi ako nahirapan pumunta dito.

Inilublob ko ang paa ko sa pool atsaka kinuha ko ang iPhone6 sa bulsa ko. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko para may madaldal man ako.

"May problema ka ba girly?" natatawang tanong ni Genieva.

"Eve, stop calling me girly. Ikaw atsaka si Lea lang ang girly dito noh. Wala akong problem, gusto ko lang na may makausap ako." natatawang sagot ko.

The Pretended Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon