--
Hi b3h, Did you miss the KyRine?
--
Alexander on the right ---->
--
Catherine's POV.
"Cath, tara! Samahan mo naman ako mag-malling today." sabi ni Ate Katrina at ngumiti.
"Huwag kang mag-alala nagpaalam na ako kay Kyle baby." sabi ni Ate Katrina at ngumuso.
"Ano naman ang gagawin natin sa mall Ate Katrina?" tanong ko. Sorry, medyo curious lang. Gala kasi minsan si Ate Katrina. Nung nakaraan ang paalam niya pupunta siya ng Tagaytay tapos nalaman ni Mom Karla na nasa Baguio si Ate Katrina.
"Kakain tayo sa restaurant, magsh-shopping, tapos bibili ng gamit para sa magiging pamangkin ko." sabi ni Ate Katrina at ngumiti ng malapad.
Bigla akong namutla sa sinabi ni Ate Katrina. Magiging pamangkin? Imposible! Sobrang imposible.
"Eh, ikaw na lang Ate Katrina. Magagalit talaga si Hubby." sabi ko at mapait na ngumiti.
"Sige na Wifey, samahan mo lang si Ate." sabi ni Kyle. Tss, sulsulero din ito eh.
Napanguso ako ng di oras. Ehh! Ang daya naman.
"Okay, mag-aayos lang ako." sabi ko at pumunta sa kwarto namin ni Kyle. Bigla akong hinawakan ni Kyle sa braso.
"Mag-ingat kayo ni Ate lalo pa't engot ka pa naman." sabi ni Kyle at nagpipigil ng tawa.
Sinimangutan ko siya. Anong klaseng nilalang 'yung halimaw na 'yun? Una, kala mo may dalaw tapos ngayon happy kid.
Ano bang klaseng mga utak ang mga Adamson pati ako mahahawa na. Ayoko pang mapunta sa mental. T__________________T
Pagkatapos ko mag-ayos, bumaba na ako at pumunta sa sala kung saan nandoon si Ate Katrina na naghihintay sa'kin.
"Let's go." sabi ni Ate Katrina at ngumiti. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang nakasimangot na si Kyle Xavier Adamson.
"Ingatan mo 'yan Ate baka saan mo pa madala 'yan." sabi ni Kyle na blangko ang expression. Halimaw talaga.
"Don't worry Baby, 'di ko naman ilalayo ang asawa mo eh." sabi ni Ate Katrina at humagikgik. Napailing na lang ako, nakita kong napasimangot si Kyle sa inasal ni Ate Katrina.
Sumakay na kami sa BMW, kotse ni Kuya Kent. Si Ate Katrina ang nagda-drive bali nasa front seat ako.
"Cath, pagdating natin doon kain muna tayo. Gutom na ako." sabi ni Ate Katrina at ngumiti.
Tumango ako. Ako rin eh gutom na, paano kakain na ako sumulpot ang pa ang dalawa. Sayang, busog na sana ako. Kaiyak grabe T___________T
Nag-park si Ate Katrina. Bumaba na kami ng kotse at agad naman kaming pumunta sa resto malapit sa mall.
"Teka Ate Katrina, ba't nandito tayo sa Japanese Restaurant?" tanong ko. Napalunok ako bigla.
"Heto lang kasi ang malapit sa mall, 'di naman tayo pwedeng maghanap ng iba pang restaurant because we're hungry." sabi ni Ate Katrina. Tumango na lang ako at sinundan si Ate Katrina na papasok ng Japanese Restaurant.
"Cath, hmm. Ano bang gusto mong kainin?" tanong ni Ate Katrina sa'kin 'nung nakaupo na kami.
"Kahit ano na lang, wala kasi akong masyadong alam sa japanese foods eh." sabi ko at nginitian si Ate Katrina.
Kinuha ko ang cellphone na binili ni Kyle sa'kin 'nung isang araw. iPhone6. Na-badtrip sa CHEAP ko daw na cellphone. ANG ARTE NG HALIMAW NA 'YON!
BINABASA MO ANG
The Pretended Bride (Completed)
UmorismoLove Story of Kyle Adamson and Catherine Hyo. Catherine accept being pretended wife and bride of the famous cold-hearted monster Kyle Adamson. Once they got married, she will lived on the mansion of the Adamsons with Kyle Adamson and act like a tru...