--
Hi B3h ~ Namiss mo si Kyle noh? Haha ^______^ <3
--
Lea Cheska on the right --->
--
Catherine'sPOV.
Nakabalik na kami ng Pilipinas. Dalawang buwan na rin. Ayun nga lang, nagpaiwan si Luke.
At isa pa, last semester ko na ito sa BSBA kong course. 4th year na ako, graduating na ako.
Na-enjoy naman namin ang vacation sa Italy. Pumunta kami ng Venice, pumunta kami ng Pisa at marami pang ibang lugar. Sobrang saya! 'Yung nga lang, pagdating namin ng Pisa, Italy nagpaiwan na si Luke 'nung aalis na kami. Anong meron?
Napalumbaba ako bigla, ano kaya meron ngayon? Feel ko kasi may okasyon. Hindi pa pala ako tapos sa assignment ko. T___________T bakit ba kasi ako kumuha ng BSBA T________________T Di ko naman keribellss.
"Wifey, ano meron?" Tiningnan ko si Kyle. Kanina pa pala ako dito nakatulala sa harap ng laptop ko.
"Ah, wala." sabi ko at ngumiti.
Parang kinakabahan ako o ewan ba. Nandito kasi ako sa kwarto ni Kyle at tsaka ipinarenovate ni Mom at Dad ang kwarto ni Kyle.
TOK ~ TOK ~
Lumapit si Kyle sa pintuan ng kwarto niya at binuksan.
"Dinner is ready, bakit 'di pa kayo bumababa ni Cath?" Ah, si Kuya Kent lang pala.
"Ah, gumagawa pa kasi ng assignment si Wifey pero susunod na kami pakisabi kay Mom." Nakita kong tumango si Kuya Kent at umalis kasama si Ate Katrina.
Sinarado ni Kyle ang pintuan at humarap sa akin.
"Its dinner, they're waiting for us." Napataas ang kilay ko bigla. They? Ibig sabihin may iba pa maliban kay Lolo, Mom, Dad, Ate, at Kuya.
"Who?" sabi ko habang naka-focus pa rin sa laptop.
"It's a secret Wifey kaya ikaw, magmadali ka na at bumaba." sabi ni Kyle at lumabas ng kwarto. Aba? Nagha-halimaw mode na naman siya. -_____-
Nag-ayos ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at nagtungo sa dining area at naabutan ko sila nandoon mukhang ako na ang hinihintay.
Umupo ako, tiningnan ko sila, may inaasahan ba silang bisita? Siniko si Kyle.
"Sino na lang ba kulang?" bulong ko. Nakasimangot kase.
"Basta. Manahimik ka na nga lang dyan."
"Pssh, ang sungit." Sumimangot na ako dahil sa bwisit na kahalimawan nitong katabi ko.
Sinerve ng mga maid ang food, ang dami. Sosyal yata ito. Hay nako, napalumbaba na lang ako. -3-
"There's something wrong Sweetie?" tanong ni Mom Karla.
"Wala po." sabi ko at nginitian si Mom Karla.
"Sir, Ma'am, nandito na sina Ma'am Evryn." sabi ng mayordoma. Kasunod nito ang mga di inaasahang bisita.
"Oy Kyle, seriously, heto ba 'yung bisita."
"Oo, manahimik ka na lang dyan!" =________________= Lumalabas na naman ang HALIMAW NIYANG UGALI.
Sumimangot na lang ako, bwisit na Kyle na ito! Ang sarap sipain! Kung nandito lang 'yung apat baka asarin pa nila ako lalo na si Kian-boy.
Umupo ang mga bisita sa harap namin. Teka? Hindi ko sila nakita sa Engagement Party at Wedding.
BINABASA MO ANG
The Pretended Bride (Completed)
HumorLove Story of Kyle Adamson and Catherine Hyo. Catherine accept being pretended wife and bride of the famous cold-hearted monster Kyle Adamson. Once they got married, she will lived on the mansion of the Adamsons with Kyle Adamson and act like a tru...