VANESSA'S POV
**************Nagising ako sa narinig kong ingay ng mga pamangkin ko sa labas at nung tingnan ko yung wall clock sa kwarto ko alauna palng ng hapon, malamang may mga kalaro na naman itong inimbetahan sa bahay kaya ang iingay.
Halos apat na oras palang ang tinulog ko kaya pinikit ko ulit ung mga mata ko, 7am na ako nkarating ng bahay kaninang umaga galing sa trabaho kaya inaantok pa talaga ako at gusto ko pang matulog.
Tunog ng phone ang nagpadilat muli sa akin kaya bumangon ako at tiningnan yun.
2missed calls galing kay Adam,
may mga text rin kaya binasa ko at napangiti ako, nag susorry kase ito.
Mula kahapon ng umaga pagkaalis nila hindi pa ito tumatawag at isang text lng ang na recieve ko galing dito ng sabihin nyang nakarating na sila ng Cebu ni kuya Zed.
his busy...
ilang text pa nya ang binasa ko,
babe please pick up my call.
babe, are you mad?
babe sorry talaga.
kamusta jan? I miss you.
have you eaten?
Ang lapad ng ngiti ko habang binabasa ang mga text nya, ang sweet talaga ng boyfriend ko. Hindi naman ako galit sadyang mahimbing lang ang tulog ko kaya pati ang ingay ng mga pamangkin ko kanina binalewala ko lang.
alas sais na ng gabi at dahil off ko naman maglalabing labing muna kami ng bed ko, nakahiga pa rin ako nung dinadial ko yung number ni Adam, tatlong ring bago may sumagot...
" hello babe" masiglang bati nito sa
akin sa kabilang linya.
"hi, i'm sorry hindi ko nasagot ang tawag mo dahil napahimbing yata ang tulog ko;"
paliwanag ko."no its okey, naisip ko din nman yun, oo nga pala off mo ngayon, so how are you?"
ani ni Adam."ahh will i'm fine, pero as usual medyo napagod lang kaya pinili kong matulog maghapon;" sagot ko.
My work is so tiring na pati oras ko at mga dates namin ni Adam ay affected, pero siguro dahil pareho na kaming mature mag isip kaya napanatili namin ang relationship namin. Mas matanda sa akin ng limang taon si Adam halos magkaedad lang sila ni kuya Zed.
Nang una akala ko hindi kami magtatagal kagaya nung iba kong naging boyfriend, oo pangatlong boyfriend ko na si Adam and I am more mature and sincere sa relationship na merun kami to the point na sabay na naming pinaplano ang future namin.
Nagkwento pa si Adam na kung anu ano about sa Cebu at sa trabaho nila dun hanggang ng magpaalam sya na merun pa silang pupuntahan.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto dahil nakaramdam na ako ng gutom, kaninang umaga lang kase yung kain ko pagkadating galing trabaho.
Nasa sala si Ate Vivian at ang mga bata nanunuod ng TV.
"Tita..." anang four years old kong pamangkin na si Zack.
"wala kang pasok tita?" tanong naman ni Venus, six years old na ito at nasa grade one na kung kaya nagresign nalang si ate Vivian sa company na pinagtatrabahuhan nya at ang pag aalaga nalang ng mga ito ang kanyang inuna., makukulit na kase lalo na si Zack na nasa PreSchool na rin.
"opo, walang pasok si tita so behave kayo dahil kailangan ko matulog ng madami;"
nakangiti kong sagot kay Venus.Palagi kase sinsabi ng mama at papa nila yun na kapag nasa bahay ako bawas bawasan nila ang pag iingay dahil kailangan ko matulog ng madami.