chapter 15

1 0 0
                                    

ACE POV
********

"I'm sorry Ace hindi ako makakasama sa inyo busy kase sa resto kaya sa tingin ko ay kayo na lang muna, I'll go next time pero sa ngayon nariyan naman si Samantha na kasama mo" Nathan said in an apologetic tone ng kinausap nya ako.

Naiintindihan ko naman na umiiwas din ito dahil kasama rin namin si Adam.
I smiled and nodded to Nathan bago ko ito tinapik sa balikat, expected ko na rin kase na hindi talaga ito sasama sa amin.

Well nagplano kase kaming magkakaibigan dahil narito kaming lahat ngayon that instead of having a party reunion we will go trekking nalang to visit some beautiful places here in Legaspi.


Its been a week since that party incidents kila kuya Pascual, medyo naging busy ako dahil sa pagtulong at paghahanda ng family gatherings ng mga Vicente na naganap noong isang araw pa kaya hindi ko na nakita si Vanessa since last week. Mabuti na lang nagrereply ito kapag kinakamusta ko kaya hindi na ako nag alala at nalaman ko pa na sasama ito sa amin ngayon dahil sa aming group chat.

Nauna na ng bumalik ang ate Dan ng Manila dahil sa trabaho hindi na raw nya mahihintay ang Barangay fiesta rito sa amin na sa makalawa pa. She also plan na sumama sa paglilibot namin ngayon, pero tinawagan ito kahapon at kailangan na raw sya sa hospital so kaya ayun kawawa naman hindi na makakasama.

"Ano ba tara na Ace, kanina pa naghihintay yung driver sa atin" sigaw ni Sam sa labas, hindi ko na pinansin ang iba pang mga sinabi nito ng magpaalam ako kay Nathan.


She was staying here also kina auntie Lucile mula ng dumating sya galing Manila na sinundo pa namin ni Vince sa airport. Well wala na kase silang bahay rito at friendship rin naman ito ni ate Dannica, kaya nakishare nalang sya sa room nito until last night dahil na solo nya na yun pagkaalis ni ate Dan.

"Ano ba naman yan Ace parang ikaw pa yung babae rito sa bagal mong kumilos" bulyaw agad nito sa akin pagkalabas ko palang.

Naroon ang driver at nakaparada na sa labas ng gate ang kulay itim na van na hiniram ko pa kay kuya Nick para isahang sasakyan lang kami lahat, mas masaya kase kapag ganun para walang boredom.

"heyyy, parang ang tagal ko namang hindi nakasunod sayo, kinausap lang ako ni Nathan saglit" pagdadahilan ko rito, mainipin kase talaga itong si Samantha kaya nakakainis minsan.

"Kinausap rin naman ako ni Nathan kaso kanina pa ako dito" pakikipagtalo pa rin nito sa akin kahit ng makasakay na kami pareho sa sasakyan at umuusad na kami.

We also paid a driver para hindi masyado nakakapagod at para fair. May kalyuan pa man din ang destination namin kaya kawawa kung isa pa sa amin ang magmamaneho.

"tama na pwede? parang ilang oras naman akong hindi nakalabas agad tsaka its only 6AM isang oras pa bago ang napag usapan" napipikon kong sagot rito.

Uulitin ko na naman, Sam is my best friend but as what I've said ay nakakainis rin ito minsan, lalo na ngayon na nambubulahaw pa ito kay aga aga sa harapan ng bahay nina auntie.

Umandar na naman ang pagka immature nito sa kanyang inasta at nakakahiya yun sa mga neighbors na tulog pa sa ganitong oras. Natahimik naman ito matapos kong sagutin habang nakasimangot na nakatingin sa akin sa rear view mirror, nasa unahan kase ako katabi ng driver na si Mang Erwin na nakikinig lang sa amin habang nagmamaneho ito.

"Look hindi ako galit sayo, hindi lang kase tama na sisigaw ka dun sa labas ng bahay sa ganitong oras" para akong nagpapaliwanag sa batang nagmamaktol sa lagay ko rito.

"Mas okey naman kase yung mas maaga tayo dahil dadaanan pa naman natin sila isa isa eh" mahinang sabi nito pero tamang narinig ko pa rin kaya napailing nalang ako.

The One I Belong WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon