*****Saturday night hinihintay ko na si Adam dahil natapos na din ang isang buwan nilang trabaho sa Cebu. Actually hindi pa tapos ang project dahil malaki yun pero pinayagan na si Adam ng Company na mag leave, babalik din naman ng Cebu si kuya Zed pagkatapos ng ilang araw nitong vacation sa Manila.
Ilang oras din akong naghintay ng maya maya lang ay may kumatok sa pinto kaya nagmadali akong buksan yun.
"Babe, I'm here" nakangiting bungad ni Adam ng pagbuksan ko.
"Adam, I miss you so much" nakangiti ko syang niyakap ng mahigpit at ganun din siya sa akin mas mahigpit pa nga.
"Miss na miss din kita babe' kaya dito na ako dumiretso galing airport para makita kita agad"anito at hinalikan ako sa labi, smack lng yun pero napangiti ako sa ginawa nya at niluwangan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya.
"Ang kuya Zed nasaan?" tanong ko sa kanya ng nakaupo na sya sa sofa. Akala ko kase magkasama na silang darating ngayon dahil may ilang araw din naman na vacation ang kuya.
"Tumawag si Zed kanina kay Vivian hindi ba nya nasabi sayo na baka bukas o sa makalawa pa ito makakauwi dahil may aasikasuhin pa sya" kaya naman pala hindi nag aabang si ate Vivian kay kuya.
"Walang nabanggit si ate Vivian eh, busy din kase yun kanina at dito yung parents nya" nasa kusina ako at naghahanda ng makakain ni Adam nagluto naman kase ng madami si ate Vivian dahil bumisita nga dito kanina ang parents nya. Sinilip ko si Adam ng hindi na ito nagsalita.
"Adam?" nilapitan ko sya pagkatapos ko maihanda ang makakain nya at nakasandal na ito sa sofa na sa tingin ko ay nakaidlip kaya napangiti nalang ako at naiiling. Pagod talaga ito trabaho at sa biyahe kaya ilang minuto ko muna syang hinayaan na naka ganun.
"Adam, kain ka muna bago ka matulog" tinapik ko sya ng mahina sa balikat. Nagmulat naman ito ng mata at ngumiti sa akin pero halatang pagod ito.
"Sige gutom na rin talaga ako babe" anito at ngumuso sa akin. Sabay na kaming pumunta ng kusina.
"Ahh babe" si Adam ulit kumakain na ito at sinulyapan ko sya.
"Hmmm"
"Sabi mo sa akin kanina kain muna ako bago matulog, pwede bang tabi tayo at sa kwarto mo ako matulog?"
hirit nito sa pagitan ng pagnguya na ikinangiti ko, alam ko na ang tatakbuhan ng usapan namin.Minsan na nya akong nilalambing tungkol sa bagay na yan kaso Maria Clara ako and in my twenty-five years of existence never pa ako natulog na may katabing lalaki. Yun na din ang naging problema ko dun sa ex-boyfriend ko bago si Adam kaya kami naghiwalay dahil masyado raw akong maarte at pakipot.
Eh sa hindi pa ako ready at sa tingin ko hindi rin talaga nya ako mahal dahil ayaw nya akong hintayin. Mabuti na nga lang itong si Adam nagawa nya akong intindihin sa loob ng dalawang taon naming relasyon.
"Hindi pwede" narinig kong sabad ni ate Vivian na nasa kusina na pala ng hindi ko namalayan, kumuha ito ng tubig sa
water despenser at uminom "sa kwarto ka namin ni Zed matulog dahil dun naman ako natutulog sa kwarto ng mga bata, walang tao doon" napakunot ng nuo si Adam sa narinig."Hindi magustuhan ni Zed yun, hindi pa kayo kasal" dugtong ulit ni ate Vivian.
"Eh, Vivian tabi lang naman ang sinabi ko ah" katwiran ni Adam, natatawa ako dahil alam kong naiinis ito.
"Kahit na Adam narito ako sa bahay, baka sabihin ni Zed kinonsente ko kayo" napakamot nalang ng ulo si Adam kay ate Vivian.
Hindi talaga sya mananalo dito
haha' dati kaya itong columnista sa pinagtatrabahohang Journalist magazine noon. Kahit nga si kuya Zed hindi nananalo dito eh."Narinig mo yun?" natatawa kong sabi kay Adam na mas kinalukot ng kanyang mukha, sinamaan pa ako ng tingin.
"Alam ko naman na dapat di ko na sinasabi ito dahil hindi naman na kayo bata kaso baka malaman ni Zed. Eh, over protective yun pagdating kay Van at mag away pa kami dahil wala man lang akong ginawa." paliwanag ulit ni ate Vivian at tahimik lang kami ni Adam, we both know kuya Zed and ate Vian is right.
"will bukas na kayo alis papuntang Bicol, dun walang magbabawal o makialam kahit ano pang gawin nyong dalawa kapag magkatabi na kayo" natatawang biro ni ate Vivian ng naglakad na ito palabas ng kusina.
Palagay ko namula talaga ako sa biro nyang yun at ng sulyapan ko si Adam ganun nalang din ang ngisi nito, kainis.
Sunday 9am ang flight namin ni Adam papuntang Naga kaya maaga itong umuwi ng condo nya para ayusin ang mga dapat nyang dalhin. Ako naman din kase ang namili ng mga pasalubong para sa family nya dahil ako yung may time.
Friday pa kase nagsimula ang three weeks leaved ko sa trabaho kaya nakapagpahinga din ako.
Okey, kinakabahan ako because this is all my first time. First time ko magbabakasyon na di kasama sila kuya Zed, first time ko itong sasama sa boyfriend ko sa probinsya nila to meet his family, first time ko makakapunta ng probinsya na malayo layo, hehehe hanggang Laguna, Tagaytay, at Batangas lang narating ko dahil nga taong bahay lang ako di ko feel magtravel.
First time kong makapunta ng Bicol so kinakabahan ako at excited at the same time. Marami raw kase magandang pasyalan doon kaya sana mag enjoy naman ako dahil minsan lang ito mangyari eh. There are beautiful beaches in Bicol according to my research na sakto talaga dahil summer na, the Mount Mayon in Albay at malapit lang ito kila Adam dahil sa Legazpi lang sila he promised me to go there.
Nasa airport na kami ni Adam at exactly 8am, he always cheer me up at palagi nyang sinasabi na relax lang ako at huwag kakabahan.
Well kahit ano pang sabihin nya kinakabahan talaga ako at di na mawawala yun dahil ito naghihintay na kami na makapag check in tapos ilang minuto lang nito nasa Bicol na kami.
Gosh ano kaya magiging reaksyon ng family nya? Tatanggapin kaya nila ako, will they treat me well? Magugustuhan kaya nila ako katulad ni Adam? Paano kung hindi? Ano ang gagawin ko? Naku napapraning na ako sa mga iniisip ko ng akbayan ako ni Adam dahil kami na daw ang susunod sa counter.
●●●~thanks sa mga nagbabasa nito and I'll be glad if you guys drop your comments here...
♡SongJain♡