VANESSA'S POV
***************Cha told me their story after what happened. Sya ang lumapit at pumagitna sa dalawa kanina habang umiiyak at nakikiusap kaya nag walk out si Adam. Pinaalis rin nito si Nathan so I did not leave to comfort her, niyaya ko sya sa loob ng bahay nila kuya Pascual at pumasok kami sa isang silid bago ko sya kinausap para walang ibang makarinig.
Alam kong mali ang relasyon nila ni Nathan but somehow gusto ko syang intindihin kaya niyakap ko ito at hinayaan lang muna na umiyak.
"I'm sorry Van, kailangan mo pang malaman ang gusot na ito na merun ako" maya maya ay hingi nito ng paumanhin ng medyo maayos na, pilit itong ngumingiti kahit pugto ang mga mata sa kakaiyak.
"Ano ka ba naman Cha, wala kang dapat ihingi sa akin ng sorry dahil ako nga itong walang kaalam alam at nagawa para sayo gayong tayo lang halos ang palaging nagkakausap mula ng dumating ako rito" pag aalo ko sa kanya, well its true mas madalas ko pa nga itong nakakausap kesa kay Adam.
"kaya nga ako nag-so-sorry Van, I didn't tell
you about this dahil ayoko na dapat na malaman mo ang tungkol dito, nahihiya ako sayo" nakayukong sabi nito."Cha, lahat tayo nagkakamali and its a part of life dahil tao lang tayo pero sa totoo lang wala namang mali magmahal eh, huwag kang mag alala Cha' hindi rin kita huhusgahan sa taong pinili mong mahalin at wala kang dapat ikahiya sa akin" and I heard her weeping again at yumakap ulit ito sa akin.
I'm not good of comforting others but
I'm trying my best to comfort her with my words while tapping her back, it is also my way of saying that everything will be okay at malalagpasan nya rin kung ano man ang mga pinagdadaanan nya ngayon.Yung totoo kase nyan nasanay ako na ako yung kinu-comfort nila ate Vivian at kuya Zed kapag may pinagdadaanan ako, sila rin lang kase ang matatawag kong mga kaibigan talaga.
Mga isa't kalahating oras rin kami ni Cha sa silid ng marinig kong may kumatok at ng pagbuksan ko yun ay nakita ko si Nathan sa labas ng silid na nakatayo. He look so frustrated and corcerned so nagpaalam ako kay Cha na lumabas muna para makapag usap sila.
"Van thank you, pwede mo na kaming iwan dito" Cha said.
"salamat Van, don't worry ako na ang bahala sa kanya bumalik ka na lang doon sa labas baka hinahanap ka na rin nila at ni Adam" sabi rin ni Nathan and I saw Cha nodded to me kaya nagdecide akong lumabas at bumalik nalang sa party.
"Are they alright?" nagulat ako ng paglabas ko pa lang ng sala ay naroon pala si Ace. Mukhang kanina pa ito roon at alam rin nito ang tungkol sa nangyari sa dalawa dahil sa nakikita kong pag aalala sa mukha nito.
"Hindi ko alam, sa tingin mo kaya magiging okey rin sila?" tanong ko rin dito and I heard him sigh heavily.
"I don't think they will be fine after what happened tonight but I hope they will" Ace said at pilit itong ngumiti sa akin.
"Si Adam ba nakita mo?" nag aalala kong tanong, hindi ko ito nasundan kanina noong mag walk out ito dahil hindi ko naman maiwan si Cha.
Ngayon ko pa lang lahat naiintindihan na ito pala yung puno't dulo ng mga sagutan nilang dalawang magkapatid kaya nag aalala rin ako dito.
"ayun umiinom, tara bumalik na tayo dun sa labas kanina pa kayo ni Cha hinahanap dun" yaya nito sa akin at tumango naman ako na sumunod dito.
"saan ba kayo galing?" pasigaw na tanong ni Vince pagkabalik namin sa table dahil malakas ang disco music. Si Vince nalang ang nasa table na nadatnan namin.
"sinamahan ko lang si Cha saglit" sagot ko rin dito sa malakas na tono para marinig nya.
"Where are the others? Bakit mag isa ka lang dito? pasigaw rin na tanong ni Ace kay Vince at pareho naming sinundan ng tingin ni Ace ng may itinuro ito sa dance floor.
![](https://img.wattpad.com/cover/88452063-288-k521796.jpg)