chapter 9

0 0 0
                                    


*****

Mabait naman ang pamilya ni Adam naroon din kase ang ate Caroline nito pagdating namin pati ang asawa at dalawa nitong anak na babae at lalaki. Naroon din ang asawa ni kuya Pascual na si ate Lalaine at ang apat nitong mga anak, tatlong lalaki at babae naman ang panganay nito.

Naroon ang buong mag anak at madaming pagkain sa hapag kainan mukhang pinaghandaan ng mga ito ang pag uwi ni Adam dahil minsan lang kase itong mag vacation ng Bicol.

"Naku mamang at papang naamoy ko na ang nalalapit na kasalan nitong si Rone at Vanessa" biro ni ate Caroline noong kumakain na kami. Rone talaga ang tawag nila sa nobyo ko, ako lang yata ang tumatawag ditong Adam.

"Kailan nyo balak magpakasal hijo?" seryosong tanong ng papang nila kay Adam.

"Hindi pa naman namin napag usapan yan ni Vanessa pang' sa ngayon gusto ko kase muna syang ipakilala sa inyo." sagot nito na tumingin sa akin at ngumiti lang ako. So wala pa nga syang balak na ayain ako ng kasal. Although we talked about sa mga plano namin pareho sa future ay wala pa naman talagang sinasabi si Adam na gusto na nyang mag asawa o na gusto na nya akong pakasalan.

"Bakit wala pa ba kayong balak na magpakasal?" ang mamang ni Adam ang nagsalita.

"mamang hindi naman sa ganun, pero sa totoo nyan balak ko ng yayain si Van na magkasal kapag nakilala nyo na sya" ani Adam na ikinagulat ko.

Kasal? yayain na nya ako? Parang kanina lang nadismaya ako dahil parang wala itong balak na yayain ako na magpakasal tapos ngayon ay ito na. Wait... ready na nga ba talaga kami dun? Talaga bang balak na rin niyang mag asawa o nasabi lang ito ni Adam dahil baka kulitin sya ng family nya.

"hija ano sa tingin mo? Papayag ka namang pakasal dito sa aming anak?" tanong ulit ng kanilang papang, napansin siguro nito na ikinagulat ko yung sinabi ni Adam.

"At bakit naman sya hindi papayag? Our son is a capable man and has a career. A stable job is the most important to start a family, what more else to asked diba hija? litanya ng mamang ni Adam na bumaling sa akin.

Hindi na dapat ako magugulat kase ganito na daw talaga ito magsalita, retired
teacher ito. Alam ko rin na may gusto itong itumbok ng sabihin nito yun, kung sa estado kase talaga sa buhay alam kong di hamak naman na nakakaangat ang mga ito sa simpleng buhay na merun ako hindi naman ako ganun ka tanga para hindi ma-point on yun.

"mamang naman" si Adam ang nagsalita, siguro hindi rin nito nagustuhan ang narinig mula sa ina.

"What?" taas kilay ng mamang nya.

"Ahh well, tama naman po kase si tita. Adam is a great man, wala na po akong mahahanap na katulad nya" nasabi ko rin, at nakita ko na nagkakatinginan ang mga kapatid ni Adam.

Saglit na katahimikan.

"Ahh so kung ganun, wala naman palang problema" natatawang wika ni ate Caroline trying to ease the tension na nasimula ng mamuo sa hapag kainan ng tumikhim naman si kuya Pascual.

"So kung ganun Vanessa papayag ka ng magpakasal rito kay Rone?" tanong nito.

"doon din naman po kami ni Adam pupunta kuya so pag uusapan nalang po muna namin ang tungkol jan." nakangiti kong tugon.

The One I Belong WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon