*****I mingled with everyone habang nasa party, around 10am ng magsimula ang kids party at narito kami ngayon kila kuya Pascual.
Namili akong mga pasalubong, kaya kahit hindi ko alam na birthday ng pamangkin ni Adam na si Rajie ay may naibigay akong regalo rito at nagustuhan naman nito yun. Nakangiti akong nanunuod sa mga batang naglalaro at sumasali sa mga palaro ayokong mahalata nila na hindi ako okey.
Hindi natulog si Adam sa kwarto kagabi at hindi pa din kami nag uusap.
Marami akong gustong itanong dito but I don't think this is the right time for me to asks those questions. He distance himself mula pa kaninang umaga kahit naman magkasama kami papunta rito sa party ay wala kaming imikan.
Mabuti nalang at nandyan si Cha, pasimple akong tumutulong rito sa pag aasikaso ng mga bisitang karamihan ay mga magulang ng mga batang bisita ni Radjie.
May iba namang nagtatanong sa akin kaya syempre pinapakilala ako ni Cha sa mga ito as Adam's girlfriend. Naroon ang buong pamilya Sebastian at may kanya kanya itong ini-entertain na mga bisita.
"Nag away ba kayo ni kuya?" tanong ni Cha habang kumakain kami ng lunch, ito kase ang kasama ko at hindi si Adam, hindi ko na rin ito mahagilap kanina pa.
"Ahh wala may kunting di pagkakaintindihan lang" tipid kong
sagot rito, alam kong nakakahalata na ito kanina pa."Ano ba si kuya kapag nag aaway kayo?"
she suddenly asked, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito."hindi naman kami nag aaway, may mga hindi lang minsan pagkakaintindihan" I said, hindi ko kase matandaan na nag away kami ni Adam in our two years relationship kaya nagulat talaga ako sa inasta nito kagabi.
"mabuti naman kung ganun" nakita kong malungkot na ngumiti si Cha ng sabihin nito yun.
"Bakit mo naman natanong?" hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong din, I saw something in her eyes.
Alam naman kase siguro nito na hindi talaga naiiwasan sa isang relasyon ang hindi pagkakaunawaan minsan. Nakita kong umiling lang si Cha at hindi na ito nagsalita hanggang matapos kaming kumain.
"May kailangan akong puntahan sa restaurant, gusto mong sumama?" Cha
asked around three o'clock, kaunti nalang ang mga bisitang naroon."talaga? pwede tayong umalis?" tanong ko dito, baka kase anong sabihin nila kuya Pascual at ate Lalaine.
"pauwi na rin yang mga bisitang natitira maya maya, they won't mind kung aalis tayo" nakangiting sabi nito at hinila ako palapit sa mag asawa, nagpaalam si Cha sa mga ito.
"Isasama mo si Van?" tanong ni ate Lalaine.
"wala syang makakausap dito kapag iniwan ko sya" Cha said turo kina ate Caroline kasama ang mamang at papang nila na busy din sa pakikipagkwentuhan sa ibang natitirang bisita.
Ako naman hinanap ko si Adam sa paligid dahil kanina ko pa ito hindi nakikita before we eat lunch ni Cha.
"Saan ba kase nagpunta yung si Adam hon?" tanong ni ate Lalaine kay kuya Pascual.