chapter 2

73 1 0
                                    

ACE POV
********

Kakaboard pa lang ng plane na sinakyan ko from San Fransico pero ayun at naghihintay na ako ng masasakyan papuntang hotel na tutuluyan, nagmamadali na nga talaga so sumakay na agad ako sa unang taxi na nkita ko.


From San Fransisco to NAIA that was a very long departure para sa akin gustong gusto ko ng magpahinga, I'm so tired.


"Discovery Suites please," sabi ko sa driver na ang tinukoy ko ay ang hotel na aking tutuluyan, nakita kong tumango ang driver kaya pumikit na ako para makaidlip.


Its been a year since huli akong umuwi ng Pilipinas, oo taon taon nga pla akong umuuwi ng Pinas kahit isa na akong american citizens at dahil yun sa Mamo ko, yun ang tawag ko sa lola kong nagpalaki sa akin, death anniversary kase nito sa susunod na linggo.


Matagal na rin pala mula ng tumira ako ng San Fracisco kasama ang family ko but then for me Philippines is always be my home, at hindi pa din nawawala sa akin ang mga ugali at magagandang asal na natutunan ko as a Filipino at sa Mamo ko. I'm still fluent na mag tagalog dahil ito pa din ang ginagamit naming wika sa bahay kapag nag uusap usap kami nila mommy maliban nalang kung si dad ang kausap namin.

Pitong taon na mula ng mamatay si Mamo dahil sa sakit sa puso o dahil sa katandaan na rin siguro at tuwing sumasapit ang death anniversay niya ay umuuwi ako ng Pilipinas para dalawin sya pati na rin ang mga kamag anak namin. Ilang minuto lng akong nakapikit ng magsalita ang driver na syang nagpamulat sa akin.


"Torista po ba kayu sir?"
anang driver.


Natanong siguro nito yun dahil sa hitsura ko, gwapo at matangkad ako alam ko yun kaya lang halata talaga sa physical kong anyo na merun akong dugong banyaga.


I had a dark blue eyes at merun akong napakatangos na ilong at maputi rin ang aking balat, papasa na nga raw akong modelo dahil maihahalintulad naman ako sa mga lalaking modelo na makikita mo minsan sa mga magazines. Mala modelo nga ang aking kagwapuhan and its all thanks to my dad dahil sa kanya ko namana ang mga yun.

"hindi po manong Filipino po ako, dito po ako lumaki sa Pilipinas, Canadian nga lng po yung dad ko" ewan ko ba at napakwento tuloy ako, well napangiti
at napapailing nalang ako.


Canadian national ang dad ko pero sa San Fransisco na ito nakatira dahil nanduon ang bussiness niya at dun din niya nakilala si mommy.

"Ah... kaya po pala" tatangu tangong tugon naman ng mamang driver.


Hindi na ako muling nagsalita pero may napansin ako sa may paanan ko, sa may passenger seat kase ako nakaupo.

Isang wallet ang aking nakita kaya dinampot ko yun at binuklat.
Wala namang lamang malaking pera ito maliban sa two hundred twenty pesos tapos one at five US dollars na nandun na sa tingin ko ay taong wallet lang, dumako ang tingin ko sa mga ID's na nandun, malamang yun ang may ari. Sumilay ang mga ngiti sa labi ko, maganda yung babae, ang may ari ng wallet kaya may naisip ako total parang hindi naman ito napansin ng mamang driver.

"sir nandito na po tayo"
sabi ng driver, saka ko pa napansin na huminto na pala kami, nasa harap na pala kami ng hotel na tutuluyan ko kaya inilagay ko sa sukbit kong bag ang wallet.


Ako na ang magsasauli nito sa may ari.,


Bumaba na ako matapos magbayad, one thousand ang inabot ko sa driver at hindi na nagpasukli samantalang hindi naman umabot ng four hundred ang nasa metro and I said to keep it. Nagulat pa yung mamang driver at ayaw sana tanggapin pero pinilit ko sya, natutuwa naman ako dahil mabait ito at hindi mapagsamantala tulad ng ibang taxi driver na
nababalitaan ko.

Wala lang naman kase sa akin yung pera, ang dad ko kilalang bussiness man sa US at isa ako sa mag ti'take over nun one day. And the truth is I'm working as a managing director at my dad's company the JBC, while my brother is a company director., tatlo kase kaming magkapatid, merung mas matanda sa akin, half brother ko si Sam Jones, at of course ang only Princess naming si Faith Jones.


Sam is thirty-one years old and I'm
twenty-eight, tatlong taon lang ang tanda nito sa akin pero hindi kami masyadong magkasundo, dahil na rin siguro sa magkaiba ang nature na kinalakhan namin. Mas nakasama at naalagaan si Sam ng mommy ko, ito na rin kase ang tumayung mother ni Sam mula pagkabata dahil namatay yung biological mother nya ng ipinanganak sya. Hindi man kami magkasundo ni Sam pero pareho naming mahal na mahal ang bunso naming si Faith na twety-one years pa lang at kasalukuyang nasa third year college sa kinuha nyang course na Arts and Designing.

Ako naman lumaki sa lola ko na tinawag kong Mamo, ina sya ni mommy na sa Bicol nakatira at doon din ako lumaki. Ito naman ang tumayung nanay ko ng iwan ako ni mommy rito five years old palang ako.

Nagkaproblema kase sina mommy at daddy sa mga panahong yun at muntikan ng mag divorse and thanks sa pagdating ni Faith. Dahil dun nagkabalikan ang mga parents ko and by that time ayaw na akong ibigay ni Mamo at nakiusap sya sa parents ko na sya nalang ang magpalaki sa akin dahil wala na rin syang kasama. Nasa fourth year college ako ng mamatay ito dahil sa karamdaman kaya sumama na ako kay mom papuntang San Fransisco at dun na tumira kasama sila ni dad at ang aking mga kapatid.

Pagkapasok ko palang sa kwartong tutuluyan ko sa hotel na yun ay agad kong binagsak ang aking katawan sa malambot na kama, plano kong mag stay muna ng ilang araw sa Maynila bago bumyahe papuntang Bicol.

Excited naman ako na umuwi ng Pilipinas dahil gusto ko rin naman kase na dalawin ang mga kamag anak namin na narito, mga kaibigan at lalo na yung mga pinsan kong kasabayang lumaki na karamihan ay may mga asawa na.

Naalala ko tuloy ang aking pinasan na si ate Dannica di ko pa sya nasasabihan na nasa Pinas na ako. Well ang ayaw ko lang naman talaga kapag mahabang byahe ay yung nagkaka jetlug ako, yung masakit sa katawan, yung pagod; thats what I hate the most kaya ito bagsak gusto ko muna matulog.


●●●

~Jones ang naisip kong last name ng guy kase hindi naman sya Filipino I mean yung father nya hehehe, honestly wala lang talaga din akong ibang maisip kaya hayaan nalang natin it is
an invention talaga without doing any research hehehe😄😄😄

SongJain

The One I Belong WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon