◾PBCA: Chapter 18◾

38 7 0
                                    

3rd's Person's POV

Kasalukuyan nang ngayon natutulog si Aira. Si Kyden naman? Ayun, pinagmamasdan si Aira habang natutulog. 

Tulog na ang lahat ng tao sa bahay dahil gabi na ngayon. Magkasama lang sa iisang kwarto si Aira at Kyden dahil nagpresinta si Kyden na sya na ang magaalaga kay Aira.

Matutulog na sana si Kyden pero hindi sya makatulog. Di nya alam kung bakit pero may kakaiba syang nararamdaman kaya naisipan nalang nya na bantayan si Aira na kasulukuyang mahimbing ang tulog.

Habang tinititigan nya ang dalaga ay may kakaiba syang naramdaman....

Malakas ang tibok ng puso nya habang tinitignan ang maamong muka ng dalaga.... Ang mahahaba nyang pilikmata.... Ang matangos nyang ilong..... At ang mapupula nyang labi na noon ay isa sa maraming dahilan kung bakit nya minahal ang babaeng tinititigan nya ngayon...

Dahilan upang bumalik ang mga alaala na meron sila noon...

Ung mga alaala noon na sobra nyang ikinasaya. Ung mga alaala na ibinigay sakanya ni Aira noon.. Na ngayon ay hinding hindi nya parin makakalimutan at kahit na lumipas ang ilang taon ay alam nyang tatatak padin iyon sa kanyang utak.. At puso..

"Hay" he sighed. "Namimiss ko na yung dating ikaw... Yung dating Aira na minahal ko...."

Hindi nya alam kung saan nya kinuha ang kanyang lakas ng loob upang haplusin ang pisngi ni Aira habang ito ay natutulog ng mahimbing...

"Sana bumalik ka na sa dati...." Bulong nito.

"K-kyden" nagsalita bigla si Aira habang nakapikit pa ang kanyang dalawang mata. Habang ito ay natutulog. Nananaginip nanaman sya.

"A-ang l-lamig" bulong ni Aira. Napatingin naman si Kyden sa aircon na ngayon pala ay naka maximum ang lamig. Agad nya itong hininaan.

Nang bumalik sya sa tabi ni Aira ay nakita nya itong nanginginig ang mga labi na para bang lamig na lamig.

"Uminom na naman sya ng gamot ah?" Bulong nya sa sarili nya.

"K-kyden. Ang l-lamig" sabi nya habang tulog at nanginginig.

Tumabi sakanya si Kyden sa higaan at niyakap ito.

Tila bang may dumaloy na bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ni Kyden ng yakapin nya ito.

Narinig nya ang biglaang paghikbi ni Aira habang yakap-yakap nya ito.

"Bakit ka naiyak?" Bulong ni Kyden.

"A-ayokong *sob* m-mamatay" sabi nya at agad na yumakap sakanya pabalik na syang ikinainit ng katawan ni Kyden lalo.

"Nananaginip ka lang. Sssh" sabi ni Kyden.

"Wag kang aalis sa tabi ko" sabi nya habang naiyak.

"Sssshhh, tahan na. Andito lang ako palagi sa tabi mo. Hindi ko hahayaang may mangyare sayong di maganda..."

After that, they let themselves to sleep in each other's arms...

Kyden's POV

Nagising nalang ako dahil naramdaman kong may nakatingin sakin kaya agad akong nagmulat ng mata at nakita ko si Kyra na nakatingin samin ni Aira. Shet! Hala! Magkayakap nga pala kami ni Aira!

Agad kong tinanggal ang pagkaka-yakap sakin ni Aira at nang tumingin ako sa kaninang pwesto ni Kyra ay nakita kong wala na sya doon. San kaya nagpunta yun?

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now