◾PBCA: Chapter 30◾

18 4 0
                                    

Kyden's POV

Sabado ngayon kaya wala kaming practice. Woo. Buti nalang. ^___^

Dahil wala naman akong gagawin buong araw ay nagayos ako ng bahay.

Naglaba, naglinis, nagwalis, nagpunas! Lahat! Basta malinis ko lang ung bahay na tinitirahan ko ngayon.

Nang matapos ko na ang paglilinis ng bahay ay nasatisfy naman ako sa ginawa ko. Tinignan ko ang orasan at nakita kong 12 na pala. Kakain na nga ako ng lunch.

Nang maghanap ako ng pagkain ay pucha! Di pa pala ako nagluluto! Shete!

Edi naisipan ko nalang na itlog na pula at kamatis ang iulam ko. Bakit, masarap naman yun eh. Simple lang naman ako. ^___^

Kung nagtataka kayo kung dati ay may sasakyan kami at mayaman ay oo, mayaman nga kami noon kaso nawala lahat ng yon ng matanggal si Papa sa trabaho sa isang kompanya. Mataas na ang posisyon nya dun kaya naman naghirap talaga kami at binenta ang mga bagay na meron kami at isa na don ang mga sasakyan ko.

Binenta namin ang bahay at lupa namin kaya naman nakaraos din kami kaagad. Yun nga lang, sa isang maliit pero magandang bahay naman ang nalipatan namin. Pero okay lang dahil nasanay na rin ako sa simpleng pamumuhay.

Nagkataon pang may sakit pala si mama at diabetes yun kaya naman lagi kaming nabili ng mga mahal na gamot. Pero nakaraos din naman kami sa lahat ng mga bagay na naranasan namin. ^___^

At ayun ang dahilan kung bakit simple nalang ang pamumuhay namin.

Na sya ring dahilan kung bakit ako nagpupursigi sa bawat galaw na ginagawa ko. Kaya sana ay manalo kami sa competition. Malaking tulong talaga iyon saamin.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan na ang pinagkainan ko. Pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng antok pero naligo muna ako.

Habang naliligo ako ay naalala ko bigla si Aira.

Naalala ko ung panahong, masaya kami sa piling ng isa't isa na sana ay maulit muli.

"Bakit ka ba naiyak?"

"Kase, away mo ako eh! Di na kita kabati! Tapos, crush mo pa ate ko. Hmmp! Bad ka! Away mo ako!"

"Sorry" bulong ko.

"Yagi nayang akong inaasar na di daw ako crush nung crush ko kase pangit daw ako. Eh ganda naman ako ah?"  (Yagi=lagi Nayang=nalang)

Naalala ko tuloy bigla nung panahong sinabi ko na crush ko si Yunice nun. Sobra ko syang nasaktan.

Kaya di na ako nagulat ng bigla syang umalis nang Zambales. Nalungkot ako pero anong magagawa ko? Umalis na sya. Huli na ang lahat.

Kaya nang bumalik sya sa Zambales ay sobra ang saya ko. Unang pagkikita palang namin ay nakaramdam na agad akong sya si Aira. Ung dati kong bestfriend..

Dahil yun sa bracelet na may nakaukit na 'Vier' at nahulog nya yun sa pool kung saan naman nakita ko agad yun.

Napansin ko rin ung birthmark nya sa bandang balikat nya na hugis diamond kaya naramdaman kong sya nga yun.

At nakumpirma ko nga yun ng makita ko ang picture namin sa bahay nila na kung saan nabasa ko rin ang notebook nya tungkol saming dalawa.

Namimiss ko nanaman si Aira. Ung dating Aira na nakilala ko..

Kailan kaya sya babalik sa dating sya?

*****

Nagising nalang ako at nakita kong madilim na sa paligid. Napatingin tuloy ako sa orasan at 6 na pala ng gabi. *yawn*

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now