◾PBCA: Chapter 62◾

28 3 0
                                    

Kyden's POV

"Kyden..." Napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. At nakita ko si Xander na may dala-dalang bag.

"Bakit? Nasaan si Aira? Hindi pa ba sya umaalis?" Sunod-sunod na tanong ko. "Nasa itaas ba sya? Pwes, lika na. Gusto ko na syang makita." Sabi ko at akma ng aakyat ng bigla kong hawakan sa braso ni Xander.

"Wala sya dito." Walang ganang sagot nya.

Napamura nalang ako. "Eh bakit mo pa ako pinapunta dito!? Aba gago ka pala eh!" Naiinis na sabi ko sakanya.

Naglakad nalang sya palayo kaya naman sinundan ko nalang sya. "Hoy! Saan ka pupunta?!" Sigaw ko pero di sya sumagot at nagpatuloy lang sya sa paglalakad.

"Just follow me. Tss." Sabi nya kaya naman agad ko syang sinundan at nang makita ko syang sumakay sa kotse nya ay sumakay na rin ako dun.

"Saan tayo pupunta? Tsaka, nasaan ba si Aira?" Tanong ko pero di na sya nagabalang sumagot at agad nalang nyang pinaharurot ang kotse.

....

....

3rd Person's POV

"B-bakit tayo andito?" Utal-utal na sabi ni Kyden nang makita nyang dinala sya ni Xander sa isang hospital. "A-anong gagawin n-natin dito?" Kabadong tanong ulit ni Kyden.

"Just follow me, okay!?" Sigaw ni Xander sakanya.

Naglakad na sila papasok ng ospital. Habang papalapit sila ng papalapit sa room na sinabi kanina sa ibaba ay mas lalong kinakabahan si Kyden.

"Ano b-bang meron?" Tanong ni Kyden. Nagsisimula na syang kabahan sa mga nangyayari.

Nang makarating na sila sa room na sinabi kanina ng nurse ay agad na hinawakan ni Xander ang doorknob nito sabay sabing, "Wag kang mabibigla sa maari mong makita." Pagkasabi ni Xander nun ay kinilabutan si Kyden.

Tumango nalang si Kyden sakanya. Unti-unti nang binubuksan ni Xander ang pintuan ng room na ito. At nang mabuksan na ito ng tuluyan ay nanlaki ang mata ni Kyden at agad syang napatakip ng bibig sa sobrang gulat nya nang tumambad sa paningin nya si Aira na walang malay habang maraming nakadikit sakanya na kung ano-ano at isa na doon ang oxygen.

"A-anong nangyari sakanya?!" Pabulong na sigaw ni Kyden kay Xander.

"Heart failure. Isang sakit na dati pa nya nilalabanan. Isang sakit na pilit syang pinapatay."

Pagkasabi ni Xander nun ay agad na bumagsak ang mga luha ni Kyden.

"Pano nangyari to!?" Umiiyak na sabi ni Kyden.

Dati pa man ay lagi ng nakakaranas ng kakaibang sakit si Aira sa dibdib nya. Nung una ay hindi na nya ito pinansin pero nang mapansin nyang mas lalo na itong lumalala ay nagpa-kunsulta ito sa doktor at sinabi nga nito na mahina ang puso ng dalaga. Bawal sya sa strong emotions. Bawal sya sa mga bagay na ginagawa ng mga normal na tao.

Pero pinipilit ni Aira noon pa man na mamuhay ng normal kahit na sabi ng doktor nya ay hindi maari dahil hindi sya pwedeng mapagod, o kahit mag-express nga lang ng emosyon na sobrang saya. Yun ay dahil aatakihin sya ng sakit sa puso.  Dahil sa mahina ang puso nya.

Nang pumunta sila ng States ay isa rin ang sakit nya sa mga dahilan kung bakit sila nandoon. Nagtry syang mag-chemo. Naagapan ito. Pero hindi ito tuluyang nawala at gumaling.

Kaya naman sa halos sampung taon na nasa States sya noon ay wala syang inaksayang panahon para magpagaling. Pero nang malaman nya kung ilang buwan at araw nalang ang maitatagal nya sa mundo, ay nawalan sya ng gana na inumin ang gamot nya at nawalan rin sya ng gana na magpagaling dahil ang katwiran nya ay, 'Ano pang sibi ng mga yan kung sa susunod na siyam na buwan ay mamamatay na rin ako?'

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now