◾[53] Boyfriend KO◾

34 5 3
                                    

Kyden's POV

Ilang araw na ang lumipas at ngayon ay araw na ng Wednesday. Dalawang araw nalang bago ang competition.

Nung mga nakaraang araw ay puro practice nalang ang ginawa namin. Halos di na nga makapagayos tong mga kaibigan ko dahil sa sobrang practice. Gusto talaga nilang ma-perfect ang sayaw na yun. Pero maayos na naman ang sayaw namin ngayon.

Si Aira? Ayun, sobra na ang kasweetan sakin. Ewan ko ba kung anong nakain nya kung bakit sya nagkakaganun. Hehe. Pero nageenjoy naman ako kapag ganun sya. ♥

"Hey kups!" Tawag sakin ng maganda kong girlfriend.

Lumingon ako. Papunta na kasi kami ng pinagpa-practisan namin. "Oh?"

Ipinulupot nya yung braso nya sa braso ko. Clingy!! "Lets go na boyfie! They are waiting for us na!" Sabi nya.

Sa ilang araw na lumipas ay mas lalo syang napapalapit ulit kina Danica. Napapangiti nalang ako dahil ang gandang pagmasdan na unti-unti ay bumabalik na ang mga bagay na dapat magbalik.

"Tss." Sabi ko nalang at hinalikan sya sa pisngi. "Wag na tayo magpractice, kuls." Sabi ko sakanya. Pinanlakihan naman nya ko ng mata.

"No way in hell! They must be waiting for us na already!" Inis nyang sabi.

"Edi bahala ka na." Sabi ko at akma ng lalabas ng apartment na to. Oo, hanggang ngayon ay dito parin sya nakatira. Para nga kaming live-in-partner eh. Hehe.

"Okay! Okay! Were not going to practice! But, how are they?" Tanong nya.

"Itetext ko nalang na asikasuhin nila ang sarili nila. Haha!" Sabi ko naman.

"Mean!" Bulong nya.

"Ikaw yun!"

"Nah. Im good girl!"

"Edi ikaw na! Lika naaaaa!" Sabi ko at hinila sya papunta sa labas. "Ay, may nakalimutan ako." Sabi ko at pumasok ng apartment.

"Kunin mo na rin ung dSLR ko! Hihihi." Utos sakin ni kuls. Tss.

So ayun nga kinuha ko lang ung nakalimutan ko pati ung dSLR nya.

"Lets go?" Tanong ko sakanya.

"Hmm, where are we going ba?" Tanong nya.

"You'll know later, kuls." Sabi ko.

"Okay kups." Sabi nya at pinag-interwined ko naman ang kamay namin. Nginitian ko sya. Ngumiti din sya.

"Mahal na mahal talaga kita, Aira...." Sabi ko sakanya.

Ngumiti sya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Mahal na mahal rin kita, kups..."

....
....
....

3rd Person's POV

Habang nasa byahe ang 'Kuls&Kups' couple ay alamin muna natin kung anong nangyayari kina Miguel.

A/N: ganda ko.

Konsensya: hoy author! Balik na sa story mo.

A/N: Katamad.

Konsensya: dalian mo na!

A/N: Namimiss ko na si bebe Minho eh. Hahahaha! Oo na, back to our topic na. (Sa totoo nyan ay ayoko lang talagang gawing kontrabida si Miguel dahil bias ko na si Shinee's Minho. Hehehe💍)

Mainit parin ang ulo ni Miguel dahil sa hindi parin nauwi si Aira sa condo unit nya.

"Damn! Where the hell is she?!" Sigaw nya habang kinakamot ang batok nya dahil sa frustration.

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now