◾PBCA: Chapter 61◾

22 4 0
                                    

Note: Pakiplay ng nasa multimedia box!

Vote kayo please! :)

Kyden's POV

Sinaktan nanaman nya ako...

Yan lang ang nasa isip ko buong linggo. Ilang araw na ang lumipas, natapos na ang competition, pero wala parin. Di ko parin sya matanggal sa isip at puso ko.

"Naalala mo yun? Ang saya talaga! Sumakay na tayo ng eroplano, for the very first time!" Masayang-masaya na sabi ni Cheska, at alam kong sinasabi nya lang to dahil gusto nyang mapasaya ako. Pero wala eh. Walang epekto. Masakit parin.

Linggo na ngayon, tatlong araw na simula nang makipaghiwalay sakin ang pinakamahahal kong babae. Sa nakalipas na ilang araw ay puro hinanakit at sakit lang ang nararamdaman ko. Umiyak lang ako ng umiyak.

Pagkatapos, nagpakalunod sa alak.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Sabi ni Thea kaya napabalik ako sa huwisyo. Tumango nalang ako sakanya at tumayo. Nasa apartment kasi sila namin, nakikigulo lang.

"Okay lang kahit di tayo nanalo diba? Experience parin yun!" Sabi ni Cheska. Halatang-halata sakanya na gusto nyang mawala ang kalungkutan ko.

Tumayo nalang ako at pumunta sa cr. Naligo ako, nagayos ng sarili at ngayon ay handa na akong lumabas.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Franco.

"Jan lang." Sagot ko naman at tuluyan ng lumabas. Samantalang sila ay pinanood lang akong lumabas.

Pupunta lang ako ng bar, ilulunod ang sarili sa alak, para makalimot.

Pero hindi ko parin sya makalimutan...

Habang nasa byahe ako ay nakatitig lang ako sa phone ko. Hanggang ngayon, umaasa parin ako na magtext sya. Kahit na alam ko namang, hindi na sya magaaksaya ng oras para kausapin ang 'ex' nya.

Naisip ko, bakit kailangan nyang makipaghiwalay? Pwede namang long distance relationship kami. Kaya kong magkaron na isang relationship na ganun.

Yun ay dahil mahal ko sya...

Pero wala eh, nakipaghiwalay na sya. Tapos na ang lahat. Wala nang namamagitan samin. Tapos na kami.

Akala ko, sa pagkakataong iyon ay wala nang makakapaghiwalay samin. Akala ko, hindi na matatapos ang relasyon na iyon. Akala ko hahantong kami sa altar ng magkasama. Akala ko, magkakaroon kami ng sarili naming pamilya balang-araw.

Pero akala ko lang pala lahat ng yun.

Lagi nalang ba akong masasaktan? Lagi nalang ba akong mamatay sa sobrang sakit? Lagi nalang ba akong maiiwan? Lagi nalang ba ako ang nagsasakripisyo?

Tatlong araw, tatlong araw simula nang sya ay mawala, tatlong araw simula nang ako'y mabaliw sa sobrang sakit.

Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Nagmahal lang ako. Nagmahal lang. Kailangan bang ganito kasakit?

"Hi kuya pogi, wanna dance with me?" Maarting sabi ng babae na nasa harapan ko ngayon. Oo, nakarating na ako ng bar at nakailang inom na rin ako ng ilang basong alak.

"Sorry miss." Sabi ko at iniwasan ang babaeng yun.

"Sige na kuya! Pleash?"

Nginitian ko nalang sya at naglakad na ako palayo. Napatingin ako sa stage ng bar na to. Dito ako nagsa-sideline noon. Pero dahil may nag-offer sakin ng mas big opportunity ay umalis na ako dito.

Tinitigan ko lang ang buong bar at bigla kong naalala ang mga alaala na meron kami ni Aira.

"Sabi ko kasi sayo magiingat ka eh. Yan tuloy!" Sabi ko sakanya.

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now