◾PBCA: Chapter 33◾

16 6 0
                                    

Kyden's POV

Dalawang linggo na ang lumipas nang mangyari yung nasa EK kami. Ngayon ay balik na ulit sa dati si Aira na para bang walang nangyari nung nakaraan dun sa EK. Isang linggong puro practice kaya naman, perfect na perfect at ayos na ayos na ang performance namin. Dalawang linggo nalang!

Kinakabahan na tuloy ako!

"Idiots!" Sigaw ni Aira kaya naman napatingin kami sakanya. Sanay na naman kaming sabihan nya nang ganyan. "Since, ilang linggo nalang at matatapos na ang walang kwenta nating practice, gusto kong magkaroon kayo ng bonding. Yung para bang, outbound trip."

Lahat naman kami ay napahiyaw nalang.

Pero, babalik na kaya sya nang States pagkatapos nento?

Wag naman sana..

Eh teka, bakit ko nga ba ayaw na umalis sya samantalang, lagi lang naman syang nagtataray?

May naiisip akong dahilan pero sana ay hindi yun totoo.

"Gusto ko sana by next week ay mangyari na ang sinasabi ko. Sa ngayon, puro practice lang tayo. Is that clear?" Lahat kami ay tumango. "Okay then, you may now go home." Sabi nya at nagayos na nang gamit nya at ganun rin kami.

***

Pagkatapos nang practice namin ay pumunta ako sa bar kung saan umeextra ako bilang singer doon.

Nang makapunta ako dun ay syempre, madaming tao dun at crowded.

Agad akong pumunta sa stage at naghanda na para sa kakantahin ko.

"Sana magustuhan nyo ang kakantahin ko. Pwede kayong sumabay kung alam nyo ang kakantahin ko!" Sigaw ko at nagplay naman ang mga instruments.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Kyra na kasama ko rin sa pagkanta dito.

Tumakbo sya papunta samin sabay sabing, "Andito si Aira.." Sabi nya na ikinalakas ng tibok ng puso ko.

Bakit ba nagkakaganito yung puso ko?

Ang abnormal. =_______=

Pero teka, bakit sya andito?

Agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid habang si Kyra ay nagsisimula ng kumanta.

Pagkalibot ko nang tingin ko ay nakita ko si Aira na nakatingin din sakin kaya naman nagiwas nalang ako ng tingin. Nakaka-intimidate kasi ang dating nya eh.

Bakit nga ba sya andito? May problema ba sya?

Natapos na ang part ni Kyra kaya ako naman ang kumanta.

"In a blink of an eye
Just a whisper of smoke
You can lose everything
The truth is we'll never know

So I'll kiss you longer, babe
Any chance that I get
And I'll make the most of the moments
And love with no regret

Let's take our time,
To say what we want
Use what we got
Before it's all gone
'Cause no, were not promised tomorrow

So Im gonna love you,
Like Im gonna lose you
Im gonna hold you
Like Im saying goodbye
Wherever were standing
I wont take you for granted
'Cause you'll never know when
When we'll run out of time

So Im gonna love you,
Like Im gonna lose you,
Im gonna love you,
Like Im gonna lose you"

Nang matapos na ang pagkanta namin ni Kyra ay nagbow kami sa audience.

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now