◾[52] Endearment◾

27 5 0
                                    

Kyden's POV

Linggo. Linggo ngayon at ngayon ay magpa-practice na kami ng sayaw para sa competition namin. Anak ng tokwa! Ilang araw nalang yun! Kinakabahan na ako!

"Hey, kups!" Tawag ng girlfriend ko sakin.

"Ang sweet naman ng tawag mo sakin." Sabi ko ng pagka-sarkastiko.

"Ofcourse! You're my kups/boyfie eh!" Sabi nya using her super duper cute tone. Hinalikan ko sya sa pisngi. Nakita ko namang namula sya. Napangiti tuloy ako.

"Ang cute ng girlfriend ko." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya. "Alis na tayo?" Tanong ko.

"Uhm, wait! Give me a minute!" Naeexcite nya sabi at naglakad papunta sa bag nya.

Nilabas nya ang isang dSLR. Akala ko ba di sya prepared na pumunta dito? Tss. Ni wala nga syang dalang damit eh. Pero dSLR meron? Anong klase ka, Aira? Haha!

"Lets take a selfie, kups!" Tuwang-tuwa nyang sabi.

"Sige sige!" Sabi ko naman. Magpo-pose sana ako pero iba naman ung pinicturan nya. Ung kamay namin na magkahawak. Luh?

"Hihihihi!" Sabi nya. "Lets go na, kups kong boyfie!" Sabi nya at hinila ako papunta sa labas.

Nag-taxi kami dahil ayaw nya na sa jeep. Arte much? Haha!

15 minutes lang naman ang byahe simula dito hanggang sa lugar na pinagpapractisan namin eh.

"Lets take a selfie nga!" Sabi nya at itinapat ang dSLR nya saming dalawa.

"Patingin nga!" Sabi ko.

"Ayaw!" Sabi naman nya.

"Sus! Damot!" Reklamo ko.

"You'll see it din naman soon eh!"

"Kailan ung soon na yun?" Tanong ko.

"I dunno. After 3 years? Maybe?" Alanganin nyang sagot. 3 years? Di ko gets.

"Ha? Bakit naman 3 years pa?" Nalilito kong tanong.

"You'll know it soon din! Hehe" sabi nya at tinignan ulit ang kuha ng selfie namin. "We look so cute together, kups!" Sabi nya.

"Oo naman. Bagay kaya tayo." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

Nginitian naman nya ko. Isang ngiti na....malungkot? Pero bakit?

....
....
....

Franco's POV

Hays! Nakakainis naman talaga oh! Ang tagal naman ata ni bro Kyden? Tsk!

"Hoy pre, ayos ka lang?" Tanong sakin ni Ken. Paano ba naman ako magiging maayos kung makikita ko sila ni Danica na magkahawak ang kamay? Anak ng!

"K lang." Bored kong sagot.

Nakita ko naman na nagkukulitan lang sila Cheska, Thea, Kyra, at Danica. Tsk. Kulit talaga nilang lahat.

Napatingin naman ako kay Thea. Ngiting-ngiti sya sa ginagawa nila. Napangiti din tuloy ako. Siguro kung hindi ko lang mahal si Danica, sya na ung nagustuhan ko. Kaso wala eh, mahal na mahal ko ung abnormal na si Danica.

"Hahahaha! Sus! Namumula si Thea!!" Asar ni Cheska.

"L-luh? Di ah!" Pagtatanggi naman ni Thea.

Ano bang pinaguusapan nila? Bakit naman mamumula si Thea? Tsk. Makamusta ko nga ang lovelife ng babaeng to sa susunod.

"Parang ang tagal ata ni Kyden?" Tanong ni John sakin.

"Oo nga eh" tipid kong sagot. Balik pagiging cold na tuloy ako! Tsk naman oh!

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now