◾Special Chapter◾

20 5 3
                                    

Note: Pakiplay ang kantang, 'Your Love' sa multimedia box. Ulitin nyo nalang kapag tumigil. Kamsahamnida :)

Epilogue.

Habang nakain kami ay tahimik lang ako at wala man lang imik. Nagulat lang siguro ako sa mga nangyayari.

Nakakagulat.

Si Xander na inasahan kong kasama ko hanggang dulo ay iiwan rin pala akong magisa kasama ang walang katapos-tapos na problema ko.

| What to do? |

|Break up.|

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga letra at salitang binitawan ni Xander.

Akala ko wala ng problema...

Akala ko, kaya ni Xander na gawin ang lahat para lang matapos na ang lahat ng problema ko...

Pero akala ko lang pala yun...

Unti-unting sumasakit ang puso ko. Kumikirot ito, na para bang sinasabing, 'Hindi mo kayang iwan ang lalaking nasa tabi mo, pero kailangan.'

Iniisip ko, paano kung hindi ko sundin ang sinasabi ni Xander? Tutal, malaki na at matanda na si Miguel, kaya na nya ang sarili nya.

Paano kung ako naman ang maging selfish, this time?

"Oy kuls, okay ka lang ba?" Napabalik ako sa huwisyo ng magsalita si kups. Pinilit kong ngumiti. Pero nagmuka lang akong tanga.

"Okay lang ako." Sabi ko sabay kurot sa pisngi nya.

"Tss. Weh? Sa ngiti mo palang kaya halata ko na. Ano bang problema?" Tanong pa nya at humiga sa damuhan dito. Mukha namang malinis kaya humiga na rin ako at tinabihan sya.

"Wala nga. Ang kulit mo." Sabi ko naman.

"Mukang ayaw mo lang sabihin eh." Sabi naman nya. "O sge na nga."

Panandalian kaming nanahimik na agad ko rin namang binasag. "Kups?" Tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Anong oras na?" 

Tumigin sya sa watch nya sabay sabing, "11pm" nanlaki naman ang mata ko. "Bakit? Gusto mo na bang umuwi?"

Umiling naman ako. "Hindi ah. Tinatanong ko lang. Pero teka, ang bilis naman ata ng oras?" Sabi ko sakanya.

"Mabilis ang oras kapag gusto mo ang ginagawa mo. O kaya kapag gusto mo ang kasama mo." Sabi naman nya at ngumiti.

Hindi ko hahayaang may makapigil pa sa pagmamahalan namin, ngayon..

Ngumiti ako sa naisip ko. Handa ko na syang ipaglaban. Mahal ko sya. Mahal nya ako. May mahihiling pa ba ako, doon?

Minsan ko na syang iniwan, sinaktan. Kaya hindi ko na hahayaang mangyari yun ngayon.

Magiging selfish ako. Inaamin ko. Pero ngayon lang naman, ngayon lang. Para lang samin ng taong sobrang mahal ko.

I was about to say something when my phone rang.

*ringggg ringggg

"Sino yan?" Tanong ni kups. Tinignan ko ang phone ko sabay sabing,

"Si Xander. Sandali lang to ah?" Sabi ko. Tumango naman sya.

"Sige." Tumayo na ako at lumayo ng konti kay kups.

Tinignan ko ang phone ko panandalian at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now