◾[63] Promises◾

19 3 0
                                    

3rd Person's POV

"B-bakit ka andito!?" Gulat na sigaw ni Aira nang mapagtanto nyang, nalaman na ni Kyden ang kanyang karamdaman.

"Aira, alam ko na ang lahat." Bulong ng binata sakanya.

"P-paano!?" Tanong nito sakanya.
"Kinwento nila saakin." Tipid pero diretsang sagot ng binata sa kanyang tanong.

Niyakap lang ni Kyden si Aira ng napaka-higpit at di nagtagal ay yumakap na rin pabalik si Aira sakanya.

"Ayokong makitang ganito ka." Bulong ni Kyden kay Aira. Kumawala sa yakap si Aira at agad syang ngumiti.

"Ako rin, ayoko ring makitang ganito ka. Ayokong makitang umiiyak ang lalaking mahal na mahal ko.'' Sabi ni Aira sakanya kaya naman mas lalong naiyak si Kyden.

"Alam kong marami kang tanong sa isip mo ngayon," huminto sa pagsasalita si Aira dahil sa nagbabadyang luha mula sa kanyang mga mata. "Pero, s-sana wag mo nang alamim kung bakit. O-okay lang ako. Okay lang ako kasi," huminto muli sa pagsasalita si Aira at sinapo nito ang pisngi ng binata. "Okay lang ako kasi andito na yung lalaking mahal na mahal na mahal na mahal ko." Sabi nito at idinampi ang kanyang mga labi sa labi ng binata.

"G-gagaling ka diba?" Tanong ni Kyden kay Aira matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.

Tumulo ang mga luha ni Aira, 'alam kong malabo nang mangyari yun' yan ang nasa isip nya. Gusto nyang sabihin yun pero, alam nyang labis na malulungkot ang lalaking mahal nya kaya ngumiti nalang sya at tumango-tango rito.

"Gagaling ako para sayo." Wala sa sariling bulong ni Aira kay Kyden.

"Pero hindi ka gagaling kapag andito ka sa Pilipinas. Una sa lahat, mas magaling ang mga doktor sa ibang bansa. Mas malaki ang posibilidad doon na g-gagaling ka." Sabi ng binata habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

''Gusto mo b-bang bumalik ako ng States p-para magpagaling doon?" Tanong ni Aira. Tumango lang si Kyden. "Ayoko. A-ayokong malayo sayo." Sabi nito at kinagat nya ang ibabang labi nya para pigilan ang paghikbi nya.

"Yun nalang a-ang paraan para gumaling ka. Para mapagpatuloy natin ung happy ending natin diba?"

"P-pero ayoko! Ayokong malayo sayo! Ayokong iwan ka! Ayokong maiwan ka ulit, Kyden. Hinding-hindi na kita iiwan. Hindi ko na kakayanin kung sakaling mangyari yun." Humihikbi na sabi ni Aira.

"Iyon nalang ang tanging paraan. And you cant do anything about it." Sabi ni Kyden na ngayon ay tumigil na sa pagiyak.

....

....

''Saan tayo pupunta?" Tanong ni Aira nang hilain sya ni Kyden palabas ng ospital. Nakasuot parin kasi sya ng pang-pasyente na damit.

''Basta." Sagot naman ng binata sa kanyang tanong.

"Magga-gabi na eh. Look, its almost 5pm. Baka mapano pa tayo."

"Tsk tsk, just put your trust on me and everything will be alright." Sabi ni Kyden habang nakangiti. Kaya hindi nalang din umimik pa si Aira.

Pero maya-maya ay tumambad sa paningin ni Aira ang isang private jet.

"Let's go?" Nakangiting sambit ni Kyden sakanya. Tumango nalang sya doon at sumakay na.

"Saan tayo pupunta?" Clueless na tanong ni Aira.

"Just wait." Ngumiti ulit ito sakanya.

....

....

Malipas ang ilang minuto ay binaba na sila ng jet sa kung saan. Hindi ito alam ni Aira pero isa lang ang masasabi nya---perpekto ang lugar na ito.

Binaba sila sa isang mala-paraisong lugar na nagpaparelax kay Aira.

Mga huni ng ibon, ang paghampas ng mga alon, ang magandang tanawin at ang malamig na hangin ang unang sumalubong sakanila. Napa-pikit nalang ng mata si Aira dahil napaka-sarap damhin ng pakiramdam na nararamdaman nya ngayon.

"Maganda ba dito?" Nakangiting tanong ni Kyden sakanya. Tumango ito at nagsimula nang malungkot sa mga nangyayari. Bukas, aalis na sya. Pupunta na sya ng States. Magpapagaling sya para matupad ang mga pangako nya sa lalaking nasa harapan nya ngayon. Pero, wala paring kasiguraduhan kung tuluyang mawawala ng parang bula ang sakit na dinaranas nya.

Umupo sila sa buhanginan at tinitigan nang mabuti ang paglubog ng araw. Lumulubog na kasi ang araw at napakaganda ng tanawin na ito.

''Gusto kong maging masaya. Gusto kong maging masaya kasi hanggang ngayon kasama parin kita. Kasi ngayon alam kong mahal mo parin ako. Kasi ngayon, natititigan parin kita ng ganito kalapit." Sabi ni Kyden dahilan para mapatingin si Aira sakanya. "Kaso kahit saang anggulo ko tignan, nasasaktan parin ako. Nasasaktan parin ako kasi iiwan mo parin ako.'' Bumagsak na ang luha ng binata. Ganito rin si Aira. ''Pero babalik ka diba? B-babalik ka nang walang kahit na anong sakit diba? Mangako ka sakin, Aira. Kasi pag nangako ka, kahit na gaano ka-sakit at kalungkot ang mangyayari, kahit sobrang tagal mo bago bumalik, maghihintay parin ako. Dahil may pinanghahawakan ang pangako mo. K-kaya, pakiusap. M-mangako ka."

Napalunok si Aira at tumikhim. Pinunasan nya nang marahas ang mga luhang kanina pa buhos ng buhos.

"Nangangako ako. Na magpapapagaling ako sa States. Pangako ko sayo, na pagbalik ko dito ay maayos na ang lahat. I promise, that I'll be able to love you with all my heart. I promise that when I'll come back, there's no turning back, again. I promise that I'll never leave you again. I promise that my love for you will never change. I promise that my sick will be fully cure when I come back again. I promise that I'll come back. Even when, were being played by cupid, again."

Lies.

Umiyak si Kyden sa mga narinig nya. Hindi nya alam kung bakit, dahil dapat sya ay maging masaya sa mga sinabi ni Aira. Pero hindi eh, lalong bumigat ang pakiramdam nya.

"And when you come back, Im going to marry you. And we'll be having kids. One girl, and one boy. Right?" Pilit na ngiting sabi ni Kyden. Tumango nalang ulit si Aira.

"Right." Nakangiti pero umiiyak na sabi ni Aira.

Pero laking-gulat nya ng itayo sya ni Kyden at agad na lumuhod sa harapan nya. Napatakip nalang ng bibig si Aira.

"Sinabi mong babalik ka diba?" Tanong ni Kyden. Tumango nalang muli si Aira. ''You promised me almost everything that I need to hear from you. Sinabi mo rin na babalik ka, at pupunta ka lang ng States para magpagaling. I knew that. Alam kong babalik ka at tutuparin ang lahat ng pangako mo. Because we almost experienced all of the chaos we've been through from our lives. Especially when it comes with us, two. We experienced a lot of b*llshits, but look at us now. Were still together. Staying strong. Now, can you please tell me that you're going to marry me once you come back?"

At dahil doon ay bumuhos na ang luha ni Aira. Magkahalong saya at lungkot.

"Will you marry me, Aira Claire Saavedra-Padilla?" Tanong nito muli. Tumango nalang si Aira sabay sabing...

"Yes, Im going to marry you, kups."

Sabay silang natawa at naiyak habang sinusuot na ni Aira ang kanyang singsing.

"Promise me that you'll come back here, again." Utos ni Kyden sakanya.

"I promise." Sabi ni Aira at doon na nila idinampi ang kanilang mga labi sa isa't isa.

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now