◾♥[46] Truth♥◾

41 7 0
                                    

3rd Person's POV

Matapos ang ilang oras ay nakarating din sila ng Maynila. Pero bago sila makapunta dito, ay nagkaroon muna sila ng isang di pagkakaintindihan at syempre, ang ilangan.

Siguro dahil sa pag-akto ni Aira na para bang walang nangyari sakanila ni Kyden bago sila umalis ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sila nagkakaroon ng ilangan sa byahe.

'Bakit ba bigla nalang syang umalis kanina sa tent?' Yan ang nasa isip ni Kyden habang sila ay nasa byahe.

Bigla kasing umalis si Aira palabas ng tent pagkatapos nyang sabihin sa dalaga na mahal nya ito.

Dahilan kung bakit? Syempre, dahil sa maayos na sana ang lahat pero bigla nalang naalala ni Aira ang kagaguhan na ginawa sakanya ni Aira kaya naman, bigla nalang syang nawala sa mood at agad na umalis.

Kasalukuyang hinahatid si Kyden sa bahay nila dahil sa apartment nya ang pinakamalayo na bahay. Isa-isa kasi silang hinahatid sa mga bahay nila. At si Kyden nga ang pinaka-huli.

"Bye Claire!" Sigaw nya nang makuha na nya ang gamit nya. Hindi na sya pinansin ni Aira but instead, she threw him a finger and mouthed him 'fvck you'

Bitch? Yeah, that's her.

Matapos nilang ihatid sa kanya-kanya nilang bahay ay agad na dumiretso si Aira sa unit nya.

She sighed.

Humiga sya sa kama nya at gumulong-gulong doon. Masakit ang ulo nya at gusto na nyang matulog dahil naantok na sya dahil sa alak na ininom nya kanina with Kyden.

Pero kahit na naantok sya ay hindi sya makatulog.

'Damn this. Let me fvcking sleep! Gosh!' Yan ang nasa isip nya habang pilit na pinapatulog ang sarili nya.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi parin sya makatulog...

Kaya naman naisipan nyang pumunta nalang kay Xander. Pero bago sya pumunta doon ay nagayos muna sya ng sarili nya.

Napangisi nalang sya ng malapit na syang lumabas ng unit nya. Paano ba naman kasi, malamang magugulat si Xander kapag nakita nya si Aira na andito na. Kasi naman, di nya alam eh. Di pinasabi ni Aira.

Lumabas na sya sa unit nya at papasok na sana sya pero nakaramdam sya ng kakaibang feeling ng makita nyang bukas ang pintuan nito. Napakunot tuloy ang noo nya.

Lumapit sya sa pintuan at sinilip ang tao dun at napasinghap sya ng makita si Bea, Xander, Miguel at Yunice na naguusap.

"Ano kayang pinaguusapan nila?" Bulong ni Aira sa sarili nya at akma ng papasok ng unit ni Xander dahil sa excitement na nararamdaman nya dahil sa andito sila pero biglang nagsalita si Miguel kaya natigil sya sa pagpasok ng unit nito.

"Wag kang maingay! Baka may makarinig sayo!" Boses ni Miguel.

"Wala naman si Aira dito eh.." Sabi naman ni Bea.

"Pero kahit na!" Si Miguel.

"Ano ba talagang dahilan kung bakit kayo biglaang nagpunta dito? At bakit gusto nyo ako makausap?" Maangas na tanong ni Xander.

Ngumisi si Miguel. "Dahil maraming bagay ang hindi mo pa nalalaman." Anya.

Nagtaka si Xander kaya naman ngayon ay gustong-gusto na nya malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Samantalang si Aira ay katulad na rin nya na takang-taka na sa nangyayari.

"Ano ba yun?" Tanong nento.

Lumapit si Bea kay Xander. "Bumabalik na ba si Aira sa dating sya?" Tanong nya kay Xander kaya tumango ang binata.

Played by Cupid AGAINWhere stories live. Discover now