Prologue

191 21 4
                                    


August 1999,

Sa gitna ng matahimik at mapayapang hapon kung saan ay bigla na lamang binulabog ng umaalingawngaw na nakabibinging pagsabog na sinundan ng pagkalaki-laking apoy na sumiklab sa Haven Medical Hospital. Nabulabog ang lahat ng taong naroroon. Hindi mag kumahog ang mga trabahador ng hospital upang mailigtas kaagad ang kanilang nga pasyente. Lahat ng tao na nasa labas ng hospital ay takot na takot na nakatingin sa ikatlong palapag ng hospital na nilalamon na ng apoy.

Sa ikatlong palapag ay namamalagi ang isang inang katatapos lamang magsilang. Nagising ang ina sa nakakasulasok na amoy ng nasusunog na pasilidad. Nabalisa ito dahil wala pa sakanyang tabi ang kaniyang mumunting anak. Natataranta siyang bumangon upang magtungo sa Nursery Room kung saan naroroon ang mga bagong silang na sanggol. Maririnig sa Nursery Room ang sabay sabay na pag iyak ng mga sanggol.

Nang makarating ang babae ay nagkumahog na naghanap sa kaniyang anak na tanging palatandaan niya lamang ang porselas na ipinagbilin niya sa isang nurse na kasama sa pag papaanak sa kaniya na ipasuot sa isisilang niyang sanggol. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa mga sanggol na naroroon at nakita niya ang nag iisang sanggol na nagsusuot ng porselas na ipinabigay at ipinapasuot sa kaniyang anak. Walang pag-aalinlangan niyang nilapitan ang sanggol at dali-daling kinuha ito dahil sa kaniyang pagkakaalam na iyon ang kaniyang anak.

Buhat-buhat niya ang sanggol at dali-dali itong tumakbo palabas ng nasusunog na hospital. Mababakas sa mukha ng ina ang takot hindi para sa sarili kundi takot para sa kaniyang wala pang kamuwang- muwang na sanggol. Natatakot man para sa kaligtasan ng anak ay pilit paring nagpapakatatag at kinakailimutan ang sakit at panghihinang dulot ng panganganak. Nasa kalagitnaan na sila ng pasilyo ng ika-lawang palapag ng hospital ng sumiklab lalo ang nagngangalit na apoy na lumalamon sa hospital.

Kumakapal na rin ang usok sa loob ng hospital kasabay ng pagsabog at pagbagsak ng iilang bahagi ng kisame na pilit namang iniwasan ng inang nagnanais na mailigtas ang anak ngunit hindi maipagkakaila na ito ay halos hindi na makahinga dahil sa makapal na maitim at mabahong usok sa loob ng hospital na sanhi ng mga nasusunog na samu't-saring kemikal at bahagi ng nasusunog na hospital. Unti-unting nanghina ang kaawa-awang ina at napaupo na lamang sa sulok ng pasilyo dahil hindi na niya kaya pa.

Lumuluhang niyakap na lamang ang kaniyang mumunting anghel kasabay ng pagbigkas ng mumunting dasal na sana mailigtas kahit na ang kaniyang anak na lamang. Bago mapatid ang kaniyang hininga ay dumating ang isang doktor na babae kasama ang isang bumbero. Lumuluhang nagmamakaawa sa mga ito upang mailigtas ang kaniyang anak. Tanging hinahangad lamang ng inang nagmamahal ang kaligtas ng anak hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay.

~~~~~~~~~

A/N: Hello our dearest reader(s) (assuming to have a lot of readers :D ) please vote and comment po. Please support our story po.

'OUR' kasi po hindi lang po isa yung author nito. Tatlo po kami. ^_^

Thank you for reading!

UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon