A/N: This scene happen after 5 months. Sorry guys kung nabibilisan po kayo at naguguluhan.
By the way, you're all free to ask naman po.
Thank you.
--
Chapter 8.Alex's P.O.V
"Do you need help?" Sabi ni Dreiven na sinalubong ako. Nakatingin sa mga librong dala-dala ko.
"Nope. Kaya ko na ito." Walang emosyong sabi ko sa kaniya.
'Coz I'm not that weak anymore' dugtong na sabi ko sa aking sarili.
"Saan ka ba pupunta? Sasamahan na lamang kita kung ayaw mong ako na magbuhat ng dala mo." Pangungulit na sabi niya sa akin.
Tinignan ko siya. Hayy napaka kulit mo naman letse ka.
"Locker" tipid na sabi ko.
Hindi na muli siya nagsalita at sinabayan na lamang ako sa paglalakad.
Wala na ni isa sa amin ang nagtangkang basagin ang katahimikang bumalot sa pagitan namin.
Ng makarating na kami sa harap ng locker ko ay pwersahan niyang kinuha sa akin ang mga librong dala ko. Hindi ako kumibo at hinayaan na lamang siya. Wala akong ganang makipagbangayan ngayon.
Kinuha ko na lang sa aking bag ang susi ng locker ko at bunuksan na ang ito.
May nahulog na papel ngunit hindi ko pinansin.
Kinuha ko na ang mga libro ko kay Driven upang mailagay na sa locker.
Natigilan ako ng may mapansin akong kulay itim na petal sa loob ng aking locker.
Biglang sumikip ang aking hininga at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang isang itim na rosas sa loob ng aking locker na nakaipit sa notebook.
Puno ng kaba ang aking dibdib kasabay ng pagbuhay muli ng galit na matagal na niyang itinago.
Galit na bunga ng sakit na aking naramdaman at patuloy na nadarama.
"Alex?" Pukaw sa akin ni Dreiven. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako habang nakakuyong ang aking kamay.
Iniabot sa akin ni Driven ang itim na papel na nahulog kanina.
Pinunasan ko ang aking mga luha at sumandal ako sa mga locker upang hindi ako matumba.
Tinignan ko si Dreiven ng may luha pa rin sa aking mga mata.
Nakita ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
"I will call Avery. She need to know this." Sabi nito sa akin. Tango lang ang aking isinagot sa kaniya. Nakita kong kinapa niya ang kaniyang bulsa na tila hinahanap ang kaniyang cellphone.
"C-can I b-barrow your c--" iniabot ko na ang aking cellphone bago pa man niya matapos ang kaniyang pagsasalita.
"He he. Sorry I forgot my cellphone." Sabi niya sabay kamot sa kaniyang batok. Napailing na lang ako sa ginawa niya at napangiti sa kabila ng aking nadarama.
Tinignan ko ang papel na hawak-hawak ko.
Muling nabuhay ang kaba na panandaliang nawala kanina.Binuksan ko iyon.
'You're the next. Get ready to face Satan, Honey.<3'
-Your loving Guardian ANGEL.
~~~
BINABASA MO ANG
UNPREDICTABLE
Short StoryTitle: UNPREDICTABLE by:Dheamma_GAS-A Genre: Short Story Sa buhay marami tayong hindi pa nalalaman. Mga bagay na nangyayari ngunit hindi natin tiyak kung paano at kung bakit ito nangyayari. Madalas na may katanungan na mahirap mabigya...