Ery's P.O.V.
Days goes by easily.Masaya naman kahit papaano dahil kasama ko si Lexie ngayon.
I can say that since nagkita kami ulit parang nagkaroon ulit ako ng kakampi.
Ng masasandalan.Hindi na ako ulit mag-iisa kasi alam ko na nandito na siya.
Hindi na kagaya ng dati na wala siya.
Siya na itinuring kong kapatid sa ibang nanay at syempre sa ibang tatay.Alam ko na sa pagkikita namin muli may kasangga na ako. Hindi na muling mauulit ang nakaraan.
Hindi na ako ulit maiiwang mag-isa. Kasi alam ko na iwanan man ako ng mga taong mahalaga sa akin.
Pero siya. Mananatili sa tabi ko.
She promised that she won't leave me.
That she'll always be by my side.Naramdaman kong huminto ang sinasakyan naming Van. Because the traffic light is red.
I look at her beside me. Nakakunot ang noo habang nagbabasa ng libro.
Lihim akong napangiti at napailing nalang.
"Ingit ka na naman ba sa kagandahan ko?" Nakangising sabi niya sa akin habang nakaharap pa rin sa librong binabasa.
Natawa ako sa sinabi niya. Kapal pa rin talaga ng mukha nito kapag ako ang kasama niya ehh. Kasing kapal ng mantle.
Tumikhim ako at saka tinaasan ko siya ng kilay.
"Paano akong maiingit kung nagmana ka lang sa akin?" Sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya. Baliw talaga 'to. Haha.
She closed her book. Then she look at me.
"Ang taray mo na naman! Nagseselos ka na naman ba dahil nakikipag date na naman ako sa mga fictional boy friends ko?" Sabi nito sa akin habang tumatawa.
Papaano kasi madalas hindi niya ako pinapansin dahil ayaw niyang nagpapaistorbo sa pagbabasa niya.
Para tuloy akong invisible sa tabi niya. Ako ang kasama niya pero wala sa akin ang atensiyon niya ehh.
One time I told her na susunugin ko lahat ng libro niya pagnahawakan ko para wala na akong kahati sa time niya.
Tinawanan niya lang ako ng malakas.
Possessive best friend ba ako?
Well ito ako ehh. Pakielam mo ba?"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Sa Pampanga." Simpleng sagot ko sa tanong niya.
"Ahh. Okay." Sabi niya at umayos na ng upo. Ibinalik na niya sa bag ang librong binabasa ng natigilan. Haha.
"What did you say? Sa PAMPANGA!?" Sigaw niya habang nanlalaki lalo ang mga malalaki niyang mga mata. Choss. Kamata kasi niya 'yong tarsier. Hindi Joke lang. Medjo singkit siya.
"You hear me,right? Hindi ka naman siguro bingi." Sabi ko tapos inirapan siya. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Manong Carlo. Driver namin. Nginitian ko lang siya. Close naman kasi kami.
Hinampas niya ang aking braso. Kaya napa aray na lang ako.
"Bakit hindi mo sinabi agad!? Hindi ako tuloy nakapag ready at hindi ko na nabili ng pasalubong sila mama!" Paghihimutok niya sa akin. Tinawanan ko lang siya nang talikuran niya ako.
"Papaano pa magiging surprise 'to pagsinabi ko, hindi ba?" Sabi ko sa kaniya. Paano kasi sabi ko samahan niya ako at may pupuntahan ako.
"I hate you." Sabi niya sa akin na may halong paghihinakit sa kaniyang tinig. Napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
UNPREDICTABLE
Short StoryTitle: UNPREDICTABLE by:Dheamma_GAS-A Genre: Short Story Sa buhay marami tayong hindi pa nalalaman. Mga bagay na nangyayari ngunit hindi natin tiyak kung paano at kung bakit ito nangyayari. Madalas na may katanungan na mahirap mabigya...