THIRD PERSON'S P.O.V.
Sa isang tagong abandonadong gusali maririnig ang mga nagkakasayahang lalaki na lango sa alak at sa pinagbabawal na gamot
Madilim, makalata at mabaho dahil sa samut-saring Amoy ng sigarilyo at droga ang malalanghap sa lugar na iyon.
Ang bawat sulok nito ay may bahid ng karahasang nanghihintay sa mga taong may atraso sa kanilang at higit sa lahat sa kanilang mga pinuno.
Ang bawat kalaban na pumapasok dito ay sinisuguradong hindi na muli pang makakalabas.
Ngunit kung minsa'y makakalabas nga ang mga ito nang wala na ang kanilang mga ulo.
Dahas ang namamayani sa bawat isa rito.
Walang puwang ang awa at pagmamahal para sa bawat isa sa kanila.
May mga nagbabantay sa bawat sulok ng gusaling ito upang masiguradong walang makakapuslit ni isa man.
Maririnig rin dito ang mga daing nang mga taong walang awang pinahihirapan hanggang sa sila'y mamatay habang tuwang-tuwa pa silang pinapanood.
Sa isang banda at naroroon sila Alex at Klein na kapwa at nakagapos ang kamay at hinang-hina dahil sa gamot na itinusok sa kanila.
Unti-unting nagkamalay si Klein ngunit nanghihina pa rin. Pinagmasdan niya ang paligid.
Pilit sinubukang kalasin ang lubid na nakatali sa kaniyang kamay ngunit sadya itong mahigpit kaya siya at nabigo.
Nilingon niya si Alex na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa sahig. Sinubukan niyang kalabitin ito nang hindi namamalayan ng mga nagbabantay sa kanila.
"Alex?" Bulong na pagtawag ni Klein dito.
Iminulat ni Alex ang kaniyang mga mata at tinignan si Klein.
"Thanks God, hindi ka nila ginalaw." Sabi ni Klein sa kaniya.
Pumatak ang luha sa mata ni Alex at mariing pumikit.
Naguluhan si Klein sa reaction nito. Nagtatanong ang mga matang nakatingin kay Alex.
Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa.
Natigilan siya nang may makita siyang kulay pulang mantsa sa puting skinny jeans na shot nito.
Mantsa na malapit sa pagitan ng hita nito.
Nanlalaki ang mga matang napapailing si Klein.
Makikita rito ang maitim na aurang bumabalot sa kaniya tanda nang matinding galit.
Nagpupumiglas siya upang makawala ngunit hindi siya makawala.
Nauliligan ng mga nagbabantay sa kanila na sila'y gising na.
"Gising na pala ang mga prinsesa at prinsipe dito,huh? Masarap ba tulog n'yo?" Sabi ng lalaking naka asul na polo na nakaupo habang humihithit ng droga.
Nagtawanan ang mga kasama nito ngunit hindi na lamang nila ito pinansin.
Tumingin si Klein Kay Alex.
"What did they do to you?" Cold at madiing tanong nito kay Alex.
Mahihimigan ang galit sa kaniyang to no nang pagsasalita. Galit na kanina pa niya pinipigilan.
Umiling si Alex bilang tugon.
Lalong nangliit ang mga mata ni Klein dahil sa galit. Pinilit alamin kung ano ang nangyari kay Alex.
"Sh*t Alex! Tell me the truth! WHAT DID THEY DO TO YOU!?" Galit na sambit ni Klein na puno ng diin.
Umiling lang muli Si Alex. Lalo namang naasar si Klein sa naging tugon nito.
BINABASA MO ANG
UNPREDICTABLE
Short StoryTitle: UNPREDICTABLE by:Dheamma_GAS-A Genre: Short Story Sa buhay marami tayong hindi pa nalalaman. Mga bagay na nangyayari ngunit hindi natin tiyak kung paano at kung bakit ito nangyayari. Madalas na may katanungan na mahirap mabigya...