Alex's P.O.V
" Ma! Nakapasa po ako!" Sigaw ko pagkapasok ko pa lang sa bahay. Wala ehh, naexcite ako ehh! Napalabas bigla si Mama sa kusina ng marinig ang pagsigaw ko.
" Saan?" Takang tanong ni mama sa akin.
" Sa ALBRIGHT UNIVERSITY po, ma! " Tuwang tuwang sabi ko Kay mama .
" Ay sus ginuo kang bata ka. Akala ko pa naman kung a--ANO!?" Tuloy tuloy na sabi in mama hangang sa bigla na lamang nanlaki ang kaniyang mga mata nang marealize niya siguro iyong sinabi ko.
"NAKAPASA PO AKO, MA! " Tuwang tuwang ulit ko.
"Magpapamisa naba ako ,anak?" Pagbibiro ni Mama.
"Ma naman parang naman pong sinasabi niyo na hindi ko kayang pumasa." Natatawang sabi ko Kay Mama ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Papa
"Oh? Bakit parang ang saya niyo" Natatawang sabi din ni Papa. Lumapit ako sakanyang harapan at ngumiti ng sobrang tamis.
"PA! NAKAPASA PO AKO SA ALBRIGHT UNIVERSITY!" Masaya Kong balita Kay Papa at siya'y aking niyakap dahil sa galak .
----
~@Albright University.Wow. Iyan lang ang tanging masasabi ko sa bagong university na papasukan ko. Hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng mga pasilidad at kalinisan ng lugar. Sariwang hangin ang malalanghap sa loob ng unibersidad na ito dahil sa ganda ng pagbalanse sa kapaligiran. Nagkalat ang mga punong nagbibigay lilim sa paligid kung saan mayroong mga upuang nakahanda para sa mga estudyanteng nagnanais magpahinga at manatili upang dito gawin ang kanilang mga school works. Inilibot ko ang aking tingin at wala kang mapipintasan dahil nga sa ganda ng unibersidad na aking pinasukan.
Habang ninanamnan ko ang ganda ng paligid sa aking paglalakad papuntang registrar upang kunin ang aking schedule at I.D. Alam ko pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Dahil ramdam ko. Sa GANDA ko nga bang 'to sayang naman kung hindi nila masisilayan. Chos haha.
Pinagtitinginan nila ako kasi nga bago pa lang ako dito diba? Sa paglalakad ko papuntang registrar ay napansin ko na ang gaganda at ang daming gwapo ang nag-aaral dito buti nalang at naipasa ko ang entrance exam. Nahiya tuloy ako bigla mag tanong kahit na alam ko na naliligaw na ako sa laki ba naman ng school na to ehh! At tsaka bago pa lang ako dito kaya talagang maliligaw ako lalo na't wala man ni isa sa mga nandito ang kakilala ko.
Inikot ko muli ng pasimple ang aking paningin para makita kung may roon bang pwedi kong mahingian ng tulong. Nakita ko ang mga babaeng nakatingin sa akin na nagsisitaasan ang mga kilay na animo building na sa makati sa taas! May dumi ba ako sa mukha? Hindi naman oily mukha ko ahh. Maayos din naman damit na suot-suot ko. Simpleng pants and white T-shirt na may printed image ni spogebob. Then a simple doll shoes.
Hay naku, mga matang mapang husga nga naman ohh. Hindi ako kumportableng maglakad dahil sa mga matang nakamasid sa akin na kala mo naman gagawa ako ng eskandalo dito! Nakakailang kaya sa totoo lang pero kahit na ganoon ay tuloy tuloy parin ako sa aking palalakad para hanapin ang registrar.
Pinilit ko nalang ang aking sarili na huwag na lamang silang pansinin. Bahala sila. I eenjoy ko nalang muna yung view dito sa A.U. Oo nga mabuti pa nga.
BINABASA MO ANG
UNPREDICTABLE
Short StoryTitle: UNPREDICTABLE by:Dheamma_GAS-A Genre: Short Story Sa buhay marami tayong hindi pa nalalaman. Mga bagay na nangyayari ngunit hindi natin tiyak kung paano at kung bakit ito nangyayari. Madalas na may katanungan na mahirap mabigya...