Alex's P.O.V
Nagising bigla ang aking diwa dahil sa mabangong amoy ng pagkain na animo ginigising ako at sine-seduce na kainin ito.
Kumulo ang aking t'yan tanda na nagwagi ang walang hiyang pagkain na iyon na gisingin ako!
"Kahit kailan talaga patay gutom ka pa rin." Napamulagat ako ng marinig Kong may roong nagsalita.
Kinusot ko ang aking mata dahil malabo pa ito.
Tinignan ko ang lalaking nagsalita at nang maaninag ko kung sino siya at hinampas ko siya ng pagkalakas-lakas sa balikat!
Sinamaan ko siya nang tingin. Tinaasan niya lamang ako ng kilay bilang tugon.
"Wala ka pa ring pinagbago. Pagkain lang talaga nakakagising ng diwa mo!" Pabulyaw na sabi niya.
"Pakielam mo ba, Klein?" Sabi ko.
" Hep! Hep!" Sabi ni Drieven na hindi ko man lang alam kung saan ito nagmula!
"Horrey!" Dugtong naman ni Avery na nakatayo sa harap ng pintuan.
Napasimangot naman si Dreiven sa panggagatong ni Avery. Haha.
"Why I'm here?" Tanong ko sa kanila at inilibot ang aking mga mata sa bawat sulok ng silid na aming kinaroroonan.
Nandito kami sa loob ng hideout namin.
Nakatinginan silang apat at sabay-sabay na tumingin sa akin na animo isang fungi sa ibabaw ng microscope.
"Hindi mo ba naaalala?" Tanong ni Kuya king sa amin.
Umiling ako bilang sagot. Sabay-sabay na nagbuntong hininga.
Tumayo si Kuya King at inaiabot sa akin ang itim na papel at ang itim na rosas.
Bigla kong naalala ang mga pangyayari kanina kaya sumibol muli ang galit sa aking puso.
Umupo ako sa kama mula sa aking pagkakahiga.
Nais kung umiyak sa mga oras na ito ngunit aking pipigilang tumulo sa abot ng aking makakaya.
Ang bigat sa dibdib.
Kasi masakit.
Tumingala ako at ipinikit ang aking mga mata upang hindi tumulo ang aking mga luha.
'Mama, papa, tulungan n'yo po ako. Hirap na hirap na po ako.'
Ano nga bang dapat kong gawin?
"Hey! Saan ka pupunta!?" Bulyaw sa akin ni Avery.
Napahinto na lamang ako sa paglalakad.
Tumingin ako sa kanila ."Sa labas." Maikling sabi ko.
"Your not g--"
"No. Don't worry. I'll go with her." Singit ni Klein kay Avery.
Hindi ko na lang sila pinansin at binuksan ko na ang pintuan ng kwarto.
Dumaretso muna ako sa mini kitchen at binuksan ang ref.
"Talagang hindi mo talaga makalimutan ang pagkain huh?" Nakangising sabi ni Klein.
"Ingit ka lang n'yan ehh." Sabi ko sabay isnob sa kaniya.
Kumuha lang ako ng pagkain at lumabas na ng hideout namin.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa wrist ko kaya huminto ako sa paglalakad.
"Bakit?" Tanong ko kay Klein na hanggang ngayoy hawak hawak pa rin ang wrist ko.
Tinaasan ko siya ng kilay nang wala akong makuhang sagot mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
UNPREDICTABLE
Short StoryTitle: UNPREDICTABLE by:Dheamma_GAS-A Genre: Short Story Sa buhay marami tayong hindi pa nalalaman. Mga bagay na nangyayari ngunit hindi natin tiyak kung paano at kung bakit ito nangyayari. Madalas na may katanungan na mahirap mabigya...