CHAPTER 2

88 13 3
                                    

Alex P.O.V

First day of class late ako! Shocks! 8:29 am na pero heto ako tumatakbo papuntang class room namin. Kasalukuyang nasa 2nd floor pa lang ako ehh. Bakit ba kasi nasa 3rd floor pa 'yang room na iyan ehh!
Wala ng estudyante na makikita sa mga pasilyo. Lahat rin ng mga pinto ng mga class room nakasarado na. Huhu.

Nag madali ako lalo sa pagtakbo. Para naman hindi ako masyadong late!

Papaakyat na ako sa hagdan papunta sa floor naming. Tumatakbo pa rin ako. Hindi alintala sa akin na naka mini skirt then with 2 inch na hills na doll shoes ako.

Pakielam ba nila? Sa late na nga ako ehh. Tsaka tutal wala naman na ring mga estudyante ehh.

Bakit ba kasi nakakapanibago na ako nalang mag-isa sa apartment na tinitirahan ko ehh. Nakakapanibagong hindi ko kasama sila mama at papa. Tsk!

Nasa huling hagdan na ako papunta sa floor namin. Tumatakbo pa rin kasi nga late na ako!

Tumingin ako sa relo ko ng biglang--

Boggss!

"Aray ko po!" Sigaw ko sa sakit! Kung minamalas ka nga naman oo! Natisod sa kahuli hulihang baitang ng hagdan!

Ninimas-himas ko ang aking tuhod. Dahil mahapdi! Buti nalang naka high socks ako. Huhu. Panigurado may pasa to niyan!

Numingon ako sa aking paligid upang makasigurado na walang nakakita.. Walang ka tao-tao sa paligid. Hay pasalamat ako't walang nakakita. Pinulot ko na ang aking bag. Tatayo na ako upang ako ay makapasok na. Late na late na kasi talaga ako.

Tumayo ako nguni't muli akong napaupo sa sakit! Shocks. Napilayan yata ako. Huhu. Napapikit na lamang ako sa sakit habang hawak hawak ko ang aking tuhod.

Bakit kasi wala sila mama dito ehh. Para masundo ako. Huhu. Miss ko nasila kahit ilang araw ko pa lang silang hindi kasama.

Ngayong wala sila sa aking tabi, wala ng tutulong sa akin. Lahat kailangan kong gawin ng mag-isa ko. Wala tutulong sa akin dahil wala pa akong kakilala dito. Napamulat ako ng may biglang tumikhim. Nanigas ako sa aking kinauupuan.

Nakatayo siya sa aking harapan. Mukhang estudyante pa lang to base sa pants na suot ni kuya. Mukhang nakita niya akong nadapa! Waaaahhh! LUPA INUUTUSAN KITANG BUMUKA KA AT LAMUNIN NA AKO PARANG AWA MO NA!!! HUHU. Hindi ako makatingin sa tumikhim dahil pinangunahan ako ng hiya.

Tinulungan akong makatayo ng lalaking hindi ko man lang kilala! Inalalayan ako dahil sa hindi ko nga kayang tumayo mag-isa. Hindi na ako umayaw dahil masakit nga kasi talaga ehh.Shocks! Nakakahiya akala ko talagang walang nakakita! Akala ko lang pala iyon!

"TSS. KATANGAHN KASI PINAPAIRAL EHH!" Pabulong ngunit mariing sabi niya sa. Sakto lamang sa making pandinig upang marinig ko dahil nga magkalapit lang kami. Ang Bango niya! Ano kayang perfume niya? Manly scent pero hindi masakit sa ilong ang amoy. Ay ang landin ko na!

Hindi ko pa rin siya tinitignan kasi alam kong pulang pula na ako sa hiya! Akala ko pa naman taos puso ang kaniyang pagtulong ngayon pala labag sa kaniyang kalooban! Napsimangot ako sa making narinig.

"Pasensya naman! Tatanga-tanga kasi yung hagdan ehh! Alam niyang daraan ako hindi nagpatag!" Sarkastimong sabi ko sa tumulong sa akin habang nakayuko pa rin.

"Tss.! Halika na nga at sasamahan na kita sa clinic! Masyado ka ng nakakaistorbo sa akin." Walang emosyong sabi niya sa akin.

UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon