CHAPTER 5

40 10 0
                                    

Avery's P.O.V.

Nandito ako  nakaupo sa isang upuan sa gilid. Pinagmamasdan ko si Lexie na busy sa pakikipag kwentuhan sa dalawa kong boy friends. Ooppss! Wash your mind guys. It's a boy friends. Lalaking kaibigan to be specific guys. Sina Sky and Clark. Mukha namang enjoy na enjoy 'yung dalawang epal. Pumupuso nga ang mga mata ehh. Haha

Nabuhay na naman ang dugo ng mga hudyo. Nakakita na naman ng maganda ehh. Sabi pa nga nila ' Wag ka munang basag trip, Ery! Makikipag close lang naman kami ehh.' Sabi ni Sky sa akin. I raised my  right eyebrow to him.

'Ikaw naman kasi hindi mo agad sinabi na may maganda ka palang best friend dito sa Pinas. Edi sana.' Sabi ni Clark. Sabay itinaas taas ang kilay ng hudyo!

'EDI SANA ANO!?' Sigaw ko sa kaniya. G*go to ahh. May binabalak yata 'to. Tinignan ko siya ng masama at saka siya tumawa ng tumawa ang baliw.

"Woooohhh! EASY! Haha. Wala akong balak. Haha. Nahuhumaling lang ako sa ganda niya." Sabi ni Clark na tumingin kay Lexie na mukhang nauulol na aso. Joke. Haha. Namamangha lang siya. Wala pa namang laway ehh.

Napailing na lamang ako habang nakatingin sa kanila. Masaya ako at nagkita kami ulit ni Lexie. Akala ko hindi na kami magkikita ulit. Na miss ko siya ng sobra.

Malaki ang ipinagbago niya. Kung dati pareho pa kaming nene pa malamang bata pa naman kami noong nagkahiwalay kami ehh. What I mean is mas lutang na ang ganda niya. Siyempre nag dalaga ehh.

Sa ugali? Wala ehh. Iyan pa rin siya. Mabait, masarap kasama at maaalalahanin. Mapang-asar nga lang ang bruha! Idagdag mo pa ang pagkasadista n'yan. Hay naku. Wala pa ring pinag bago. Siyang-siya pa rin 'yong Lexie na best friend ko na pagaga (iyakin in Tagalog) na naiwan ko sa Pampanga.

And one thing I can say is I really missed her. Magpapakita naman sana ako sa kaniya kayo atat siya nauna pang nagpakita sa akin ang gaga. Haha.

Balak ko sanang kausapin sila Tito Jake Papa ni Lexie. Ipapakiusap ko sana dito na si Lexie mag-aral sa A.U and I guess that hindi ko na kailangang gawin iyon. Haha.

Nakita kong kumaway si Sky sa akin mula sa kinauupuan nila. Tss. Kabilang dulo lang naman ng long table ehh. Tinignan ko lang siya at sumenyas na pumunta ako doon! Aba! Aba! Inuutusan niya ba ako na lumapit doon!? Tinignan ko siya ng masama at ng peace sign siya at saka tumayo na upang lumapit sa akin.

"Tss. Lalapit ka rin pala uutusan mo pa akong lumapit sa iyo?" Mataray kong sabi sa kay Sky.

"Sorry naman. Haha. Bakit ka nag-iisa dito? Ayaw mo bang kasama si Alex? Diba best friend mo siya?" Sunod sunod na sabi niya sa akin.

UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon